CHAPTER 15

108K 2.9K 227
                                    


Kakapasok ko pa lang ng apartment ay nakita ko na agad ang kapatid ko na nakasandal pa sa pader at nakahalukipkip. "Anong ginawa mo sa unit ni Gabe?" Kung umasta talaga si Ravince ay parang siya ang mas nakakatanda sa amin.

"Ravince, tingin ko kaya naman na ni Gabe ang mag-isa. Saka kung may kailangan siya pwede naman niya akong tawagin. Naaabala ka, e. Ang layo ng school mo kung dito ka ulit matutulog. And besides, wala ba kayong school works na ginagawa?"

"Gusto niyo lang makapagsolo ni Gabe, ano? Saka isa pa, ayokong bumalik sa condo. Mabubwisit lang ako doon sa nasa kabilang unit."

"A Mariano never backs down, Ravince. So what's up with... what's her name again?"

"Robin, Alexa Robin Terrel."

Inilapag ko ang bag ko sa sofa saka umupo. "Gusto mo siya, ano?" Natawa ako nang biglang namula ang mga tenga nito. "Sus! Ayaw mo siyang makita pero gusto mo naman pala siya."

"Stop it, Miru!"

"Ate Miru... kasi ate mo ako. Ikaw bata ka, namumuro ka na sa pagtawag sa akin ng Miru, ah. Kapag narinig ka nina mommy---"

"Wala si mommy dito kaya huwag mo nga siyang dinadahilan. Anong ginawa mo sa unit ni Gabe?" Balik na naman kami sa topic na 'yan.

"Wala namang ginawa kuya dahil wala namang gagawin. Kumain lang kami ng ice cream."

"Ice cream?" Parang kung anong ilaw ang kumislap sa mga mata nito. "May ice cream pa ba siya?"

"Aba ewan! Bumalik ka na sa condo kasi matutulog na ako dahil napagod ako." Sabi ko nang papasok na ako sa kwarto ko. Hindi naman kasi malaki ang apartment para hindi pa niya ako marinig.

"Magtoothbrush ka naman. Kaya hindi ka nagkakaboyfriend, e."

"Tse! Magboboyfriend ako kung gusto ko!" Magboboyfriend ako kung may nanligaw na gusto ko. Hindi 'yung boboyfriendin ko ang kaibigan ko dahil siya lang ang gustong manligaw. Iniisip ko pa lang na maging boyfriend si Jonathan ay parang kinikilabutan na ako. We're so awkward together saka alam ko ang sex life niya! Alam ko ang mga kalokohan niya. No! Ayoko! Ang weird lang dahil bigla siyang umamin.

"Hoy Miru! Puntahan ko lang si Gabe. Manghihingi ako ng ice cream."

"Huwag ka na ring bumalik!" Sigaw ko at alam kong narinig niya iyon dahil hindi ko pa naman narinig ang pintong nagbukas at sara.

"Balik ako sa susunod." Sabi nito at tuluyan na nga siyang umalis.

Humiga na lang ako sa kama ko at inisip ang mga nangyari ngayong araw. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ako nagustuhan ni Jonathan. Like hello? Hindi ako tulad ng ibang babae. Hindi ako palaayos at iba ang trip ko sa karamihan. Kahit anong isip ko malabo pa rin talaga, e.

Nagkamot ako ng ulo ko saka ako gumulong-gulong sa kama. Pagkatapos ay humiga ng maayos at tinitigan ang kisame. May insekto pa ngang lumilipad paikot-ikot sa bumbilya.

Tumayo ako ulit at saka nagbihis ng damit. Lumabas din ako ng kwarto ko kaya napansin ko ang susi ng sasakyan ni Ravince na nakapatong sa lamesa. Kinuha ko ito at agad akong lumabas ng kwarto ko saka kumatok sa unit ni Gabe. Pinagbuksan naman ako ng damuho kong kapatid.

"Bakit ka nandito? Dapat natulog ka na. Huwag mo ng alagaan si Gabe. Magpahinga ka na lang."

"Sino ba ang nagsabing aalagaan ko? Yung susi ng sasakyan iniwan mo. Umalis ka na, huwag kang babalik dito kasi hindi ako makapag-aral."

"May sasakyan ang kapatid mo? How come wala kang sasakyan?" Hindi ko man nakikita si Gabe ay naririnig ko naman ang boses niya. Siguro ay nakaupo siya sa sofa.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon