CHAPTER 7

116K 3K 294
                                    


Kinakabahan ako. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ngayon. Napatigil talaga ako sa pagtakbo nang makita ako ang isang pamilyar na sasakyan. Ilang beses ko kasi itong iniwasan kaya hindi ako pwedeng magkamali sa nakikita ko ngayon. Damn it! Hindi na yata talaga ako makakaiwas ngayon.

Sa passenger seat ay bumaba siya. Katulad ng dati ay mahaba pa rin ang buhok niya. At dahil maliwanag ay kitang-kita ko ang makinis nitong balat.

"Oi? Bakit ka napahinto?" Inakbayan ako ni Kevin at pinisil naman ni Erol ang pisngi ko.

"Nabaliw na yata ang isang ito." Sabi pa ni Jonathan.

"Baka gutom na?" Segunda naman ni Erol.

"Tumigil nga kayo." Sabi ko sa kanila at unti-unting tumalikod. Bakit ba sila nandito?

"MIRU!" Bakit ba boses pa lang niya maganda na? Bakit ba ang unfair ng mundo? Tila isang anghel talaga ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Miru! Oh God! Miru ikaw nga!"

"Kilala mo?" Sabay-sabay na tanong nung tatlo sa akin. Muli ay humarap naman ako sa babaeng tumawag sa akin. Kay Gelene.

"Miru." Muling tawag nito sa akin nang palapit na siya. Maski tuloy ako ay naglakad na palapit sa kanya. Napansin ko rin na bumaba na si Derek sa sasakyan. Freaking hell! Gwapo pa rin siya at medyo nabawasan ang pagkamaangas nitong aura. Dahil na rin siguro ito kay Gelene.

"Gelene."

"Akala ko, hindi ka na naman namin makikita ngayon. Ilang beses kami nagpabalik-balik dito pero lagi kang wala."

"Kaibigan mo?" Tanong ni Jonathan sa akin. Doon ko lang din napansin na wala pa sa harap ang sasakyan ni Gabe.

"Guys, si Gelene ang friend ko. Gelene, sila naman sina Erol, Kevin at Jonathan. Mga kaklase at kaibigan ko sila."

"Hi." Ngiting-ngiting bati ni Gelene sa kanila. Sakto naman na palapit na si Derek sa amin kaya biglang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Gusto ko na lang lamunin ng lupa ngayon! "Busy ka ba? Hindi ka kasi nagtitext or nagpaparamdam online. Dinner perhaps? Kahit isama mo pa sila." Kaswal nitong sabi na parang wala lang sa kanya ang ilang beses kong pag-iwas sa kanila.

"Lagi kayang online---" Sinamaan ko ng tingin si Erol. Bakit ba hindi niya kayang manahimik? Gumawa ako ng mga bagong account para lang sa mga kaklase at mga bago kong kilala ngayon at ayaw kong malaman nina Gelene iyon.

"Miru." Malungkot na tawag nito. "Busy ka ba?"

"May gagawin kasi kami---"

"Hindi. Kami na lang muna ang gagawa nito Miru." Sht! Pakiramdam ko ay bigla akong namutla dahil sa sinabing iyon ni Kevin.Bakit ngayon pa niya ako kailangan ilaglag? "Talk to them, Miru." Seryoso ang pagkakabulong na iyon sa akin ni Kevin.

Akala ko kasi talaga ay magiging okay na ako kapag nakita ko sila pero hindi pa rin pala. Nang umalis ang mga kaibigan ko ay umakyat na kami nina Gelene at Derek sa unit ko. Kinakabahan ako na hindi ko maipaliwanag. Hindi ko nga sila matignang dalawa! Para akong nahihiya. Parang anytime ay lalamunin ako ng lupa.

"So, hindi mo na talaga ako kinakausap? Kami?" Umpisa nito sa akin nang makapasok kaming tatlo. "Anong problema Miru? I thought you're my best friend." Halata ang bitterness sa pananalita pa lang nito.

"Kapag magbest friend ba kailangan nag-uusap lagi?" Alam kong mamasamain niya iyon pero hindi ko alam kung bakit ko pa rin sinabi. "Umupo muna kayo. Wala akong maiaalok dahil tubig lang ang meron ako ngayon." Hindi ko alam kung bakit umaakto akong bitchesa ngayon sa harapan nila. Hindi deserve ni Gelene ang ganitong treatment.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon