CHAPTER 18

99.1K 2.9K 701
                                    

CHAPTER 18

Naghiwalay lang kaming dalawa nang may marinig kaming tumikhim. Nakayuko lang ako habang nakahawak sa dibdib ko. Hanggang ngayon kasi ay kumakabog pa rin ito at hindi ko maintindihan kung bakit nag-iinit ang mukha ko.

"Uhm... Miru." Agad akong tumayo at niyakap si Gelene. Naramdaman ko naman kaagad ang pagtapik nito sa likuran ko. "You're still our Miru." Bulong nito sa akin na halatang natuwa dahil niyakap ko siya. "Sorry kung pinilit kitang pumunta. Sorry dahil akala ko iba na sila. Sorry dahil hindi pa rin kita mapagtanggol."

"Gelene, gusto ko pa ring bumalik doon at ipakita sa kanila na kahit anong sabihin nila may mga tao pa ring naniniwala sa akin."

Lumapit si Gabe at inilagay sa balikat ko ang black coat nito na dahilan ng lihim na pagngiti ko. Hindi ko alam kung napansin iyon ni Gelene. Basta ang alam ko, iba na ang mood ko kumpara kanina.

"Ipapakilala kita sa mga dati kong kaklase. Pero okay lang ba sayo yun pagkatapos ng mga nangyari sa loob?"

"Okay lang. Mas okay nga siguro kung sayo ako sasama." Tumingin ako kay Gelene. "Sorry Gelene."

"Okay lang sa akin na kay Gabe ka kay sumama pero wala kang balak na ipakilala ako?" Reklamo ni Gelene kay Gabe.

"Kasama kita kaya ipapakilala ka rin niya." Dahil sa sinabi kong iyon wala nang choice si Gabe kung hindi isama na rin si Gelene.

Mababait naman ang mga kaibigan niya. Sa katunayan ay nag-enjoy naman kami ni Gelene kasama nila. Ang kaso, kailangan ko ng umuwi dahil inaantok na ako. At isa pa ay napapansin kong napapahawak na si Gabe sa ribs niya kung saan nagkaroon siya ng fracture. Malamang hindi pa talaga ito totally na gumaling.

"Kung gusto mo ay magpahatid na lang tayo sa driver ni Gelene?"

"Hindi na. Kaya ko pa naman. Malapit lang naman ang bahay niyo kaya mahahatid pa kita."

"Gabe, dumiretso ka na lang sa inyo dahil baka mas lalo pang lumala ang---" Hindi ko naituloy ang sinabi ko nang bigla may umakbay sa akin at nanggulo ng buhok ko. Damn it!

"Ano bang problema?" Tanong ko sa kanila. Yes, sa kanila! Tatlo sila at medyo nabigla sila sa tanong ko at ganoon din naman ako sa tanong ko! At si gabe dahil may tatlong lalaki bigla na nandito! Pero napamura na lang ako ng mahina ng mamukhaan ko sila. Sht! Mga kasama ko sila noon sa club noong high school kami!

"Ang laki naman ng iginanda ng Miru namin. Dati kunwari-kuwariang muse ka lang namin sa club dahil ikaw lang babae doon, e."

"Sira. Tatlo kaya kaming babae noon." Nakangiti kong sagot. Tumingin ako sa likuran nila at nagbabakasakaling kasama nila ang isa pa nilang kaibigan pero nabigo ako. Wala siya.

"Si Oliver ba?" Nakangiting tanong ni kuya France. "Hindi siya makakapunta pero huwag kang mag-alala, kilala ka pa nun." Tumingin siya sa katabi kong si Gabe... "Sige, doon muna kami mukhang naiinip na yang boyfriend mo." Paalam pa nila sa akin kaya naman nginitian ko na lang sila.

"Oliver?" Nakakunot ang noo na tanong ni Gabe sa akin.

"Yup, Oliver. Yung basketball player. Yung lagi kong sinusuportahan."

"Ah..." Parang hindi siya interesado sa topic. Ipinagmamalaki ko pa naman na kakilala ako ni Oliver. "Uuwi ka na, diba? Ihahatid na kita."

"Hindi na. Kaya ko naman saka isa pa---"

"Ako ang sumundo sayo kaya ako rin ang dapat na maghatid sayo." Seryoso ang tono ng boses nito at mukhang hindi siya makikinig sa akin. Pero mas seryoso ako kaya mas dapat siyang makinig sa akin!

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon