EPILOGUE

134K 3.8K 672
                                    

EPILOGUE

Saturday ngayon kaya naman naisipan naming magluto ni Gabe ng makakain. Simula noong nagkabalikan kami ay parang hindi na kami mapaghiwalay sa isa't isa. Maliban na lang kung nagt-trabaho kami.

Niyakap niya ako mula sa likuran ko at tinignan ang hinihiwa ko. Natawa pa nga ito nang bahagya at mukhang lalaitin na naman niya ako.

"Huwag ka munang manlait kasi may hawak pa akong kutsilyo." Pananakot ko na dahilan kung bakit mas lumakas pa ang pagtawa nito. Tanggap ko naman na magaling siyang magluto at ako'y tinuturuan pa lang niya.

"Angel, hindi naman ako manlalait. Namiss lang kita." Umirap ako nang sabihin niya iyon. Paano niya ako mamimiss? Halos araw-araw naman kaming nagkikita. Maliban lang talaga kung nauuna akong nakakatulog dahil masyado siyang busy sa work niya.

"Angel?"

"Hmm?" Humiwalay na ito sa akin at sumandal siya sa counter. Hinila rin niya ako palapit sa kanya at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Pinapunta ko si Carissa rito." Huminga ako nang malalim. Nag-explain naman siya sa akin noong una pa lang dahil baka magulat daw ako. Naging malapit daw sila kahit pa niloko kami ni Carissa noon. Naawa raw kasi siya rito at kahit papaano ay parang anak na raw niya ang bata kahit alam niyang hindi siya ang ama.

"Baka naman kasi lukso na talaga ng dugo 'yan?" Nakasimangot kong sinabi rito.

"Miru naman... I told you, para ko na kasi talagang anak yung bata. Saka nakakaawa naman siya dahil wala siyang ama."

"Paano kung isipin niya talagang daddy ka niya paglaki niya? Paano kung maechapwera na naman ako?"

"Miru, hindi naman ako magpapatawag na daddy. Okay na ako sa tito. Saka bakit naman niya iisipin yun? Kasal na tayo paglaki niya." Marahas kong kinamot ang ulo ko saka ko ibinigay sa kanya yung kutsilyo. "Miru naman, huwag mong sabihing magpakamatay na ako?" Mas lalo ko pa siyang inirapan dahil sa sinabi niyang iyon.

"Ikaw ang magluto. Ikaw ang magprepare ng kakainin ng mag-ina mo. Maliligo na lang ako at lalabas na lang kami ni Gelene." Pero deep inside ay natuwa naman ako sa sinabi niyang paglaki ng bata ay kasal na kami ni Gabe.

"Miru."

"Joke lang. Maliligo lang talaga ako. Gusto ko rin makita 'yung bata." Nginitian ko si Gabe para ma-assure na siya pero mukhang hindi effective. Mukhang hindi pa rin siya naniniwala sa akin. "Ugh, fine! Nagseselos lang talaga ako pero alam ko namang ako lang pero hindi pa rin mawala sa isip ko yung mga nangyari."

"Miru, don't be jealous."

"I can't help it. Siya ang gusto ng daddy mo para sayo." Umiling ito saka niya ako niyakap kaya naman niyakap ko na rin siya pabalik.

"Pero ikaw ang gusto ko. At pinapasabi ni daddy na gusto ka niyang makausap." Lumayo ako sa kanya kasi para akong kinabahan bigla dahil sa sinabi niya. "Baka pumunta rin siya ngayon."

"Gabe! Seryoso?" Tumango ito saka ako nginitian.

"Don't worry."

"Bakit naman ako hindi mag-aalala? Gabriel!" Lumayo ako sa kanya at nagpalakad-lakad ng pabalik-balik. "Anong sasabihin ko sa kanya? Anong pag-uusapan namin?"

"Miru, relax okay?" Nakuha pa niyang ngumiti gayong nagpapanic na ako rito! Yung kaninang selos ko kay Carissa ay napalitan ng kaba dahil sa ama ni Gabriel!

"How can I relax?"

"Maligo ka na para mawala ang mga iniisip mo. It'll be fine, promise." humawak pa ito sa braso ko saka niya ako dinampian ng halik sa labi. "Trust me, Angel. Bumalik ka na sa unit mo at maligo ka na."

Hello, NeighborWhere stories live. Discover now