CHAPTER 6

122K 3K 194
                                    


Katulad ng request kanina ng nakausap ko ay bumili na nga ako ng brownies. Nasabi ko rin naman sa boss ang tungkol sa request nito at sinabi niya sa akin na mahilig daw talaga 'yung isang engineer sa matatamis.

Paakyat na sana ako sa office nang biglang may umakbay sa akin.

"Kita mo nga naman. Nandito ka rin?" nakangiting sabi ni Gabe. "Akalain mo 'yun? Oh? Ano 'yan?" Tanong niya pa sa hawak ko.

"Tumigil ka nga."

"Tumigil ka na raw." Sabi ng kasama nito. "Pagpasensyahan mo na 'tong kasama ko." Ngumiti ang kasama ni Gabe. Mas malayong maayos siya tignan kesa kay engineer. Presentable kasi siya at parang seryosong tao, well, maayos din naman tignan si Gabe ang kaso medyo alam ko na kasi yung ibang baho niya kaya siguro kahit presentable siyang tignan at hot ang kulay ng mata niya ay hindi ko pa rin siya makitang presentable.

"Dito ka nag o-ojt?" Tanong ni Gabe nang sabayan nila ako sa paglalakad.

"Seryoso? Akala ko nagtatrabaho ka rito. Estudyante ka pa pala?" Hindi naman halatang gulat yung kasama niya. Parang sinabi lang niya iyon para mapasama lang siya sa conversation.

"Kayo bakit kayo nandito? Dito rin ba kayo sa building na 'to? Saang floor kayo?"

"Ay hindi. May kakausapin lang kami about sa isang project. Sinamahan ko lang 'to." Napahinto ako bigla dahil sa sinabi ni Gabe. "Oh? Anong nangyari sa 'yo?"

"Engineer?" Tanong ko habang nakatingin sa kasama nito. "Engr. Bautista?"

"Ako nga."

"Kanina pa po kayo hinihintay ng boss." Agad akong pumasok sa elevator at hinold ang button para makapasok pa silang dalawa.

"Ah! Ikaw yung nakausap ko kanina? Mukha kasing hindi alam ang sinasabi kaya alam kong OJT agad yun pero hindi ko alam na ikaw yun. Dito ka pala." Tumatango-tangong sabi pa ni Gabe. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iaasta ko ngayon sa harap niya.

Ngumiti na lang tuloy ako bilang paggalang sa kanila.

"Ilang oras pa ang dapat mong tapusin?" Tanong pa ni Gabe sa akin nang paakyat na ang elevator.

"Mga 210 hours pa po. Halos kauumpisa ko lang, e." Sagot ko naman nang hindi nakatingin sa kanya.

"Po?" tumawa ito. "Ano ka ba, umakto ka lang kung ano ka talaga sa akin. Parang hindi tayo---" Tinitigan ko siya nang masama na kaagad namang napansin ni Engr. Bautista.

"May hindi ba ako alam dito? Akala ko ba sumama ka kasi..." Ngayon naman ay si Gabe ang tumingin ng masama kay Engr. Bautista. "Kasi gusto mong makita ang gagawin kong trabaho kung sakali. Pero hindi nga? Paano kayo nagkakilala?"

"Kapitbahay ko siya." Si Gabe na ang sumagot nito. "Mabait na bata 'yan. Laging nag-aaral."

"Naks naman. Pero pare, hindi mo naman kailangan magsalita na parang ang tanda na natin. Ilang taon lang naman siguro ang agwat natin sa kanya."

Mabuti na lang ay bumukas na ang elevator kaya nauna na akong lumabas sa kanila. Alam kong rude pero iniisip ko pa lang na pinatulog ko kagabi si Gabe sa unit ko parang mali na. Paano pa yung nakita niya akong walang T-shirt kaninang umaga?

"Miru buti naman nakabalik ka na, pakicompute nga 'to--- oh." Napatigil si Carol nang makita niya sina Engineer. "Nandito na pala kayo, kanina pa kayo hinihintay ni boss." Yung mga ngiti ni Carol kanina ay biglang nawala.

"Ms Carol, ito lang ba ang ipapagawa mo?"

"Ah, oo. Tapos kapag natapos mo 'yan ibalik mo kaagad sa akin para makita ko, okay?" Agad din siyang tumaliod at bumalik sa cube niya. Hindi talaga siya umaasta ng katulad ng dati. Napatingin tuloy ako bigla kay Gabe na ngayon ay nakangisi at nakapamulsa pa.

Hello, NeighborTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon