Maikling update lang. :)
CHAPTER 30
Nagpapawis na ako at ayaw kong gumalaw o mahanginan.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Umuwi ka na kaya?" Concerned na sabi ni Jonathan sa akin. Hinihintay pa namin ang dalawa naming ulupong na kaibigan.
"Pakipatay na lang yang electric fan." Utos ko sa kanya. Nasa classroom kasi kami dahil pinuntahan namin kanina ang ilan sa profs namin. Natural lang na nandito kami ngayon para i-check kung okay ba ang grades namin.
Jusko! Ang aga ng pictorial para sa grad pic dahil baka may mga hindi fifth year! Tapos mamaya niyan hindi pala kami pasado, edi masakit sa dibdib. Edi hindi na makakapagpagboard exam. Pero kung pasado naman edi kelangan pa ulit mag-aral para sa compre. Ang masaklap, kung bagsak talaga ang grade edi accounting tech na talaga ang bagsak. Paano naman ang pag-aalay namin ng buhay namin sa pag-aaral kung hindi pala kami magboboard?
"Sigurado ka bang okay ka?" Tumango ako tapos pinatay na nga niya ang electric fan. Pinakiramdaman din niya ang noo ko pero wala naman siyang sinabi. Natural, wala naman kasi akong lagnat.
Nakasandal lang ang ulo ko sa desk habang hinihintay sila. Pero mukhang hindi na lang ako makikipag-usap sa profs ngayon. Next time na lang yata.
"Tawagin ko na ba si Engineer?" Concerned talaga sa akin si Jonathan, halata naman. Ayaw niya kay Gabe pero willing siyang tawagin si Gabe para sa akin.
"Hindi na. Ako na lang." Kinuha ko na ang bag ko at tumayo na. Nakahawak pa ako sa tiyan ko habang naglalakad ako.
"Sure kang okay ka?" Sinundan ako ni Jonathan hanggang sa makalabas ako ng building.
"Okay ako. Magtatricycle na lang ako pauwi. Hintayin mo na lang sina Erol"
"Sigurado ka talaga?" Tumango ulit ako tapos naglakad na ako palayo sa kanya. Alam ko naman na nakatingin pa rin siya sa akin. Okay naman talaga ako. Ang sakit lang talaga ng tiyan ko.
***
Binuksan ko ang pinto ng unit ko dahil sa sunod-sunod na pagkatok. Si Gabe. Pawis ito at tila nagmadaling magpunta dito ngayon.
"Ang sabi ni Jonathan, may sakit ka raw?" Nanlaki ang mga mata ko dahil wala naman akong sakit. "Anong masakit?" Nag-aalalang tanong nito.
"Uhmm.. Yung tiyan ko?" Kumunot ang noo niya dahil sa sagot ko. Mukhang galing pa siya sa site tapos nagmadali pa talaga siya dahil lang sa sinabi ni Jonathan.
"B-bakit? M-meron ka ba?" Nahihiyang tanong nito pero umiling ako. "Wala?" relief flooded on his face. "Pero gusto mo bang magpa-ospital? Baka mamaya niyan may gallstone ka o kaya naman appendicitis o kaya—" Itinaas ko ang kamay ko para patahimikin siya.
"I'm fine." Sagot ko saka tuluyan na siyang pinapasok sa unit ko. Umupo ako sa sofa at itinutok ang sarili sa palabas.
"Sigurado ka? Baka kasi mamaya bigla kang bumulagta tapos---"
"Okay nga lang ako." Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Miru" Hindi ko siya pinansin. "Angel, makinig ka nga sa akin."
"Okay nga ako! Natatae lang talaga ako kanina!" Ilang beses siyang kumurap at parang di makapaniwala sa sinabi ko. "Ano? Bawal na tumae ang babae?" Inis kong sabi. "May nakain lang akong sira kaya ganyan." Sabi ko pa ulit pero mukhang hindi pa siya nakakarecover sa mga pinagsasabi ko. "What?"
"Hindi naman bawal" Umiwas siya ng tingin sa akin at parang namula siya bigla. Pareho lang kaming namumula. Nakakahiya kayang sabihin 'yun sa kanya! Kainis si Jonathan! Hindi ko na nga sinabi sa kanya para hindi niya ako asarin tapos ipinaalam pa kasi kay Gabe! "Kung ganun pala, babalik na ulit ako. Kung may kailangan ka, tawagan mo na lang ako." Tumango ako at hindi na nagsalita.
Paglabas na paglabas talaga niya ng unit ko ay doon ko naramdaman ang lahat ng hiya! Agad kong tinawagan si Jonathan tapos minura ko talaga siya ng nonstop! Nakakahiya talaga!!!
Gabi nang dumating si Gelene sa unit ko. Ayon sa kanya ay tapos na rin ang finals nila kaya dito siya ngayon sa unit ko matutulog. Magpapahinga lang ako ng ilang araw tapos mag-aaral ulit ako para sa comprehensive exam, well sana ay umabot muna sa quota ang grades ko. Dahil kung hindi umabot, wala ng compre. Masaklap, kulang na lang ay literal na sunugin na namin ang kilay namin.
"Miru," Niyakap ako ni Gelene mula sa likuran ko. Mukha siyang malungkot. Sa ilang linggo lang naming hindi pagkikita ay ganito na siya. Huli ko siyang nakita noong nagpunta kami sa beach hotel namin. "Gustong-gusto kong sugurin 'yung kaklase mong si Agatha." Humigpit ang pagyakap niya sa akin. "Naiinis ako kasi kapit siya nang kapit kay Derek hanggang ngayon." Hinayaan ko lang siyang magsalita pa. Alam kong umiiyak na rin siya ngayon dahil nararamdaman ko na ang pagkabasa ng likod ko. Gusto ko siyang i-comfort, gusto kong magsabi ng mga makapagpapawala ng nararamdaman niya, pero anong sasabihin ko? Tanging heto lang ang kaya kong ibigay sa kanya, ang likuran ko at ang tenga ko.
Sakto lang ang dating ni Gabe dahil tulog na si Gelene nang kumatok siya.
"Akala ko ba kasama mo si Gelene?" Naningkit ang mga mata ko dahil mukhang si Gelene ang ipinunta niya at hindi ako!
Inilahad ko ang kamay ko at tinitigan naman niya ito. "Bakit 'yan?"
"Pagkain. Bakit wala kang pagkain na dala?"
"Ang sabi mo, kumain ka na." Nagpout ako saka siya itinulak paalis sa sofa. Mahihiga ako doon. Magdusa siya sa lapag.
Tahimik lang kaming nanonood ni Gabe habang nilalaro niya ang mga daliri ko nang nagulat ako sa pagtunog ng cellphone ko. Nakaupo siya sa sahig at tumingin sa akin. Agad ko namang chineck ang cellphone ko. Alarm iyon.
"Mag-aaral ka ba?" Tanong nito dahil kadalasan akong nagseset ng alarm tuwing mag-aaral ako. Umiling ako saka pinatay ang alarm.
Alas dose na.
"May problema ba?" Hinawakan ni Gabe ang pisngi ko. "May problema?" Ulit nito.
Muntik ko nang malimutan. Ngayon na pala ulit ang araw. Pangalawang taon na.
"Miru?" Umupo na ako nang maayos kaya umupo na rin si Gabe sa tabi ko, nakatitig sa akin at punong-puno ng pag-aaalala. Pero umiling ako. Nginitian ko siya.
Dahil kay Gabe, muntik ko ng makalimutan itong araw na ito. Dahil kay Gabe, nalimutan kong minsan ay may nasira akong pamilya.
"Mamayang umaga, aalis ako." Confused na nakatingin lang siya sa akin habang nakikinig. "Pupunta ako ng sementeryo." Kumunot ang noo niya. "May dadalawin ako." Ang tahimik. Tanging mga sasakyan na napapadaan sa labas ang naririnig namin ngayon.
"Magugustuhan mo pa rin kaya ako?" napalunok ako habang tinitignan ko siya sa mga mata. Seryoso pa rin itong nakikinig sa akin kahit pa parang naguguluhan na siya. "Kahit na dahil sa akin kaya siya namatay?"
*****
VOTE AND COMMENT
BINABASA MO ANG
Hello, Neighbor
RomanceNathalie Miru Mariano's Story August 8, 2015 - December 22, 2015