Chapter 02: I Like Rubber Ducks

1.9K 189 38
                                    


I Like Rubber Ducks

"Ayoko," madiing sagot ko kay kuya Caleb na parang gusto na akong sakalin dahil sa pagtanggi ko sa kaniya.

Sorry naman, ah.

"And why?" lukot ang mukhang tanong niya. "My brother helped you to finish your goddamn studies, woman! Utang na loob mo 'to sa kaniya!"

Jesus Christ!

Napahilot ako sa sentido ko nang sulyapan ko si Grie na nakatingin lang sa 'ming dalawa. Kanina ko pa nga tinatantiya kung nagkukunwari lang siya na may sayad siya. Pero hindi. Seryoso talagang may mali sa kaniya. Saka sabi rin ni kuya Caleb, dalawang taon at kalahati na raw itong ganito.

Pero pakialam ko ba? Hindi ko na kailangan pang alamin kung ano ang sakit niya dahil ito na ang huling araw na makikita ko siya. Sisiguraduhin kong hindi na ako mahahagilap ni kuya Caleb. Siya lang naman kasi ang may pasimuno nito! Hindi ko nga alam kung nananadya ba siya o kung kailangan niya ba talaga ng tulong, eh!

"Yeah, I know. Tinulungan niya akong makatapos..." Tumango-tango ako habang hilot-hilot pa rin ang aking sentido. Nakaka-stress.

"Babayaran ko ang lahat ng ginastos niya sa 'kin. Don't worry, kalkulado ko lahat. May pangbayad ako." Muli kong ibinalik ang paningin ko kay kuya Caleb.

"Oh, hell no, woman." Bigla siyang napangiwi dahil sa sinabi ko. "Hindi niya kailangan ang bayad mo. Marami kaming gano'n!"

Alam ko 'yon, 'no.

"Saki, I just want him back! Desperado na ako!"

"Then humanap ka ng iba. Bakit ba ako ang dinala mo rito? Maraming mas magaling sa akin. Imposible namang wala kang perang pangbayad?!" naiiritang tanong ko.

"I can't!" mas malakas na sigaw niya sa 'kin. He looked hopeless. Napasabunot siya sa sarili niyang buhok bago siya pabalik-balik na lumakad sa harapan namin ni Grie, na kasalukuyang nakaupo lang sa kama niya habang kumakain.

See? Wala siyang pakialam sa nangyayari sa paligid niya.

"At bakit naman, kuya Caleb?"

"Lahat ng doktor na pumasok dito, binugbog niya. Alam mo naman siguro kung gaano kabigat ang kamao niya, 'di ba? Sumasali siya sa mga frat noon habang kayo pa."

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Bigla akong kinabahan nang maramdaman kong sa akin na nakapirmi ang mga mata ni Grie. Alam ko. Saksi ako kung gaano kalalang manggulpi si Grie. Nakita ko na iyon noon!

Humarap sa akin si kuya Caleb. "Ikaw lang ang ibang taong nakapasok dito na hindi manlang napuruhan."

So, ibig sabihin, may posibilidad na mapupuruhan ako? Pero hindi niya manlang ako inalala at basta niya na lang ako pinapasok sa potato room ni Grie without any warning manlang?!

Letse talaga ang mga Amberson!

"He even gave you some of his food. Madamot siya sa patatas kaya nahihiwagaan ako na binigyan ka niya, samantalang kapag ako, eh, ayaw niyang bigyan kahit isang pirasong fries kapag nanghihingi ako!" may halong pang-uuyam na sigaw niya na naman sa mukha ko. Kung hindi lang mabango ang hininga niya, malamang nasapak ko na ang bunganga nito.

"Ngayon alam mo na kung bakit ikaw na lang ang last hope ko?" dugtong pa nito.

Last hope my ass.

"Paano kung bugbugin niya ako bigla?" tanong ko saka ginawaran siya ng masamang tingin. Buwiset. Pare-parehas lang talaga silang magkakapatid. Lahat sila puro kapakanan lang ng sarili nila ang iniisip. Hindi nila iniisip ang mapeperwisyong ibang tao dahil sa mga kilos nila!

I Like PotatoesTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang