Chapter 22: Head

475 52 9
                                    

A/N: Sorry for the errors, walang time para ayusin ang chapters. 🤧

*****

SAKI

"Mama," bulol na sambit ni Maximus at nilamutak ang mga pisngi ko. I didn't complain, simply because he's too cute. I just laughed and let him do whatever his little hands wants.

Bitbit ko si Maximus nang pumunta ako sa kusina, Taylor Swift's music is playing in the background.

Inayos ko ang mga pinamili ko, nilagay ko sa ref ang mga dapat ilagay doon at medyo mabagal ang kilos ko dahil may bitbit akong mabigat na bata. Umiiyak kasi kapag nilalapag ko, may bago na naman siyang nabuong bisyo.

It's peaceful here. Kaming dalawa lang ng anak ko ang narito. Bukas ang mga bintana at hindi gaano mainit ang klima sa labas. Naaamoy ko rin ang mabangong amoy ng Fresh Bamboo sa humidifier sa sala.

Kahit hindi pa ako lumalayo, I admit that it's... peaceful here... At ayoko nang guluhin ang katahimikan na iyon. Seeing Grie makes me... Makes me wanna scream. Seeing his miserable state makes me wanna mock him. I wanna hurt him-- pero anong silbi niyon?

Anong makukuha ko? Magiging masaya ba ako? Ang anak ko? Malamang ay maaapektuhan siya. Hindi ko gusto iyon--ayokong mangyari ang mga bagay na kinatatakutan ko.

I know, it's fucking unfair. He should be in jail. He should be suffering more than the way he's suffering now. I want him to rot in fucking hell—

Pero...

I heaved a deep sigh.

Tinitigan ko ang bata sa bisig ko. He literally looks like his father. Pero papalakihin ko siya ng maayos... para hindi siya matulad sa walang hiya niyang ama.

Our eyes met. Those beautiful eyes—nakukumpleto ang araw ko by just looking at him. And I know, I only live for my son now.

He giggled. Labas ang maliliit at bagong tubo niyang mga ngipin.

Oh, what a cutie.

Tahimik na lumipas ang araw ko. Si Maximus, tulog na sa crib niya sa sala habang ako naman ay abala sa pagluluto ng kakainin ko. Ang pusa naman namin na si Tatsu ay abala sa paglalaro sa sahig. Hinahabol at pilit nyang kinakagat ang bola niya.

And I can say that... I'm actually recovering after that depressing era of my life. Nakakatulog na ako sa gabi at hindi na ako na-a-adik sa alak. Sure, I still drink sometimes, pero kapag nandito lang si Soren at sasabihin niyang siya ang magbabantay kay Maximus.

But lately, hindi na siya gaanong pumpunta rito. Na-busy na siya sa girlfriend niya, mukhang tinamaan siya sa babaeng iyon. Mildred yata ang pangalan. May kilala akong Mildred, iyong kapatid ni Gin—but I don't know. Those families are rivals, it's forbidden for them to have a relationship with each other's. Lalo na kung romantic.

Gabi na. Tanging ang ingay lang ng pusa namin ang naririnig ko. Kung titingnan, kung iba ang estado ng isipan ko ngayon-- I swear I'd kill myself. But now, I recognize this silence as peace. This is what I'm craving. This is exactly what I wanted.

Me, alone with my son. And oh, I have a cat, too-- indeed, this is what I want. And I think, I do deserve this.

Sana lang ay... wala nang panggulo pa.

But I was wrong.

May panggulo.

"I'm so sorry," hinging paumanhin ko, but I still want to rip that face apart. "Nakawala kasi, hindi ko namalayan."

"Then what am I supposed to do?" he rudely asked me. "My daughter's rabbit is now has a missing head."

I know!

I Like PotatoesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant