Chapter 12: I Like Breaking

1.1K 89 29
                                    

I Like Breaking

"I'm going to fucking kill him," dinig kong bulong ni Soren habang nilalagyan niya ng cream ang mga pasà ko. "I swear, I'm going to kill him, Saki." Nag-angat siya ng tingin sa akin at malungkot na ngumiti. "I'm sorry he did this to you. I'm so sorry—"

"Hindi naman ikaw ang nanakit sa akin, ano ba," putol ko sa sasabihin niya. "Huwag kang mag-sorry, Soren."

Mas lalong nalungkot ang mukha niya. Nakagat niya ang ibaba niyang labi at hindi na siya tumingin pa sa akin. "Hindi namin alam na gagawin niya 'to, sorry."

Pinagkatitigan ko ang magaganda niyang daliri na lumalapat sa balat ko. "So, alam niyo na hindi totoo ang lahat?" tanong ko.

Tumango siya. "Si kuya Caleb ang pinakatutol dito saka ako. Pero anong magagawa namin?"

Napabuga siya ng hangin. "Kuya namin siya. Ayaw naming mapatapon sa Payatas. He can do that, ipapatapon niya talaga kami. Close kaya sila ni papa, sesh."

Nginitian niya muli ako. "Ayan, tapos na. Ihahatid na kita sa inyo, tapos magpahinga ka para bukas na bukas, ilalakad na 'tin ang kaso."

Naiiyak akong napatango. Muli kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko.

Hindi lang buong katawan ko ang masakit, pati na rin ang puso ko. Nasasaktan ako. Sobra.

"Sinisisi tuloy ni kuya Caleb ang sarili niya dahil sa ginawa ni kuya Grie," ani Soren saka tumayo at pumwesto sa likuran ko. Naramdaman ko nalang na inaayos niya ang buhok kong magulo.

"Lagi nalang problemado ang lalaking 'yun sa pinaggagawa namin. Akala niya kasi, walang gagawing hindi maganda si kuya Grie... Putangina, eh, meron pala."

Hindi na ako sumagot. Nanatili lang akong nakatingin sa sahig habang si Soren naman ay itinatali ang buhok ko.

"He told me that he's still inlove with me," bulong ko maya maya. "Sa pagkakatanda ko, hindi niya naman ako minahal. At kung mahal niya ako, bakit niya ginawa iyon sa akin?"

Saktong natapos si Soren sa likuran ko. Umupo siya sa tabi ko. Nandito kasi ako sa silid niya rito sa mansion. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa ibaba.

"Alam mo bang ganiyan din ang nangyari sa akin?" tanong niya saka mapaklang natawa. "Pero hindi ako ginahasa—well, sa pagkakatanda ko... May mga bagay talaga na mag-uudyok sa atin na gumawa ng hindi maganda." Napabuga muli siya ng hangin. "Lalo na kapag desperado ka na."

"Pero totoo ang sinabi mo... hindi iyon tama," aniya. "Kahit na mahal na mahal ka pa rin niya. Hindi iyon tama."

Tumango lamang ako habang tahimik na lumuluha.

Hindi nagtagal ay iginaya niya na ako palabas ng silid niya. Nanatili akong nakayuko nang bumaba kami, at dire-diretsong lumabas kami ng mansion nang hindi tinitingnan ang mga taong dinig ko ang pag-aaway.

Gabi na rin at malamig ang simoy ng hangin.

Nang sumakay ako sa sasakyan ni Soren ay agad din siyang sumunod. Kapansin-pansin ang mabangong amoy ng sasakyan niya. Presko, alagang-alaga kahit hindi ito tulad ng sasakyan ng mga kapatid niya.

She's too simple kahit hindi halata kasi sobrang ganda niya.

Siya ang nagkabit ng seatbelt sa akin. "Haaaay, letche talaga ang mga lalaki," sambit niya saka humiwalay sa akin.

Binuksan niya ang makina ng sasakyan niya, bago niya binuhay ang music.

Napangiti ako ng maliit nang umalingawngaw sa buong paligid ang 'Break My Broken Heart ni Winona Oak.' Bukod sa maganda si Soren, maganda rin ang music taste niya.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now