Chapter 27: Birthday

325 42 6
                                    

SAKI

"It's my birthday!" masayang sambit niya saka yumakap sa bewang ni Soren. Nasa backseat silang dalawa at abala sa paghaharutan.

"Yeah, it's your birthday-- you're now 6. At gurang ka na." Then Soren laughed.

"No, I'm not gurang!" ani Maximus, dahilan para mapangiti ako. "I'm a binata na," aniya. "And I'm gonna find a girlfriend."

Muling natawa si Soren. "Heeey, nagmana ka sa 'kin. So, tell me, Maximus. What kind of girl do you like?"

Natawa ako habang nagmamaneho. "Stop it, Soren. He's a kid."

"Nah, it's fine. I'm tutoring him."

"I like a strong girl," ani Maximus. "Like mom!"

"Uh-huh? What else?"

"That's it," sagot ng bata.

"Man, that's boring," ani Soren. "Don't you want a girl with huge Bazookas?"

"Hey!" sita ko, dahilan para humalakhak ng malakas si Soren. And I think, hindi naman na-gets ni Maximus ang sinabi ni Soren dahil bigla siyang sumilip sa bintana at pinanood ang mga sasakyan sa labas na nakakasalubong namin.

Napailing ako, pero kalaunan ay natawa.

I'm thankful that Soren is here though.

Siya lang ang kilala kong kayang gawing joke ang mga seryosong sitwasyon; but it doesn't mean that she doesn't pay attention to anything-- Soren is a good problem solver, actually.

And yes... I texted Grie. Na kami ang pupunta sa kaniya kaya nagbago ang plano namin ngayon. Sa bahay na tinutuluyan niya kami pupunta ngayon, and that's why I'm bringing Soren with me.

"It's okay, Saki. I'm telling you, he's mentally stable now. Mas mabait na siya sa 'kin ngayon-- it's surprising, you know."

Really...

"What if... hindi ko pala siya kayang makita?" tanong ko. Napabuga ako ng hangin as I tighten my grip. "Anong gagawin ko?"

"Exit with your son. Maiintindihan ni Kuya iyon," ani Soren sa likuran ko. "It's all fine kung hindi mo pa kaya. Understandable, too, if you're going to stab him to death."

Nah, that's too much-- but... yeah.

Sinulyapan ko ang anak ko sa rear mirror. Mukhang hindi siya nakikinig sa usapan namin ni Soren. Abala siya sa panonood ng mga sasakyan sa labas while he's singing Taylor Swift's The Last Great American Dynasty. The lyrics aren't accurate-- pero malamang ay naririnig niya ang kantang iyan tuwing naglilinis ako sa bahay. I always play Taylor's songs everytime I clean my house, you know...

Tahimik na nagmaneho lamang ako, hanggang sa pumasok kami sa loob ng isang subdivision. At nang sabihin ni Soren na nasa tapat na kami ng bahay-- or should I say, mansion ni Grie, doon na ako tumigil at napalunok. Si Soren ang lumabas ng sasakyan at pinindot ang doorbell sa labas--

And...

There he... is.

Lumabas siya at binuksan ang gate. He's talking to Soren while smiling.

I can see it now.

He's different.

No... it's... in a good way.

Nilingon ko si Maximus sa likod. Tahimik na siya ngayon at nakadungaw sa labas-- he's watching Grie.

Kaya naman napangiti ako.

This is for my son. Hindi ito... para sa akin o para kay Grie.

Natigilan ako nang kumatok si Soren sa bintana na katabi ko. "Hey, doon mo iparada sa loob 'yung sasakyan mo."

Tumango ako at nagmaneho papasok. Nang makahanap ako ng spot-- sa tabi ng magarang sasakyan ni Grie-- ay agad na pumarada ako at pinatay ang engine ng sasakyan.

"Maximus," tawag ko sa bata at muling nilingon siya. "Are you ready?"

He glanced at me. "Yes. But why is he ugly though..."

Mahina akong natawa. "Malabo ang salamin ng bintana na sinisilipan mo. He's not ugly."

Nagkibit-balikat siya, still not believing me that his father isn't ugly at all.

Nauna akong lumabas ng sasakyan at pinagbuksan ko ng pinto si Maximus na mabilis na bumaba at kumapit sa kamay ko.

And Grie is in front of us. Tiningala ko siya at... I smiled at him a little. He is indeed... different. I don't know how to point it out, but-- he's... he's better. I think he's doing good.

Bumaba ang paningin niya kay Maximus na nasa tabi ko. Lumitaw ang ngiti sa mga labi niya saka siya bahagyang yumuko. "I got turon."

"Really?" tanong ni Maximus. "How many?"

"Isang bilao."

Tiningala ako ni Maximus. Nanlalaki ang mga mata niya at mukhang humihingi siya ng permission sa akin...

"Go ahead," bulong ko.

Bumitiw siya sa kamay ko at lumapit kay Grie. "How'd you know that I like turon?"

Saglit na sumulyap sa akin si Grie, bago ibinalik ang atensiyon niya sa bata. "I'm a wizard."

Sumimangot si Maximus. "That's bullsh--"

"Hey, hey!" biglang sita ni Soren. "Bad word 'yan!"

Tinitigan ko si Soren at tinaasan ng kilay. Ngumiti siya ng pa-ngiwi, and I think I already know what it is.

Soren is teaching my child bad words... isn't she?

"Let's go inside," aya ni Grie. Tumayo siya at si Maximus naman ay agad na kumapit sa belt ng... well, that's his papa.

Pumasok kami sa loob. Si Grie at Maximus ay abala sa pag-uusap, and I think he knows it, too. Na wala akong dahilan para kausapin siya at ganoon din siya sa akin. Ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin-- which is great, by the way. I'm just watching them, habang naka-upo ako sa sofa katabi si Soren.

"Damn, magkamukhang-magkamukha 'yung dalawa," dinig kong sambit ni Soren. "Kahit ngiti ni kuya nakuha ni Maximus."

"Yeah," sang-ayon ko. "Mukha silang pina-photocopy."

Nasa hapag-kainan silang dalawa habang si Maximus ay nilalantakan 'yung turon na nandoon. Si Grie naman ay umiinom ng kape, hindi na yata nawawala ang ngiti niya.

This is his first time meeting his son, anyway.

"So, tell me, what's your favorite occasion?" dinig kong tanong ni Grie. "Mine's New Year."

"Christmas!" mabilis na sagot ni Maximus. "I have lots of gifs and money," He giggled, making me smile, too.

"That's great," ani Grie. "I can give you lots of money, too." Saglit siyang uminom ng kape. "What do you want to do next? Gusto mo bang mamasyal?"

Umiling si Maximus. "I wanna play."

"X-box?"

Tumango si Maximus at excited na pinanood si Grie na nagtungo sa tapat ng malaking flatscreen.

Inilibot ko ang paningin ko sa paligid.

Maliwanag at maaliwalas ang paligid.

This is... not like him. But it's a good thing. Organized ang mga gamit niya, minimal ang kulay ng pader-- white and gray-- simple lang, pero elegante. Malawak din ang labas at maraming halaman. I'm sure, siya ang nagtatanim ng mga halaman doon.

Ibinalik ko ang paningin ko sa mag-ama. Abala sila sa paglalaro at naka-upo sila sa carpet, sa harapan naman nila ang bilao ng turon.

Maximus is happy, I can see that.

"I actually can't believe that you're doing this," ani Soren habang abala sa pagce-cellphone. "I mean... after what happened?" Sinulyapan niya ako. "Saki, I'm not trying to be an asshole-- pero sigurado ka ba sa ginagawa mo ngayon? Just asking."

Maliit ko siyang nginitian. "Look at Maximus... and you'll know the answer."

Soren smiled back without saying anything.

Lumipas ang ilang minuto-- or maybe an hour. Nagpa-deliver ng pagkain para sa 'min si Grie at hinayaan niya kami ng kapatid niyang enjoy-in ang mga orders niya. And... yeah, he still knows what I like... manok. Iba't-ibang luto ng manok-- hindi ko nga alam kung ano ang tawag sa rito-- may mga sea foods din at isang malaking Pizza.

At magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nag-enjoy. I enjoyed eating, you know.

And Soren, too.

At nang sumapit na ang ala-sinco ng hapon, muling nag-order si Grie. Pero ngayon, isang malaking birthday cake na ito. We celebrated, and seeing my son happy makes me happy, too. So, I sang with them. And when the night ended, nakatulog na si Maximus sa sofa-- si Soren ang katabi niya; parehas silang nakatulog.

Kinumutan ni Grie ang dalawa-- and now... silence.

He glanced at me, pero agad niya ring ibinalik ang paningin niya kay Maximus.

"He's a good kid," aniya bigla. "You raised him well."

Maliit akong napangiti. "Yeah... he's loved by everyone."

Ibinalin ko ang paningin ko sa labas ng glass door. Kita ko ang mga puno-- marami ring mga butuin sa langit ngayon at kitang-kita rin ang bilog na buwan.

It's a beautiful night.

"Thank you." dinig kong sambit niya. "And I'm sorry."

"I know," bulong ko. "But hey..." Nilinga ko ang pwesto niya. Naka-upo siya sa carpet, sa tabi ng sofa kung saan nakahiga sila Soren. "Bakit ka pumupunta sa clinic?"

He chuckled. "I just don't know how to talk to you."

"I figured."

Tahimik siyang humiga sa carpet. "Sa Master's bedroom; you can sleep there. Kung gusto mong umuwi kayo ni Maximus, I can take you home-- if it's alright."

"I'm sleeping here," sagot ko at tahimik na humiga sa sofa na katapat ng glass door. Kita ko mula rito sa pwesto ko ang paligid. Hanggang sa pinatay ni Grie ang ilaw-- madilim na ang paligid at ramdam ko na ang pagod.

Tahimik na pinanood ko ang mga puno, at ang mabagal na pag-galaw ng mga ulap sa langit.

Hanggang sa napapikit ako dahil hindi ko na napigilan ang antok. And when I woke up, umaga na. Nakatakip ng kumot ang katawan ko at naaamoy ko rin ang mabangong aroma ng... Fried rice.

Bumangon ako at hinanap ng paningin ko sila Maximus. Si Soren at Grie ay abala sa pagluluto. They're talking about something-- hanggang sa sabay silang tumawa. Si Maximus naman ay may hawak na mixing bowl; he's grinning from ear to ear.

And when Maximus glanced in my direction, he gently smiles at me.

And I can't help but smile back.

****

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now