Chapter 15: I Like Jumping

810 94 23
                                    

I Like Jumping

Kamuntik na akong masuka sa sahig pero agad akong nanakbo sa lababo saka doon pinakawalan ang gustong kumawala sa tiyan ko. At nang matapos ako ay asar na napahawi ako sa buhok kong tumatabing sa 'king mukha.

"Tangina naman!" malakas na mura ko saka malakas na binuksan ang gripo. Mula sa sahig ay hirap na yumuko ako para kunin ang bote ng beer.

Nang malinis ko na ang lababo at medyo nahihilo na bumalik ako sa puwesto ko sa sofa. Pabagsak akong humiga roon habang ang boteng may kaunting laman ay nasa kamay ko pa rin.

Hindi ko alam kung ilang araw o linggo na ang nakalipas mula nang babuyin ako ni Grie at nakipaghiwalay ako kay Ginger. Mga tangina nila. Ni hindi ko lubos-maisip kung bakit nila nagagawa sa akin ang mga bagay na makakasakit sa akin? Ano bang nagawa ko? Ano bang naging kasalanan ko para gawin nila sa akin ito? Bakit... Bakit nila...

Tangina sila. Mga hayop sila...

Bahagya akong bumangon at tinungga ang beer na hawak-hawak ko. Napapangiwi ako sa mapait na lasa nito, ramdam ko ang pag-agos ng beer sa lalamunan ko. Hindi ako umiinom, pero hindi ko lang talaga kaya na magmukmok nang walang ginagawa manlang.

Gusto kong makalimot. Kahit saglit lang ay gusto kong makalimot.

Si Soren... Ah, ilang beses na nga ba niya akong binalikan dito? Hindi ko na mabilang. Hindi umuusad ang kaso kung hindi naman nakikisama ang biktima. Ayaw kong sumama, ayokong magpakita sa kahit kanino. Nahihirapan na ako, pero ayaw makisama ng utak at katawan ko. Sarado na ang isipan ko. Basta ang gusto ko lang ay ang tuluyan nang makalimot.

Ewan ko. Nasisiraan na yata ako. Ang huling labas ko na yata, ay iyong pinuntahan ko si ate sa kulungan niya. At mas lalo lang nadagdagan ang sakit ng nararamdaman ko. Mas lalo lang akong nanlulumo, at pakiramdam ko, kahit anong oras ay tatalon na ako mula sa itaas ng building mga Amberson... o ng mga McGregor.

The irony, huh. Ako itong naturingang doktor, pero hindi ko manlang kayang ayusin ang sarili ko. Punong-puno ng mga negatibong bagay ang isipan ko.

"Saki?"

Napapikit ako nang madinig ko ang magandang tinig ni  Soren mula sa pinto. Nakita ko pa ang bahagyang pagpasok ng liwanag mula sa labas ng pinto, ngunit hindi nagtagal ay nawala ito, palatandaang isinara ni Soren ang pinto.

"Umiinom ka na naman." It wasn't a question at all, halatado naman dahil nagkalat ang mga bote sa sahig.

Mula sa mga paa ko ay doon naman pumwesto ng upo si Soren. May inilapag siyang mga supot sa ibabaw ng lamesa.

"Ang bango mo naman..." puna ko sa kaniya. Dahil totoo naman, talagang naiiwan sa hangin ang mabango niyang amoy. Pero hindi iyon nakakasulasok, ang sarap nga sa ilong.

Humarap siya sa akin at ngumisi ng nakakaloko. "Crush mo na ba ako niyan?"

Bahagya akong natawa. "Straight ako, ano ba..."

Napasuntok siya sa hangin. "Shit, sayang." Ngunit kalaunan ay nginitian niya naman ako. Mula sa dala-dala niyang backpack ay may inilabas siyang...

Napabangon ako at kunot-noong tinitigan iyon. "What's with the speaker?"

Imbis na sumagot siya ay binuksan niya lang iyon. "This is my flashdrive, nandito lahat ng playlist ko," aniya saka pakita sa akin ng maliit na flashdrive. "Mahilig ako sa music. I play instruments and... Yeah, kumakanta ako bilang sideline. I know you'll love my playlists."

I Like PotatoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon