Chapter 14: I Hate Animals

631 66 13
                                    

I Hate Animals

"Wala akong tiwala sa mga ganiyang lalaki," sambit ni ate Saica, habang ang mga mata niya ay nakapirmi sa labas ng bintana. Doon niya pinapalabas ang usok ng sigarilyong hinihithit niya. "Saka totoo naman din, hindi pa siya matanda para sa edad mo."

Hinarap niya ako at tinitigan ng seryoso. "Pero hindi pupuwedeng maging kayo."

Ngiwi akong napakamot sa batok ko. "Ano ba, ate, hindi ko naman ibo-boypren iyon. Nagkataon lang na nagkikita kami."

Napairap siya sa kawalan. "Ang ganda mo kasi. Sana kasi hindi mo nalang namana ang alindog ko," aniya. "Hindi kita katulad, masasaktan at masasaktan ka pagdating panahon."

Hindi ko siya katulad? Huh? Anong ibig sabihin niya ro'n?

Initsa ni ate Saica ang sigarilyo niya sa labas ng bintana. Dumiretso siya saglit sa silid niya, at nang lumabas siya ay may bitbit na siyang kung ano.

"Hindi naman chinicheck ang mga gamit niyo kapag papasok sa gate, hindi ba?"

Tumango ako.

Napanguso ako nang makita ko bigla ang mapuputi at makikinis na legs ni ate Saica. Pagkaupo niya sa tabi ko ay umangat ang sandong suot niya at wala manlang akong nakitang bilbil.

Sila talaga ang bagay no'ng Grie na iyon, eh. Kapag niloko niya ang ate ko, pihadong hindi na siya sisikatan ng araw.

"Ito, oh. Dal'hin mo."

May ipinatong sa hita ko si ate. Nang kunin ko iyon ay napatanga ako bigla. "Hala, eh, folding knife ito, ah?!" gulat na naisambit ko.

Maliit siyang ngumiti. "Gamitin mo kapag kailangan. Lalo na't umuuwi ka ng mag-isa."

Binuklat ko ang patalim. At wow, mukhang matalas at mukhang bagong-bago. "Pwede ko ba itong gamitin kay kuya Grie kapag hinila niya na naman ako?"

Biro ko lang iyon, pero mukhang nagustuhan ni ate ang ideyang sinabi ko dahil napangisi siya at napailing.

Hmm, maybe pwede ko nga itong magamit. Panakot lang ba. Hehe.
_____________________

KASALUKUYAN

"Maraming salamat, Soren." Ngumiti ako sa kaniya kahit napipilitan lang. "Umuwi ka na para makapag-pahinga ka na."

Napabuntong-hininga siya at suwabeng napasuklay sa buhok niyang maikli. "I'll stay if you want to. Hindi ka pa okay."

Napayuko ako.

Hindi ako okay. At hindi ko alam kung kailan ako magiging maayos. Pero kaya ko naman. Kaya kong magpatuloy.

Umiling ako. "Ayos lang ako. Bukas nalang ulit."

Matagal na napirmi ang asul niyang mga mata sa akin. Ngunit hindi kalaunan ay tumango siya at ngumiti ng tipid. "Tomorrow then," aniya saka lumakad na patungo sa sasakyan niyang nakaparada sa tapat ng apartment na tinutuluyan ko.

Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako humarap sa nakasaradong pinto.

Inilabas ko ang susi ko, saka ko iyon isiniksik sa doorknob bago ko ito pinihit pabukas.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now