Chapter 11: I Like Feelings

1.1K 105 18
                                    

I Like Feelings

Nanatili akong hindi nagsasalita. Nakahiga ako sa kama at pasikreto kong iniinda ang sakit ng pagkababae ko. Nahihirapan akong gumalaw.

Ramdam ko ang braso ni Grie sa hubad kong katawan. Alam kong kanina pa siya gising at mas pinipili niya lang ding manahimik.

"Bakit?" namamaos na tanong ko habang nakapirmi ang mga mata ko sa kawalan, "Bakit mo ginawa 'to, Grie? Anong naging kasalanan ko sa 'yo?"

Pakiramdam ko ay maiiyak na naman ako—pero pinigilan ko ang sarili ko. Namamaos na ako dahil sa kakaiyak at kakasigaw kagabi, ano pa ba ang magagawa ko? Iyon lang ang kaya kong gawin. Masyado siyang malakas, at hinding-hindi ako makakatakas sa kaniya.

Marahan siyang gumalaw. Humigpit ang pagkakayapos niya sa akin, ramdam ko ang pagdampi ng labi niya sa likuran ng tainga ko.

Ano pa bang aasahan ko? Alam kong hindi siya sasagot.

Muli akong tumahimik. Hindi nagtagal ay bigla siyang humiwalay sa akin. Ramdam ko ang paglubog ng kama dahil sa pag-upo niya.

"Fix yourself," malamig na sambit niya. Pagkatapos ay bigla ko nalang nadinig ang pagbukas at pagsara ng pinto.

Nang lingunin ko ang puwesto niya ay wala na siya.

Dahan-dahan akong umupo sa kama at hinayaan kong maalis sa katawan ko ang kumot na nakabalot sa akin. Tumayo ako, kamuntik na akong bumagsak pero nakahawak kaagad ako sa gilid ng kama. Nahagip pa ng paningin ko ang dugo sa kama.

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin nang makapasok ako sa banyo. Namumula ang leeg ko pababa sa dibdib ko, punong-puno ng kiss marks. Napakahapdi ng pagkababae ko. Masakit din ang ilang parte ng katawan ko, may mga natamo din akong mga pasà. Nanlaban kasi ako kahit hindi ko naman kaya.

Napayuko na lamang ako at napatitig sa mga paa ko.

Binuksan ko ang shower at agad na binasa ako ng malamig na tubig.

Tulad ng pakiramdam ko ngayon, nanlalamig ako. Hindi ko alam pero wala akong maramdamang kahit ano. Pakiramdam ko ay hangin lang din ang laman ng utak ko ngayon dahil wala akong matinong maisip.

Nang matapos ako ay agad din akong nagbihis. Para akong robot na sinusunod kung ano lang ang dapat na sundin at gawin.

Nang matapos ako ay agad din akong lumabas ng kuwarto ni Grie. Masakit man ang katawan ko ay pinilit ko pa ring lumakad at umakto ng normal. Pinili ko rin ang damit na tagong-tago ang balat ko.

Nang makababa ako, agad na sumalubong sa akin ang ingay—boses nina Augustus.

"Alam kong ikaw ang pinakasira ang tuktok sa 'ting magkakapatid, pero hindi ko akalaing talagang sira nga talaga ang tuktok mo," dinig ko ang boses ni Caleb.

Bahagya ko silang sinilip. Nakapaikot silang magkakapatid sa sofa na ang hugis ay bilog, mukhang pinasadya pa nila ang sofa na 'yun para lang sa kanilang magkakapatid.

"Manahimik ka bago pa kita masaksak," iritableng sambit ni Augustus.

"Dude, too much violence. Kalalabas mo lang ng kulungan," ani Fox.

Napabuntong hininga ako. Akmang lalagpasan ko na sana sila para hindi nila ako makita ngunit agad din akong tinawag ni kuya Caleb.

Napamura ako ng mahina. "Shit."

"Woy, saan ang punta mo?" tanong ni Fox.

Nilingon ko sila at binigyan ng maliit na ngiti. Nandito pala silang lahat, pati na rin si Grie na nakatitig sa akin.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now