Chapter 03: I Like Chickens

1.7K 174 31
                                    

I Like Chickens

"Kapatid mo pala iyon?! Diyos ko! Paniguradong malaki ang galit mo sa ate mo, ano?!" Gulat ang nakapaskil sa mukha ng matandang babaeng kausap ko. Janitress siya rito sa hospital kung saan ako nagtatrabaho.

Maliit na ngiti lang ang naisagot ko sa kaniya kahit na medyo nainis ako sa sinabi niya.

Mahal ako ng ate Saica ko. Bakit ako magagalit sa kaniya? Wala akong pakialam kahit na patayin niya pa ang mga tao sa buong mundo--basta siya pa rin ang ate ko. Ang ate kong hindi ako pinabayaan. Inalagaan niya ako. Kahit wala kaming magulang ay wala akong naramdaman na kulang.

Lahat ng pangangailangan ko ay napunan niya. Lahat. Hindi ako nakaranas ng kagipitan dahil ginagawa niya ang lahat para kumita ng pera.

Pero anong ginawa ko?

Nakipagtanan ako kay Grie. At sa huli, tinanggap niya pa rin ako nang palayasin ako ng lalaking iyon. Hindi niya manlang ako kinagalitan.

"Sige po, manang. Uuwi na ho ako." Tipid akong ngumiti.

Saktong paglabas ko sa gusali ay madilim na ang langit. Walang ka-bituin-bituin manlang. Nakakalungkot. Iyon pa naman ang tinitingnan ko kapag nami-miss ko si ate. Nakakamiss naman kasi ang babaeng iyon... kahit na nakakatakot siya minsan.

Lalo na ngayon.

Agad akong nagtawag ng Taxi. Nang makasakay ako ay agad akong pumikit at sumandal sa bintana. Nakakapagod ang araw na 'to. Ang dami kong ginawa. Sunod-sunod din ang mga appointment ko.

Saktong-sakto rin ang malakas na pagbuhos ng ulan mula sa labas. Kasabay din no'n ang malakas na pagkulog at pagkidlat.

Jeez. Ang bilis magbago ng panahon. Parang iyong mga ex niyo lang. Huehue.

Speaking of ex, iyong si Grie nga pala ay tinakasan ko lang kahapon matapos niyang makatulog. Pagkatapos niya kasing maligo ay agad na dumiretso siya sa kama para matulog, at hayun nga, nakatakas ako.

Biglang nag-usok ang ilong ko nang maalala ko kung paano naghubad sa harapan ko si Grie.

Pesteng mga Amberson! Bakit ba kasi ako nagkaroon ng koneksyon sa mga baliw na iyon?!

Ah... natatandaan ko na. Bukod kasi sa may utang na loob ako kay Grie, naging pasyente ko na rin dati si Augustus Amberson. Iyong kapatid nilang nakulong. Putsa, nakakatakot ang lalaking iyon pero pinilit kong umaktong normal para lang makatulong ako sa kaso. Basta ay nakakatakot siya. At ang malala pa, wala siyang kahit anong sakit sa pag-iisip. Trip niya lang gawin iyong mga krimen niya kasi bored daw siya.

Maaamo ang mga mukha ng mga Amberson. Mga hindi makabasag pinggan sa sobrang kaamuhan ng mga pagmumukha—na totoo rin naman. Mababait naman sila. Kaso katulad ng mga ibang lalaki ay halos lahat silang magkakapatid ay mga babaero.

Puwera lang do'n kay Lake, River at Augustus. Wala pa akong nababalitaang may mga nai-date ang mga iyon.

Si River at Lake? Ewan ko. Pa-mysterious ang dalawang iyon.

Si Augustus... ha... nag-iisang kriminal sa pamilya nila. Ito ang nagbigay ng dungis sa pangalan ng kanilang pamilya na naging dahilan ng muntikan na nilang pagbagsak noon. Augustus is a very polite and generous man. Well, not until he killed countless of women. Trip niya lang kuno nang tanungin ko siya ukol dito.

Pero wala, eh. Nasanay na yata talaga ako simula nang malaman ko ang tungkol kay ate Saica. Sabi rin ni ate Saica noon, trip niya lang daw.

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang mag-ring ang cellphone ko sa 'king bulsa. Naiinis man ako, pero pinili ko pa ring kunin ito para sagutin.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now