Chapter 07: I Like Horror

1.5K 110 35
                                    

I Like Horror

"Grie, ano 'to?"

Itinapat ko sa kaniyang mukha ang isang nilagang itlog. Tinitigan niya iyon ng matagal hanggang sa maduling na siya.

"Grie, teka." Marahang tinapik ko ang kaniyang pisngi, dahilan para magawi sa akin ang kaniyang atensiyon.

"'Di ba tinuruan na kita?"

Hindi siya kumibo.

Napabuga ako ng hangin at itinapat na lang muli sa mukha niya ang itlog.

"Ano 'to, Grie?"

Natigil ako sa paghinga nang makita kong bahagyang bumuka ang mga labi niya.

Hayan na... magsasalita na siya—

"Ano 'to, Grie?" panggagaya niya sa sinabi ko. Napasapo ako sa noo ko dahil sa pangungunsumi.

"'Wag mo akong gagayahin!" sita ko sa kaniya.

"'Wag mo akong gagayahin," aniya saka ngumiti.

Argh!

Kakamot-kamot na tinitigan ko siya. Blangko lamang ang mukha niya. Nakapirmi ang asul niyang mga mata sa akin, tinititigan ako ng mariin. Kada galaw ko ay binabantayan niya.

Lahat na yata ng alam ko ay nagamit ko sa kaniya... pero...

Wala akong napala. Walang umuubra sa kaniya. Kinikuwestiyon ko na tuloy ang kakayahan ko dahil sa kaniya. Pakiramdam ko ay may kulang. Parang may nakakaligtaan ako.

Ngunit medyo may progress na dahil kaya niya nang magsalita ng dire-diretso—basta lahat ng nadidinig niya ay gagayahin niya. Hindi niya kayang magsalita nang siya lang. Para siyang robot na ewan.

"Okay." Tumikhim ako. Bumuga ako ng hangin at sinalubong ang malalim niyang pagtitig sa akin. Medyo may kalayuan ang puwesto ng inuupuan niya sa akin pero naiilang talaga ako sa titig niya.

"Anong gusto mong gawin ko para makinig ka sa akin ng maayos? May gusto ka ba? Gusto mong... iregalo ko sa 'yo or something?"

Okay. This is too much. Sobrang desperada ko na. Baka hingin niya sa akin ang malaking manok sa Puregold. 'Wag na, uy.

"I mean, joke lang pala—"

"Mak..." Natigil ako nang muli siyang nagsalita. Nauutal pa siya dahil hindi naman siya marunong magsalita ng maayos. Isa-isang words lang ang kaya niyang sabihin, unless na lang kung gagayahin niya ulit ako.

"A-Anong Mak?"

"Mak... Mak..." Nakita ko ang paglunok niya. Tumaas-baba ang sexy niyang Adam's apple.

Teka. May sinabi ba akong sexy? Wala, ah.

"Mak... Mak..."

"Anong Mak? Makati likod mo?"

Umiling siya ng ilang beses. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo sa couch na katapat ko. Lumakad siya palapit sa akin at biglang lumuhod siya sa harapan ko!

What the—

Akmang tatayo na sana ako sa inuupan ko nang mahigpit niya akong hawakan sa magkabila kong braso, "Mak... Mak..."

Ano bang sinasabi niya?

"Mak... Mak?" patanong na sambit ko, "Ah!" Naibulalas ko nang may maalala ako.

"Mak-Mak! Gusto mong... tawagin kitang Mak-Mak?"

Tumango siya ng ilang beses na siyang ikinagulat ko. Bakit ko naman siyang tatawaging Mak-Mak? Akala ko ba... akala ko ba ayaw niya ng gano'n?

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now