Chapter 20: Out and free

427 61 12
                                    

SAKI

"Babayaran ko naman pagbalik na 'tin, eh."

"Siguraduhin mo lang, dalawang libo rin 'yun!" ani Soren sabay batok sa akin. Agad siyang dumiretso sa sasakyan niya at kumaway muna sa akin bago pumasok doon at nagmaneho palayo.

Bitbit ko ang anak ko. Nasa loob na rin ang nurse ko at inaasikaso ang mga gamit. And as I heard his voice behind me, agad na rin akong pumasok sa loob ng bahay.

This is such a nice house. The Ambersons gave it to me.

Umupo ako sa sofa at tahimik na pinagmasdan ang natutulog na sanggol sa bisig ko.

He's beautiful. Just like his father... Just like Grie.

Maliit akong napangiti. Humalik ako sa noo niya at mahinang bumulong. "You're my life now."

I have nothing to lose. Anak ko nalang ang meron ako. At nagsisisi ako sa mga sinabi ko-- sa lahat ng lumabas sa bibig ko-- I wasn't thinking right. I am so depressed and I hated the fact that I was raped. Pakiramdam ko ang dumi-dumi ko-- na... na nadungisan na ako. I can remember the way he used me, and it's making me lose my mind everytime.

At kailangan kong ayusin ang sarili ko. Para sa akin at sa batang nasa bisig ko. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam na maging ina. Naramdaman din ba ni ate ito? I bet hindi. She's fucked in the head. I know she's raising her kids before she still have an agenda. While me... Maximus is all I have now.

At wala na rin si Grie. Nasa kulungan na siya. Matatahimik na ako.

MABILIS na lumipas ang mga araw. I'm doing... okay. Kind-of. Palagi akong puyat dahil iyakin si Maximus. I'm breastfeeding my son, at may halo ring powdered tuwing sumasakit na ang nipples ko. Dumudugo na nga iminsan dahil sa kakasipsip niya sa gatas ko, hindi ko alam kung gutom lang ba siya o may lahi nang aswang, eh. Hindi ko alam na ganito pala mag-breastfeed-- it's beautiful... you know, the feeling of being a mom-- but it is also painful at the same time. Kapag puno na ako ng gatas ay... masakit. I can't explain it but it's painful.

"Ayos ka lang? Pwede ka namang matulog nalang muna." Soren glanced at me. Tinapik niya ako sa braso at napakamot nalang ako sa batok ko. Nahihilo na rin ako dahil wala pa akong tulog. Iyak kasi nang iyak kagabi si Maximus at tatlo na kaming umaalo pero wala namang nangyari. Dinala rin namin sa doktor pero wala naman daw problema. Normal lang daw na may topak ang mga sanggol.

Nahihiya man ako ay napilitan akong tumango. Dumiretso ako sa kuwarto ko at agad na humiga. Saktong pagbagsak ng ulo ko sa unan ay agad na-- no, hindi ako nakatulog kaagad. Nakatitig ako sa kisame habang pinapakinggan ang mahinang ugong ng aircon.

Kusa ring tumulo ang mga luha ko. I feel overwhelmed. I'm feeling drained and hopeless. Pero hindi ako pwedeng bumagsak ngayon dahil may anak na akong inaalagaan. Saka isa pa... Soren's helping me. I can't let that brat down. Bubungangaan niya ako ng sobra kapag pumalya na naman ako. It's funny, you know. Mas magaling pa ang lesbian na maging ina kesa sa 'kin. Hindi ko alam kung paano, pero mas kalmado pa siya sa akin at mas alam niya agad ang gagawin.

She'd be a good mother.

Tinakpan ko ang mukha ko ng unan. I cried silently. Ganito ako tuwing gabi dahil hindi ko makalimutan ang mga bagay na gusto kong kalimutan. I just can't. It keeps replaying in mind. At I want to blame Grie for that. Yes. This is his fault. This is all his fault.

Hindi ako nagsisisi na may anak ako. But... the trauma Grie caused me is... unbearable. Thinking about him destroys me everytime. Kahit na pangalan niya lang ang maalala ko... I can't help but to feel... worse.

Kaya rin wala akong tulog.. this is what I do. I cry every night. I stay awake until 3:00, at makakatulog lang ako dahil sa pagod.

I closed my eyes. Forcing myself to sleep.

I Like Potatoesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن