Chapter 13: I Like Past

667 71 0
                                    

I Like Past

"I was like... Oh! Why did you do that?!" kwento sa akin ni Jen with actions pa. Naging friend ko siya rito pagkapasok napagkapasok ko palang.

"But yeah, in the end, I finally realized something..." Napabuga siya ng malalim na hininga. "Men are cheaters. Yeah, some of them are not, but you just can't help it. The experience was traumatizing."

Napangiti nalang ako at natatawang sumabay sa paglalakad niya. Uwian na rin kasi, at half day kami. "I know. Kaya nga nakakatakot magmahal, 'di ba?" sambit ko.

Naalala ko si ate. Ilang boyfriends na ba ang nagkaro'n siya? Ewan ko. Hindi ko na nga mabilang. Pero lahat, nagloko sa kaniya. At iyon ang bagay na hindi ko lubos-maisip.

Bakit siya niloloko? Nasa kaniya na ang lahat. Nakakatakot lang talaga siya kapag galit, pero nakakapagtakhang naghahanap ng ibang babae ang mga naging boyfriend ni ate noon. Hello? Ang ate ko ay literal na diyosa, natural beauty at kahit walang kolorete ay talagang mapapanganga ka sa ganda niya.

Kakaiba kasi ang ganda ni ate. Hindi common. Hindi nakakasawa ang mukha. Idagdag mo pa ang sexy niyang katawan.

"But you know what? You're really pretty," aniya saka sinilip ang mukha ko habang naglalakad kami. "Boys in our room keeps eyeing on you."

Napangiwi ako.

Pansin ko nga. Akala ko nga noon ay tinititigan nila ako kasi nga ako 'yung nakapasa sa exam tapos hindi pa ako mayaman. Iyon pala'y may hidden agenda ang mga lintek. Gusto pala akong i-girlfriend.

"Creepy nga, eh..." halos pabulong na sagot ko.

"No, it wasn't creepy at all. Ayaw mo ba nu'n?" ani Jen with her tabingi accent. Hindi talaga siya sanay mag-Tagalog. "I mean, pati crush ko type ka yata. Nakakainggit."

Ngumuso siya at saka mahigpit na yumakap sa braso ko.

Natawa nalang ako.

Hindi kaya nakakatuwa ang bagay na iyon. Ayoko ng atensiyon.

"Omg." Biglang bumulong si Jen nang lumiko kami patungo sa kabilang building—sa building ng mga College students. Trip lang namin maglibot ngayon kaya hindi pa kami bumababa para umalis.

"Do you know him?" Itinuro niya ang lalaking nakasandal sa railings at nakatingin sa ibaba.

Naninigarilyo siya.

'Di ba bawal iyan?

Awts, oo, kilala ko nga siya. Siya si kuya.

"He's Grie. Panganay yata siya ng mga Ambersons? He's so pogi, right?" kinikilig na kwento ni Jen. "I want to be one of his women. Kahit 7 days lang."

One of his ano kuno? Women? Aba't mahilig naman pala sa babae ang lalaking iyan?

Si ate, pwede pa. Mahilig sa guwapo iyon, eh. Ireto ko kaya. Hehe.

"Ano ka ba," natatawang sabi ko. "Bata ka pa. Tapos siya, 19 na. 15 ka palang, oh. Hindi ka pa nga woman."

Tiningala niya ako habang nakanguso pa rin siya sa akin. "Hmp. Edi ikaw na ang turning 17!"

Sus naman. Ang sarap kayang maging bata.

Inayos ko ang pagkakasukbit ng bag ko sa 'king likuran. Malapit na naming malagpasan ang pwesto ni kuya.

Nang muli kong tapunan ng tingin ang lalaki, ay talaga namang nahintakutan ako nang may lumapit na babae sa kaniya saka tila wala-wala lang na hinalikan siya ng babae sa labi. Agad siyang humawak sa bewang ng babae at itinagilid ang ulo niya ng kaunti.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now