Chapter 08: I Like Speaking

1.5K 124 20
                                    

I Like Speaking

Binayaran ko nalang ang kawawang babae.

Nag-withdraw ako ng pera para lang ibayad sa babaeng nagkaroon ng black-eye dahil sa sapak ng lintek na lalaking iyon.

At... ang halikang naganap sa amin sa horror house... Literal na horror ang naganap sa akin sa loob ng horror house na iyon.

Naihilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Kanina pa ako kinakausap ng matino ni ate Saica pero ako naman ang wala sa sarili ngayon. Tinawagan niya ako sa Messenger para makita ko siya.

I fucking admit it, nakakainggit dahil mas lalong gumanda si ate. As in, nagmukha siyang mas bata sa akin. Bumagay ang kulay brown na buhok sa kaniya at mas lalo siyang kuminis.

Hiyang siya sa Davao, huh?

"Saki!" Nagitla ako nang biglang sumigaw si ate sa speaker. Nabalik ako sa katinuan.

"O-Oh?" Napakurap ako nang makita kong may dalawang bata siyang katabi. Ang gu-guwapo!

"Ang sabi ko, mga anak ko kamo 'tong dalawa. Ano bang problema mo at wala ka sa sarili ngayon?" Bumusangot ang maganda niyang mukha.

Napakurap ako nang ngitian ako ng dalawang bata. Kumaway sa akin ang isa, ang isa naman ay kumindat, pang-chickboy style.

Teka... may kamukha ang dalawang ito, ah. 'Yong lalaking inaalagaan ni ate Saica sa mental na pinagta-trabahuan niya noon bago pa siya makulong.

Saka ano kamo?

Mga anak ni ate?!

"Niloloko ko ba ako?!" gulat na sigaw ko. Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko sa aking kama.

Tumawa siya ng bahagya. "Oo. May anak ako. Kambal ang dalawang 'yan." Ngumiti siya ng matamis, na siyang ikinagulat ko ng sobra.

Bibihira ko lang siya makitang ngumiti—iyong ngiting masaya talaga.

"Itong malandi na kumindat sa 'yo." Itinuro niya ang batang naka-under cut.

Kapansin-pansin ang malalim nitong dimple sa kaliwang pisngi. Hindi siya cute dahil... guwapo ang isang ito. Kapag nagbinata siya ay paniguradong mapaparami ang ma-anakan niya.

"Siya si Vashtian. Sebastian talaga ang pangalan niya, ayaw niya lang isama ang letter S and E kasi pangmatanda raw."

Bahagya akong natawa. Nag-mo-moist ang gilid ng mga mata ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako anumang oras.

May mga pamangkin na pala ako. Bakit... Bakit ngayon niya lang sinabi?

"Itong mukhang mabait na hindi naman talaga mabait..." Itinuro niya naman ang batang kumaway sa akin kanina.

Malawak ang ngiti nitong pang-inosente talaga. Ang cute-cute niya! Inosenteng-inosente ang mukha niya at medyo malayo ang attitude niya kay Vashtian na kanina pa kumikindat sa akin.

Jusko pong batang 'to! Mukhang alam ko na ang gagawin nito sa hinaharap!

"He's Kishi. Nakita ko lang ang pangalan na Kishi sa Facebook. Na-cute-an ako kay pinangalan ko sa kaniya. Sakto kasi cute din siya, 'di ba? Wahaha."

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now