Chapter 21: Never

466 52 12
                                    

SAKI

What a sick joke.

Sa lahat ng paghihirap ko, sa lahat ng naranasan ko... he just got out of jail. Nice. Parang pinagti-trip-an ako ng panahon. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para mangyari ang mga bagay na ito sa 'kin.

He ruined my life. He ruined me from the very first start. Simula nang makilala ko siya noong bata pa ako--alam kong masisira at mawawasak ako. I was... young. I was the prey and he was the predator. I was 16, he was 20. Hindi ko alam kung matatawag ko bang grooming iyon dahil-- hindi ko na tanda. Kinalimutan ko na ang mga hindi magagandang ala ala mula sa nakaraan.

And he's still at it until now... still trying to break me.

"Ang cute-cute naman ng baby mo!" ani isang matandang babae. Natigilan ako sa pag-iisip at nginitian ang babae.

"Salamat po."

Kasa-kasama niya ang apo niya. Isang batang babaeng mukhang nasa edad lima pa lamang. May hawak-hawak na ice cream ang bata at ang isang kamay naman nito ay hawak ng matanda. May sinabi ang babae sa bata, and they both giggled.

Kung may nanay siguro ako, malamang may lola rin ang anak ko. But... I think it's better this way. At isa pa, iniwan na kami ni ate ng ina namin. My father's dead, too. So basically, my sister and I have nothing but ourselves. Kaya naman...

Tinitigan ko ang guwapong mukha ng anak ko. I smiled when I saw him yawning. At oo, katulad ng sinasabi ko, kamukhang-kamukha niya ang ama niya. Mula sa pagkunot ng noo, kung ano ang shape ng ilong at ng labi niya-- he's basically the little version of Grie. But he's mine. My son is mine. Walang may karapatan sa kaniya kundi ako lamang.

At tapos na akong umiyak. Tapos na akong magluksa. Oras na para maging masaya naman ako. Hindi ko maintindihan, pero napag-isip-isip ko na sa anak ko nalang i-focus ang atensyon ko. Na hayaan ko nalang si Grie at ang ama niya. Na hayaan na lamang ang nakaraan...

I just--

Gusto ko na lumaki ang anak ko na walang dramang nagaganap sa buhay namin. Hindi magiging maganda ang maiging paglaki niya tulad ng naranasan ko. Gusto kong ibigay sa kaniya ang mga bagay na hindi ko nasanasan noon. I want to give my son everything. At kaya kong gawin iyon na ako lang mag-isa.

Napatingala ako sa kalangitan. Medyo umiinit na ang sinag ng araw, kaya naman bitbit ang anak ko ay nilapitan ko si Soren na naka-upo sa bench habang sumisipol at sinusundan ng tingin ang mga babaeng dumadaan.

"Hoy," sita ko sa kaniya. "Anong tinitingnan mo d'yan, ha."

"Mga naggagandahang mga dilag," aniya saka ngumisi, labasan ang magaganda niyang mga ngipin. Sinuklay niya ang buhok niya patalikod saka siya tumingala sa akin. "What do you think? Mag-aampon kaya ako o mag-aanak ng sarili?"

Nagkibit-balikat ako at tumabi sa kaniya. "Mag-anak siguro ng sarili? 'Wag sayangin ang ganda, you know."

She snorted. "Eww. Pero pwede naman, may matres naman ako at healthy ang boobs ko, sure naman akong makakapag-produce ng gatas 'to." Sabay turo sa dibdib niya.

Sabi niya, eh.

Sinulyapan ko si Maximus sa bisig ko. "Are you a lesbian ba talaga? Ang galing mong mag-alaga ng bata. Mas pwede kang maging nanay kumpara sa 'kin."

Nilinga ko siya. Nginisihan niya ako ngunit hindi siya sumagot. Kinuha niya sa akin si Maximus at nilaro ang maliit na kamay ng bata. "Kapag ako nagka-anak..." aniya. "...Itatapon ko sa basurahan. Fuck them kids."

****

Months na ang lumipas. Natututo na agad na tumayo si Maximus. Habang lumalaki rin siya ay mas lalong nagiging kamukha niya si Grie. But no, I am not angry. Medyo nakakainis lang minsan na wala siyang nakuhang kahit ano sa akin.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now