Chapter 17: I Don't Like "It"

1K 96 29
                                    

SAKI

Hindi ko alam kung ilang beer na ang naubos ko. Hindi ko na yata mabilang. Iyan lang ang ginawa ko sa ilang linggong naka-kulong ako sa tinu-tuluyan kong apartment. Araw-araw din akong pinu-puntahan ni Soren. At araw-araw na hindi ko rin siya kini-kibo.

Heck, she literally looks like Grie. Kamukhang-kamukhang-kamukha niya ang hayop niyang kapatid. Pero hindi ko siya sinisisi, hindi niya naman kasalanan na naging kapatid niya si Grie. Hindi niya rin kasalanan na kamukha niya ito. Walang may kasalanan. Kundi si Grie lang. Siya lang ang may kasalanan. Siya lang---

"Peste," mariing bulong ko dahil dinig na dinig ang malakas na tugtog dito sa apartment ko mula sa kabila. Ang nakaka-buwisit pa, rakrakan pa talaga ang tugtog. Kanina ko pa gusto kumatok doon pero nahihilo ako at kapag tuma-tayo ako ay bumabalik ako sa pagkaka-upo.

Humiga ako sa sahig habang hawak ko pa rin ang boteng walang laman.

Ano na?

Ano nang gagawin mo sa buhay mo, Saki?

Ganiyan ka nalang? Ganiyan nalang ang gagawin mo? Naka-kulong na si Grie, hindi na siya makaka-labas doon. Sana, ikaw naman. Simulan mo nang ayusin ang buhay mo.

Pero paano?

Nagluluksa pa ako sa pagkamatay ng ate Saica ko. Noong nakaraang araw lamang siya na-lethal injection. Bangkay nalang ang nakita ko sa kaniya. At hindi ko pa matanggap na saka lang nagpakita ang ina namin nang mamatay na si ate.

Matanda na siya. Naka-tungkod na at puting-puti na ang buhok. Kinuha niya ang bangkay ni ate at ipina-cremate. Hindi ko na kaya pang dumalo para samahan sila. Hindi ko kaya. Hindi ko matanggap.

Pero hindi ko pa rin siya kayang patawarin.

Sila--- hinding-hindi ko sila mapapatawad.

Kaya paano ko aayusin ang sarili ko? Paano ko gagawin iyon? Wala na akong kahit ano. Wala na. Kahit nga ang dignidad ko ay wala na.

"Putangina," madiing mura ko. Pilit akong tumayo at medyo gume-gewang na lumabas ako ng apartment ko. Medyo nasilaw pa ako nang tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw. Pero hindi ko na iyon ininda. Agad na nilakad ko patungo sa kabilang pinto. Tapos ay sunud-sunod na kinatok ko ito. Malalakas. At nang marinig niya naman ang pesteng katok ko dahil mukhang hindi niya iyon maririnig dahil sa lakas ng tugtog niya.

At tagumpay ako. Bumukas ang pinto at bumungad ang isang babaeng punong-puno ng tattoo sa katawan.

Pinagka-titigan ko siya.

Ah...

She's young. Yet old. I mean, she's young, sa edad, maybe eighteen or nineteen years old. Too young. Pero matanda na siya. Sobra. Her tattoos symbolizes her pain everyday. Kaya naman napaka-rami ng tattoo niya sa katawan, dahil iyon ay ang mga naranasan niya, I can see it. And she's sad. Like me. She's suffering. Like me. 

"Hi," magalang na bati ko. "Sa kabila lang ako. Pwede paki-hinaan ang volume ng tugtog mo? Pasensiya na, nagpa-pahinga kasi ako."

Binuksan niya ng malawak ang pinto habang wala siyang ibang sinasambit. Her sad eyes were just looking at me intently. Bigla kong naalala si ate. Hindi ko alam kung napa-pansin iyon ng mga tao sa paligid ni ate, but she was always looking so sad. She was really, really sad. At alam kong malungkot din siya bago siya mamatay. She doesn't want to admit it, pero alam kong malungkot siya. Palagi.

"Pasok ka," mahinang sambit niya saka tipid na ngumiti."I'm Marchaela Cherry. As in, Marka-ela. Pero pwede mo akong tawaging March. Iyong March na buwan."

Tumayo ako ng tuwid, pero bahagya akong gumewang kaya naman agad niya akong inalalayan.

"No--" agad na tanggi ko. "All I want is you, to turn down the volume of your music---"

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now