Chapter 09: I Like Jail

1K 95 10
                                    

I Like Jail

"Pinapaliguan mo ba ako o ano?"

Natigilan ako nang biglang magsalita si Grie. Bahagya niya akong nilingon. Nasa likuran niya kasi ako at kanina pa ako lutang.

"Halos hindi mo nilalapat 'yang kamay mo sa balat ko."

Sinamaan ko siya ng titig. "Tigilan mo ako, Amberson, jusko naman!"

Pero totoo naman kasi, halos ayoko na siyang hawakan lalo na't naaalala ko ang mga ginagawa ko sa kaniya noong akala ko ay may saltik talaga siya. Kung paliguan ko kasi siya noong mga nakalipas na araw, para siyang anak ko. Malay ko bang mangyayari 'to!

Inis na idinampi ako ang mga palad ko sa likuran niya at kinuskos ng sabon ang balat niya. Safeguard ang sabon niya, iyong kulay dilaw. Lemon yata. Kaya pala mabango ang balat ng gagong ito, Safeguard kasi ang gamit. Bukod din ang bubble bath niya.

"Kailan mo ako titigilan?" kaswal na tanong ko. Itinutok ko ang shower sa likuran niya para alisin ang bula sa kaniya. Pasimple kong inamoy ang likod niya.

Ah, mabango na. Okay na siguro 'yan. Likod lang niya ang sasabunin ko.

"Ano?" kunwari pang walang alam ang lintek.

"Usapang tao, Grie. Umayos ka, pwede ba?" iritableng sambit ko saka pasimpleng kinurot ang tagiliran niya. Bahagya siyang napa-igtad nang masaktan siya sa kurot ko.

"Ang sakit mong magmahal..." aniya.

Napairap ako.

Grabe, hanggang ngayon, ganiyan pa rin ang tabas ng dila niya. Malamang sa malamang, kung tanga-tanga pa rin ako, paniguradong nagpauto na naman ako sa kaniya.

"Sagutin mo nalang kasi ang tanong ko! Kailan mo ako titigilan?!"

He let out a deep breath, "Hanggang sa masira ko ang buhay ng boyfriend mo."

I gritted my teeth. Hindi na ako nagsalita pa. Kahit na magwala pa ako rito, wala rin akong magagawa. Napayuko na lamang ako at napatitig sa mga kamay ko na puno ng bula.

"Basta 'wag mong ipapakulong ang ate ko..."

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ang kapatid ko. Siya na lang ang nag-iisang tao na hindi ako iiwan. Siya nalang ang nag-iisang taong hindi ako tatalikuran kahit na ano pang mangyari.

"I won't do that. Just do what I want you to do," aniya saka sumandal paabante sa gawi ko.

Hanggang sa halos nakasandal na siya sa akin. Bahagya siyang tumingala at tumitig sa mukha ko. Basang-basa ang buhok niya at natatabingan na nito ang mukha niya.

Walang emosyon ang asul niyang mga mata kaya hindi ko mabasa ang nasa isipan niya ngayon—wala akong mabasa kahit ano.

Huh. He's really good at this.

Bahagya akong napaiwas ng tingin sa katawan niya. Dude, wala siyang kahit anong saplot. Ang sama rin ng pakiramdam ko dahil hindi ko gusto ang ginagawa ko.

Pakiramdam ko, niloloko ko si Ginger...

"Mahal na mahal mo talaga ang ate mo, ano?"

Napatigil ako sa pag-iisip at tumitig pabalik sa mga mata ng demonyong pinapaliguan ko.

"She's more evil than I am," mahinang sambit niya. "Pero ginagawa mo ang mga bagay na ayaw mo para lang sa kaniya."

Mapait akong napangiti. "Hindi siya katulad mo, Grie."

Minahal niya ako, at hanggang ngayon, minamahal niya pa rin ako.

Tumayo ako at iniwas muli ang paningin ko sa kaniya. "Tumayo ka na, baka naman pati pagpupunas, hindi mo pa rin alam?"

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now