Chapter 06: I Like Leaving

1.5K 140 18
                                    

I Like Leaving

"Hindi ko alam ang gagawin ko, ate," wala sa sariling sambit ko habang nakaupo ako sa isang bench. Madilim ang paligid at malamig na rin ang simoy ng hangin.

Alas-dose na rin kasi ng hating-gabi.

"Pogi ba 'yong River? Pakilala mo ako, patayan kamo kaming dalawa," tatawa-tawang sagot niya mula sa kabilang linya. "Sabihin mo hihilain ko kamo ang Scrotum niya hanggang sa humiwalay sa kaniya," sabi niya muli saka humalakhak.

Iiling-iling na napatawa na lang din ako. Hindi niya talaga sini-seryoso ang mga problema ko. But it's okay, mas napapadali ang pagdedesisyon ko kapag ginagamitan niya ako ng humor niya.

"Ate naman... 'yong problema ko muna."

"Bahala ka sa buhay mo, aba!" aniya. "Kasalanan mo 'yan, eh. Kung sana pinakasalan mo na agad 'yong shota mong pogi rin, edi sana malayo ka na kay Grie."

Sabi ko nga.

Napahalumbaba ako sa 'king mga hita.

Nag-propose na kasi sa akin si Ginger noon. Ang kaso, tumanggi ako dahil masyado pang maaga para sa pagpapakasal. Hindi pa ako handa magkapamilya. Nagka-intindihan naman kami ni Ginger, and guess what? Mas lalo niya akong minamahal habang tumatagal ang relasyon namin.

"Marami akong nakarelasyon, Saki. Countless of hot and handsome guys, exactly," seryosong sambit niya. "Wala akong naging problema dahil hindi sila na-attach sa akin. Like... the fuck I care? Lalaki lang sila. Play with them and let them lose their own game."

Yeah. Katulad ng ginawa niya kay kuya Rexton. She's good with this, pero sa tingin ko, hindi ko kaya—

"Professional ka, Saki. Use your damn brain. Galingan mo ang trabaho mo para maka-alis ka diyan. Napapaghalataang apektado ka pa rin sa presensiya ni fafa Grie," aniya saka tumawa ng mahina. "Control your shit, kung ayaw mong masira ang relasyon niyo ni fafa Ginger."

Shit. Nahuli niya na naman ako.

Ano pa bang ini-expect mo sa isang baliw? She always uses her brain. Wala siyang konsensiya kaya madali lang sa kaniya ang mga bagay na sinasabi niya. Nagmumukha akong tanga kapag nag-uusap na kaming dalawa. Lahat kasi ng bagay sa kaniya ay simple lang—nagiging simple dahil walang kasamang emosyon sa mga desisyon niya.

Para sa trabaho ko? Si ate Saica ang pinaka-interesanteng tao na gusto kong pag-aralan. But no, I can't do that. She hates my job dahil kami ang dahilan kung bakit sila nahuhuli ng mga awtoridad. Ang daming mga doktor sa Pilipinas ang gustong pag-aralan si ate, pero ni isa ay walang nabigyan ng pagkakataon—

—at kung mayroon man, patay na sila... pinatay ni ate.

"Opo..."

"I know what you're thinking, you little brat. Iniisip mo na naman na 'no feelings attach' sa akin kaya madali lang akong magdesisyon."

Napangiwi ako. Baka mamaya ay nasa gilid-gilid lang si ate at tinititigan ako mula rito sa puwesto ko. Ang galing niyang manghula, eh.

"Pinapayuhan lang kita para mas mapadali ang trabaho mo diyan. Use you skills to Grie, at kapag gumaling siya, umalis ka na agad. Tapos ang usapan."

"O-Okay... si Ginger ang iniisip ko, ate..."

"Hayaan mo s'ya, Saki."

See?

Wala siyang pakialam sa ibang tao. Sarili niya lang ang iniisip niya. Hindi ko tuloy lubos-maisip kung bakit mahal na mahal niya ako gayung ako ito ang may mga kasalanan sa kaniya.

I Like Potatoesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें