Chapter 10: I Don't Like This

958 94 14
                                    

I Don't Like This

I don't know what I'm going to do. Kanina pa ako tulala at kahit mga tawag ni Gin sa phone ko ay hindi ko sinasagot. Nakaupo lamang ako sa ibabaw ng kama ni Grie. Hindi pa rin ako nakakalabas at nagsisimula na akong mawalan ng pakialam.

Nasaan ang mga pamangkin ko kung nakakulong ngayon si ate? Nasa Davao sila at nasa Maynila naman ako. Masyadong malayo pero kailangan kong lumuwas para makuha ang mga anak ni ate.

Bigla rin akong napaisip nang maalala kong nakakulong na si ate ngayon... wala nang dahilan para manatili pa ako rito. Fuck this place, ayokong tumira sa isang lugar kung saan naroon si Grie. Hindi ko na masisikmura pa na tumira rito. I'm surrounded by Ambersons. Nasa side ako ng mga McGregor at talagang delikado ako rito.

Napatigil ako nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok ang isang matangkad na lalaki, sino pa ba, edi si Grie. May hawak siyang cellphone at katulad kanina, blangko pa rin ang pesteng pagmumukha niya. Alam kong nagsisinungaling lang siyang hindi siya ang taong nagsumbong sa mga pulis. Alam kong siya iyon. I can feel it.

Isinara niya ang pinto habang ang mga mata niya ay nakapirmi sa akin.

"Si Rexton Dela Vega ang nagpahuli sa kapatid mo," simula niya. "Nahuli niya ang mga mag-iina niya sa Davao. Wala akong kasalanan kung bakit nahuli si Saica."

Rexton Dela Vega... ang pasyente noon ni ate. 'Yung sira-ulo rin.

Hindi ako sumagot.

Umiwas lamang ako ng tingin at hinayaan siyang nakatayo lang sa harapan ko.

Wala akong maisip na maisasagot sa kaniya. And also, I can't focus. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko dahil napakaraming bagay na tumatakbo sa utak ko.

"Saki."

Napalunok ako nang maramdaman kong umupo siya sa tabi ko.

No. Ayokong malapit siya sa akin. It's making me sick. Hindi ako kumportable. His scent—his manly scent is so familiar and I hate it.

"Look at me," utos niya sa akin.

Nakakabuwisit isipin na hanggang ngayon ay ganiyan pa rin ang tono ng pananalita niya kapag may iniuutos siya.

"Leave me alone, please," mariing sambit ko saka nilingon siya.

Wala naman siyang ayos ngayon. Simple lang ang suot niya pero ramdam ko pa rin na may kakayahan siyang pasunurin ako.

"Goddamn it, Sakina," iritableng sambit niya saka siya napasuklay sa buhok niya. Marahas siyang napabuga ng hangin. "Sinabi ko na sa 'yong hindi ako ang nagsumbong sa mga pulis, nor River and Augustus."

"Wala akong pakialam kung ikaw ang nagsumbong o hindi," sambit ko. "Ang gusto ko lang ngayon, ay ang makauwi na. Babalik na ako sa kung ano ako dati. Wala na akong dapat protektahan ngayon."

Saglit na tumahimik ang paligid.

"Ah, no. I can't do that," biglang sambit niya. May diin sa bawat pagbigkas niya ng mga salitang iyon. May pagtutol.

Agad akong tumayo at hinarap siya. Nagtagpo ang mga mata namin, pero wala akong mabasa sa kaniya. Wala akong mabasang kahit ano.

Madilim na ang mga mata niya. Alam kong ayaw niya ng ideyang tatakasan ko siya. Ayaw niyang matahimik ang buhay ko.

I fucking hate this man.

"Then what?!" sigaw ko sa kaniya. "Ayoko na rito! I want to go home!"

Gusto ko nang matahimik! Wala na akong pakialam kung siya ba ang nagsumbong o hindi, basta ba ay paalisin niya na ako rito!

I Like PotatoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon