Chapter 04: I Like Sleeping

1.6K 161 26
                                    

I Like Sleeping

Bagsak ang katawan ko nang makauwi ako sa apartment na tinutuluyan ko.

Pagkapasok ko ay agad na bumungad sa akin ang nakabukas na telebisyon. Nakapatay ang ilaw at sa sofa naman ay may nakaupo na lalaki. Nakatanggal na ang tuxedo niya at nakapatong iyon sa armrest. Tanging pang-itaas niya ay ang puting polo.

Agad na nawala ang pagod ko.

Ganito kaguwapong boyfriend ba naman ang aabutan mo sa apartment mo, eh.

"Sinasayang mo na naman ang kuryente ko, Ginger," sita ko sa kaniya. Agad na nilingon niya ako.

Damn those sexy green eyes. Kung makatitig akala mo may balak na higupin ang kaluluwa ko!

"Where have you been, woman?" seryosong tanong niya gamit ang malalim niyang boses.

Sus. As if naman kung ma-intimidate ako sa kagaganiyan niya, eh, sanay na sanay na ako.

Hinubad ko ang sapatos ko saka ako lumapit sa kaniya. Yumuko ako para halikan siya sa panga. I heard him groaned.

"Bullshit. Huwag mo akong hahalikan diyan kung ayaw mong mabuntis," bulong niya sa tainga ko tapos ay kinurot niya ako sa pisngi.

Natawa na lang ako at iiling-iling na umupo sa tabi niya. Agad na inakbayan niya ako.

"So, bubuntisin ako ng lalaking mahilig manood ng..." Bahagya akong natawa. "Spongebob Squarepants?"

"Bakit ba kasi? Cute naman si Spongebob, ah?" depensa niya pa sa kaniyang sarili. Napahalakhak ako. Ay, ewan. Ang laki-laking tao ang hilig sa cartoons!

Sumandal na lang ako sa balikat niya. Pero agad niya akong hinawi.

Nagtatakha kong tinitigan ang seryoso niyang mukha. Well, isang linggo kaming hindi nagkita pero gano'n pa rin naman ang hitsura niya. Ang sexy pa rin ng panga niya at maganda pa rin naman ang abuhin niyang mga mata. Matangos pa rin ang ilong niya at sexy pa rin ang labi niya. Maganda pa rin ang pagkakahulma ng kaniyang mga kilay.

Wala namang nabago sa kaniya pero kung makahawi 'tong isang 'to 'kala mo hindi kami mag-jowa!

"Change your clothes and rest. I can't concentrate here," aniya sabay turo sa doon sa pagitan ng mga hita niya habang ang paningin niya ay nakatutok pa rin sa telebisyon.

"Ang manyakis mo!" sigaw ko saka hinampas siya.

Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay, "Alam ko, matagal na."

"And you're proud of it, Mr. McGregor!"

"What? Being a pervert is one of my best assets."

Natatawang tumayo na lang ako. Iniwan ko siya ro'n sa sala. Bahala siya ro'n. Nababaliw na naman ang isang 'yon at walang magawa. Kailangan niya talaga si Spongebob ngayon para matahimik siya sa kamanyakan niya.

"Hoy, bumalik ka rito!" dinig kong tawag niya sa 'kin.

Tingnan mo, ang labo talaga!

"Tse! Manonod ka nalang ng Spongebob diyan!"

Mas gugustuhin ko pang manood siya buong maghapon kaysa sa sapian na naman siya ng kahalayan!

****

"May pasok ka, panget?" tanong niya habang ngumunguya. Umiling ako at sumimsim ng kape.

"Wala akong pasok, panget. Lilinisin ko 'tong apartment ko. Ginawa mo nang bahay, eh. Nahiya naman kasi ako sa nagbabayad ng renta, kuryente at tubig. Ang laki kasi ng bill," sarkasmong lintaya ko habang nakataas ang kilay sa kaniya.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now