Chapter 23: A Replacement

484 53 7
                                    

SAKI

Napapahikab na ako sa antok. Pagod na rin ako at gusto ko na talagang umuwi. Nasiraan pa ako ng sasakyan at pina-tow ko pa ito kanina. It's already 10:00PM.

"Saki, magpasundo ka nalang kaya? Ang lakas ng ulan, o," ani Jennifer, isa siyang crew sa fastfood na kinakainan namin madalas. Katapat lang namin ang fastfood chain nila at madalas na nakakausap ko siya tuwing pa-uwi na ako. Nakikita ko kasi siya lagi na naninigarilyo sa gilid ng daan habang suot pa rin ang uniporme niya.

"Nako," Napa-kamot ako sa batok ko. "Wala akong ma-co-contact," sagot ko saka tiningnan ang malakas na pagbuhos ng ulan. May nag-aalaga naman kay Maximus kaya hindi rin ako gaano nag-aalala na hindi ako makaka-uwi kaagad. Pero kasi... gusto ko nang matulog.

I can feel her staring at me. Kaya naman nilingon ko si Jennifer. "You have something to tell me?"

Maliit siyang ngumiti. "Wala."

"Of couse, meron kang sasabihin," sambit ko at kunot-noong hinarap na siya ng tuluyan. "What is it? Spill the beans."

Bumuga siya ng usok at napatitig sa akin. "Akala ko medyo tanga ka, naalala ko na ganiyan nga pala ang trabaho mo," aniya saka mapang-asar na ngumiti. "Ang sabi ko, puwede ka naman mag-ask sa mga katrabaho mo na isabay ka pa-uwi."

"No, hindi iyan 'yung sasabihin mo," sambit ko muli. "The fuck are you hiding?"

I know her kahit hindi siya nag-o-open up. Meron siyang issues na hindi niya kayang sabihin at hindi siya pala-salita kaya naman napapaligiran siya ng mysterious aura na hindi mo mawari. But well, she's nice.

Mahina siyang natawa. "May nakikita akong lalaki rito sa labas tuwing lunchbreak niyo. Mukha siyang napapadaan lang, pero imposible naman kasi palagi siyang nandito. Pinapanood ka niya tapos aalis din. Siguro mga isang linggo na rin."

Oh.

"That must be a mista--" Bago pa ako magsalita ay pinutol niya na agad ang sasabihin ko.

"Paano ko naman kakalimutan ang mukhang 'yun, eh, bihira lang ako makakita ng lalaking guwapo," aniya saka nagkibit-balikat.

Hindi na ako kumibo pa. Nginitian ko lang siya at nagpaalam na aalis na bago ako sumugod sa ulan matapos kong pumara ng taxi. Hindi dapat ako nag-iisip na naman ng kung anu-ano, pero hindi ko maiwasan na hindi nga mag-isip.

Maximus is turning 6 this week. Wala na akong contact sa mga Amberson at wala na akong balak pang magkaroon ng koneksyon sa kanila. Si Soren, puwede pa. Lalo na't si Soren ay drama-free at kinokonsidera ang sarili niya na "naiiba" kumpara sa mga kapatid niya. Ayaw niya ng gulo, ugali rin niyang humiwalay sa mga problema ng pamilya nila.

So, it's fine. Soren is always welcome.

And you know, she helped me. Kaya kapag trip niyang mangggulo minsan dito sa amin, ayos lang. She's a good tita, actually. Mas magaling pa siyang mag-alaga ng bata kesa sa akin kahit na brusko siya at mahilig sa babae. Don't judge the book by its cover ika nga nila.

Nang makarating ako sa tapat ng bahay namin ay medyo tumila na ang ulan. 11:30 na at ang ilaw nalang sa sala ang nakikita kong bukas mula rito sa labas. Agad akong pumasok sa loob at ibinigay ang sahod ng nag-aalaga kay Maximus. I hired her, si Soren ang naghanap. She's a nice young lady at gustong-gusto siya ni Maximus-- her name's Irene.

Saglit na pinuntahan ko si Maximus sa silid niya at napangiti ako nang makita kong tulog na siya nang mahimbing habang yakap-yakap ang saging na unan niya. Nakatulog na siya sa kakahintay sa akin, I bet. Palagi niya akong hinihintay kahit na sabihin kong matulog na siya bago pa pumatak ang alas-diyes.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now