Chapter 05: I Like Stripping

1.6K 156 32
                                    

I Like Stripping

Kita mo na?

Sila itong nagbubugbugan kagabi pero ngayon, eh, kung magyakapan sila akala mo nagjowa. Yaoi kasi sila ngayon. Lels.

Napa-iling na lang ako. Isinara ko ang pinto ng silid ko at hinayaan silang matulog nang magkayakap.

Plot twist: Sila talaga ang magkakatuluyan sa huli. Lol.

Dumiretso ako sa kusina para magluto ng almusal. Wala akong balak gisingin sila dahil baka magkagulo na naman. Hindi pa ako ready. Mamaya maya na para makapaghanda na muna ako.

Nang matapos akong magluto ay tahimik akong naglinis. Pinunasan ko ang mga bagay na dapat punasan. Binago ko rin ang ayos ng ilang gamit ko para maiba naman ang hitsura at maging bago sa mata ang bahay.

Pagkatapos kong maglinis ay nagtambay muna ako sa tapat ng malaking bintana ng sala kung saan kitang-kita ang buong labas sa ibaba. Nasa second floor kasi ako.

May mga tao nang nagchi-chismisan. Nasa labas na rin si 'te Pristin—iyong Haponesa kong kapitbahay na ubod ng maldita. Matanda siya ng limang taon sa akin pero mas bata pa ang hitsura niya sa 'kin.

Nasa bandang gilid sila kaya medyo dinig ko ang pinag-uusapan nila ng kasama niyang maputing lalaki.

"Tao lang naman ako, Pres. Marunong akong mapagod," madramang sabi ng lalaki. May dala itong bucket ng bulaklak habang si ate Pristin naman ay nakataas ang kilay sa lalaki.

"Ows? Tao ka pala?"

"Pres naman, eh... alam mo bang kaya kong katayin ang mga pusa ko sa bahay para lang sagutin mo ako?"

Natawa na lang ako. Saktong pag-alis ko sa tapat ng bintana ay biglang lumabas ng silid ang dalawang pogi.

Napalunok pa ako nang makita kong wala silang pang-itaas parehas. Hindi nakatakas sa malalandi kong mga mata ang hulmado nilang abs at mga braso nilang ma-muscle. Isama pa ang kanilang sexy-ng mga V-line, potek.

Jusko. Kumpleto na ang almusal! Kainan naaaa!

Chos lang.

"Gising na pala kayo. Siguro naman alam niyong nagyakapan kayong dalawa, ano?" natatawang tanong ko.

Inismiran lang ako ni Ginger. Umupo siya sa sofa at kinuha ang remote sa katapat niyang maliit na lamesa. Binuksan niya ang TV. Halos mapatalon naman siya sa tuwa nang makita niyang Spongebob ang palabas sa Yey!

"Potatoes..." Nagitla ako nang madinig ko ang boses ni Grie sa gilid ko. Agad na nilingon ko siya. Nakatayo siya sa gilid ko at maliliit pa ang mga mata niya. Halatang inaantok pa siya.

"May kailangan ka ba?" naiilang na tanong ko.

Hindi na naman siya nagsalita. Nakatitig lang ang mga mata niya sa mukha ko—na bumaba bigla sa mga labi ko.

"Anak na 'tin siya, panget," biglang sabi ni Ginger habang nanonood ng telebisyon. Nagtatakang nilingon ko siya.

Anak? Sino ang anak namin?

"Ano?"

"Si Grie. Anak na 'tin 'yan. Mabait naman pala, eh." Nagkibit-balikat siya habang ako naman, eh, naguguluhan.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now