Chapter 19: His gaze

492 60 9
                                    

SAKI

Maybe I'm already losing my mind. Pero hindi ko kayang tingnan ang batang buhat-buhat ni Soren. But... he's beautiful. Just like his father. At hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

Pinanood ko si Soren na inaalo ang bata. She's smiling and playing with his hand. She's being gentle like she's the one who gave birth. Hindi ko alam na ganito sa mga bata si Soren, she can be a good mother if she wanted to. But the baby tilted its head to look in my direction.

He opened his eyes. They were... baby blue. Kahit na kalalabas niya palang mula sa akin ay napaka-kapal na ng buhok niya at pati ang mga kilay niya ay paniguradong magiging maganda ang hulma kapag mas lumaki pa siya. And those long lashes. He's beautiful... but... I... I can't.

"Oh, that's your mom," ani Soren saka humalik sa pisngi ng bata. "Pero ako ang mama mo ngayon."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanila at nilingon ko na lamang ang malaking bintana. Gabi na, kagigising ko lang din at katatapos ko lang din na kumain dahil pinilit ako. Masakit din ang tahi ko at medyo nanghihina pa ako.

"I'm gonna name this child," ani Soren kaya natigilan ako. "Hindi kita pipilitin na tanggapin ang sanggol, Saki... kaya ako na ang bahala. Ako na rin ang mag-aalaga kaya magpagaling ka saka... huwag ka na masyadong mag-aalala, hindi makakalabas ng kulungan si kuya."

"Ikaw ang mag-aalaga?" tanong ko at hinarap siya. "Why?"

She stared at me. "I don't want to say anything, Saki, lalo na't kapatid ko ang gumawa ng masama sa 'yo."

"Say it," ani ko muli. "I won't mind. I promise."

"You don't want this child," simula niya agad. "Nanonood ako, Saki. And if you were given a chance, you're gonna murder your own child. I can see you, I can hear you. I understand what you're feeling... pero..." She glanced at the baby. "...walang kasalanan ang bata."

Natahimik ako. Dahil iyon... walang kasinungalingan sa sinasabi niya.

Hindi ako nakapagsalita. I just stared at her-- kung paano niya aluin ang bata nang bahagya itong umiyak.

"I can be a mother," aniya bigla. "Hindi ko na ipapakita ang bata sa 'yo. I promise, kapag ako ang nagtago, hindi ako natutunton." Ibinalik niya ang paningin niya sa akin. "Just say it, kung ayaw mo nang makita ang kahit sino sa amin, gagawin ko. Hinding-hinding-hindi mo na makikita ang bata, hinding-hindi rin makakalabas ng kulungan si Kuya. Wala kang makikita na kahit sino sa 'min habang nabubuhay ka."

W-What...

She's being mean to me, kilala ko si Soren. Alam kong nagpapaka-plastik lang siya sa harapan ko dahil alam ko kung kelan siya galit at kung kelan siya sincere. She's giving me a very hard time to choose. Alam kong ayaw niyang ibigay... o kahit ipabuhat sa akin ang bata dahil... dahil katulad nga ng sinabi niya... nanonood siya. She was just watching me habang nagbubuntis ako. Hindi siya nagsasalita, pero nakikinig at nanonood siya. Kaya naman alam kong iba ang tingin niya sa akin ngayon.

She sees me as a woman... who shouldn't be left alone with her own child.

"Hihintayin kong makapag-desisyon ka," She stared at me na tila ba hindi niya ako kilala. Na para bang ibang tao ako. And it's... actually pains me because... it's Soren. Tulad din ng sinabi niya... kuya niya ang may kasalanan sa akin kaya ayaw niyang magsabi ng kahit na ano.. o sa madaling salita, ayaw niya akong tratuhin ng hindi maganda bigla.

Alam ko... naiintindihan ko...

She hears me... Nakikita niya kung paano ko--

"Lalabas muna kami," aniya saka walang lingon-lingon na lumabas bitbit ang bata. Hindi ko alam kung kaninong ospital ito, pero mukhang dinala nila ako sa isa sa mga pagmamay-ari nilang hospital-- yeah, pumupunta ako rito regularly dahil sa check-ups, pero wala akong gana at wala rin akong pakialam kung ano ang pangalan ng hospital.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now