Chapter 25: Leaving Heaven

320 37 4
                                    


SAKI

"I swear, I don't want to die because of lung cancer or some shit," sambit ko saka tinaboy ang usok palayo sa mukha ko. "Stop smoking, Jennifer."

Napailing siya. Bumuga muna siya ng usok bago tinapon sa trash can ang sigarilyo niyang kalahati palang ang bawas. "Hindi ko naman sinabi na lapitan mo ako, dok," aniya saka prenteng sumandal sa pader na may nakasulat na BAWAL ANG MAGTAPON NG BASURA. Well, odd. Dahil wala ngang mga basura ro'n at malinis din ang pader.

You know, dito kasi sa Pilipinas, kapag may nakalagay na bawal magtapon ng basura, makikita mo, eh, marami pa ring basura.

"Wala akong makausap," I smiled a little. "How's your job?"

"Ayos lang naman," aniya saka tiningnan ang wrist watch niya. "Babalik na rin ako sa loob mamaya."

I just stared at her. Just like before, she doesn't want to talk to me. Or to anyone. I'm not saying na por que ang isang tao ay hindi gusto ng company ay may issues na agad ito-- but this one is kind-of different. She's different-- marami na rin akong naririnig tungkol sa kaniya noon pa.

Napabuga ako ng hangin. "Just tell me if--"

"Nakita ko ulit iyong lalaki, sure ka bang wala kang stalker?" tanong niya bigla bago pa ako makapagsalita. Natigilan ako dahil sa sinabi niya kaya naman saglit na hindi ako nakapagsalita.

Hinarap niya ako. "Talamak ang krimen ngayon, alam mo naman iyon. Palagi nalang may ibina-balita na may mga babaeng pinatay," aniya saka nagkibit-balikat. "Siguro mag-ingat ka kapag uuwi ka."

"This guy has blue eyes-- a foreigner, am I right?" tanong ko.

Napatingin siya sa gilid niya saka bahagyang natawa.

"Tall? Handsome?" dagdag ko pa.

"Kilala mo naman pala," aniya saka muling hinarap ako. "Tinataboy ko pa tuloy kapag nakikita ko."

That's it.

It's Grie.

Pero bakit?

"Sinabi ko sa kaniya na pwede naman siyang pumasok sa loob kung gusto ka niyang kausapin," ani Jennifer. "Pero hindi siya sumasagot noong una, akala ko hindi nakakaintindi ng Tagalog, nagpakahirap pa akong mag-Ingles."

Yeah. It's Grie.

Hindi muna ako nagsalita-- I-- I actually don't know what to say.

I am sure as heck na si Grie iyong lalaking nakikita niya-- pero bakit? Anong kailangan niya? Anong gusto niya? Is he planning to take my son away? Like... is he-- fuck, I don't know. Wala na siyang ibang dapat na kailanganin pa sa akin kaya naman bakit--

Wala na siyang dahilan para magpakita sa akin. Nanahimik ako nang makalaya siya dahil sa ama niya. Wala akong ibang sinabi-- I didn't do anything. Iyon ay dahil gusto ko nang manahimik-- at ngayon naman...

What the hell do you want, Grie?

MAAGA akong umuwi at naabutan ko pang gising si Maximus. He's ranting about school. Na pinagawa raw sila ng activity ng teacher nila-- discuss about your dreams kapag lumaki ka na. He's ranting because he talked about being the King of the Jungle and his classmates laughed at him.

"They are so rude," aniya saka kumagat sa turon na binili ko bago umuwi. "They judge so easily, ma. Lagot sila sa 'kin kapag naging si Tarzan ako. I'm gonna punch them in the face," aniya muli. I just watched him rant about his classmates. At nang bigla siyang tumigil kakanguya ay humarap siya sa akin, naluluha ang mga mata.

Hindi kalaunan ay umiyak siya ng malakas.

Agad na inalo ko siya at yumakap siya sa bewang ko.

"Shh, it's alright. Don't mind them," masuyong sambit ko. "Your dreams are everything to me, and I'll support you no matter what, okay?" I kissed his head. "As long as I'm here, you don't need to worry about what others are thinking. It doesn't matter if they mock you-- you always have me."

Tumango siya at humihikbi na kumain ng pangalawang turon. Nanatili siyang nakayakap sa akin habang nanonood kami ng cartoons sa sala. Patay na ang ilaw sa paligid, at tanging liwanag nalang ng telebisyon ang nagsilbing ilaw namin sa sala. This is our bonding everytime na wala akong pasok kinabukasan. Manonood kami ng movie with lots and lots of snacks.

The living room filled with laughter as we continue to watch the show. Hanggang sa lumipas na ang oras at namalayan ko nalang na alas-onse na ng gabi.

"Ma?"

"Yes?"

"Anong hitsura ni papa?"

Natigilan ako nang magtanong si Maximus tungkol sa ama niya. He never-- or at least, asked me about this. Hindi ko naman pinagkakait sa kaniya ang mga detalye tungkol sa ama niya-- pero hindi ko matandaan kung kelan ba siya huling nagtanong tungkol kay Grie-- ito ba ang unang beses? I don't know. Tulad ng sabi ko, hindi ko maalala.

"He looks like you," mahinang sagot ko. "Just look in the mirror and you'll see."

"I saw his picture in Google," ani Maximus. "Parehas kami pogi." Tumingala siya sa akin at malawak na ngumiti. "Our eyes are both color blueeeee."

Tumango ako. "Yes. Parehas nga kayo."

Ibinalik niya ang paningin niya sa telebisyon. "I hope I can see him."

Hindi ako nagsalita. Tahimik na ibinalik ko rin ang paningin ko sa telebisyon, hanggang sa namalayan ko nalang din na nakatulog na ang bata sa balikat ko. Tulad ng nakagawian ay hindi ko na siya inakyat pa sa kuwarto niya. Sofa-bed ang inuupuan namin kaya hiniga ko na lamang siya rito at kumuha ako ng kumot at unan sa itaas.

Pinatay ko na rin ang telebisyon. Tahimik akong humiga sa tabi ni Maximus at tinitigan ang natutulog niyang mukha. He's beautiful. Just like his father.

And I can't sleep.

Muli akong umupo at pinakinggan ang katahimikan. Nag-adjust na rin sa dilim ang paningin ko at wala akong ibang marining kundi ang mahinang tunog ng paghinga ni Maximus.

Naglakad ako sa kadiliman. Dumiretso ako sa kusina at binuksan ang ref-- Tahimik na nagsalin ako ng malamig na tubig sa baso. Mabilis na inubos ko iyon at hinugasan ang baso bago ko ito ibalik sa lagayan.

I can't sleep. Hindi naman ako nag-kape kanina. At alam ko ring pagod ako ngayon. Anong oras na rin. All I want to do is to sleep, but why can't I feel the sleepiness? Goddamn it.

Bumalik ako sa puwesto ko. Maximus is still sleeping. Malalim na ang tulog niya. Nakita ko rin sa dilim si Tatsu-- tumalon siya sa tabi ko at sumiksik sa gilid ni Maximus-- Tatsu slept beside my son.

Fine. Pipilitin ko nalang na matulog. Kailangan kong gumising ng maaga dahil nangako rin ako kay Maximus na mamamasyal kami. And I'm gonna buy him a banana toy. I don't know what banana toy he's talking about, pero bukas malalaman ko kapag sinabi niya sa akin kung saan niya nakita iyon.

I laid down once again. Malapit na sana akong kainin ng antok ko nang biglang tumunog ang cellphone ko sa tabi ko. Agad na napadilat ako at kinapa ang cellphone ko.

Someone's calling. Medyo nasisilaw din ako sa liwanag ng screen. But I answered the call, anyway.

"Sakina Dela Cruz speaking," agad na sambit ko.

Nagtakha ako nang hindi ko marinig ang boses ng kahit sino-- no one's speaking.

"Hello? Sino 'to?"

Prank call?

Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko bigla ang pamilyar na boses na iyon. "Hey. I'm sorry for calling."

Napamaang ako.

Hindi ako agad nakapagsalita.

Mariin akong napalunok. "Grie."

"Uhm, you can hang up the call if you're not comfortable..."

Napa-sulyap ako kay Maximus na taimtim ang tulog.

"Bakit... Bakit ka napatawag?"

"I know it's pathetic to ask you, I don't even know if it's alright to talk to you..." He cleared his throat. "Don't worry, I'm not forcing you, Saki."

"What is it?" I asked.

I'm still assesing my emotions. Ibababa ko ang tawag kapag...

"Can I talk to you? About Maximus?"

"Oh..." bulong ko.

"I am not forcing you, it's alright if you don't want to talk. And no, I'm not... going to take him away. I-I just want to talk to you."

I glanced at Maximus once again.

"You want to see him."

It wasn't a question. Alam ko... Alam kong iyon ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa.

I smiled. Not a happy one. I don't even know what to feel.

"Don't worry, it's not only you. Gusto ka rin niyang makita."

At ibinaba ko ang tawag.

I don't know. I don't know what to think.

For now.

****

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now