Chapter 26: It's a Surprise

303 33 2
                                    

SAKI

"I had a dream last night," kwento ni Maximus habang naglalakad kami pauwi. "I became Tarzan and I have a girlfriend." Tumingala siya sa akin at malawak na ngumiti. "Tumatalon-talon ako sa puno."

Maliit akong napangiti. "That's awesome. And about your girlfriend, is she a good girl?"

Magiliw siyang tumango. "Yes. And she's beautiful like you."

Hmm.

Tinanguan ko ang guard na nagbabantay sa entrance ng subdivision namin. He smiled at me at hinayaan kaming pumasok. Hindi ko kasi gamit ang sasakyan ko ngayon dahil nasa pagawaan. Wala pa akong oras na kunin, si Soren nalang siguro ang uutusan ko kapag may oras siya.

Papalubog na ang araw. Medyo pagod na rin ako dahil ang dami naming rides na sinakyan kanina. Dumaan din kami sa perya at ewan ko ba, masyadong maligalig ang anak ko-- ang dami niyang energy. At kahit ngayon, panay pa rin ang talon niya habang naglalakad kami. Para siyang walang kapaguran.

Well, kids.

"Is that Scarlet?" Maximus asked nang madaanan namin ang playground. Nang tingnan ko ang sinasabi niya ay tama nga siya. Nasa swing si Scarlet at mag-isang nags-swing. Kung hindi ko lang nakilala na si Scarlet nga iyon, iisipin kong may multong bata na naglalaro sa palaruan ngayon.

I mean, there's no one around.

Tumakbo bigla si Maximus papasok sa plaground. Nakita kong kinausap niya si Scarlet pero hindi naman kumibo ang bata. Tumabi si Maximus sa kaniya sa swing at malakas na idinuyan ang sarili niya.

Sumunod ako at nilapitan sila. Umupo rin ako sa bakanteng swing na katabi ni Scarlet at mabagal na nag-swing.

"What are you doing here, Scarlet? Pa-gabi na, ah?" tanong ko. "Nasaan ang papa mo?"

"Sa bahay po," mahinang sagot niya. "Natutulog."

Napa-irap ako pero hindi ko pinakita sa kaniya iyon. "Hindi niya namalayang lumabas ka?"

"Kasi sabi ko hindi ako lalabas," aniya saka tumitig sa langit.

Napangiwi ako.

"Sabay ka nasa 'min pauwi," ani Maximus saka tinigil ang pag-swing niya. "You're swinging by yourself; baka may mumu rito."

"Ghosts aren't real," ani Scarlet. "I haven't seen one."

"So, you want to see them then?" Maximus asked. "I don't want to. They're scary and ugly."

Tumayo ako at tiningnan ang phone ko-- it's 5:54 PM. Ibinulsa ko ulit ang phone ko at maliit na nginitian si Scarlet. "Sabay ka na sa 'min, mag-aalala ang papa mo."

Tumango siya at bumaba sa swing. I hold her hand at ganoon din si Maximus. Tahimik na naglakad kami pa-uwi, except for Maximus na walang ginawa kundi magsalita. At nang maka-uwi na kami, saktong kakalabas lang ni Leo at mukhang kagigising niya lang din.

"Jesus Christ, Scarlet, sabi ko sa 'yo huwag kang lalabas, eh," ani Leo saka napasapo sa noo niya. Tahimik namang lumapit ang bata sa kaniya at yumakap sa bewang niya.

She's actually a sweet kid; hindi lang talaga siya palasalita. And she's too logical for her age-- hindi ko alam kung sign iyan ng intelligence niya or maybe iyon ang natutunan niya sa mama niya.

And her mom's a bitch.

I mean, I'm not saying that I am a perfect mom-- heck, ayoko nga magka-anak at I used to think about aborting my child. And it's understandable for me to act like the way I did-- I was raped, for fuck sake. At base sa alam ko, kasal na si Leo at ang mama ni Scarlet nang magbuntis ito. Pinagplanuhan nila ang pagkakaroon ng anak-- they're both sane and aware. They both wanted a child. 

I Like PotatoesOn viuen les histories. Descobreix ara