Chapter 29: The Insufferable

349 34 4
                                    

SAKI

"Jusko, Tatsu," sambit ko saka napasutsot sa hapdi nang tumalon ang pusa sa likuran ko at umakyat patungo sa balikat ko.

This fucking cat always does this. It hurts like a bitch. Masyado siyang hyper kaya naman kaya niyang tapatan ang energy ni Maximus.

"This is nice," sambit ko saka tumitig sa langit. Umupo si Tatsu sa balikat ko at ramdam kong mukhang trip niya na namang matulog sa akin. Lagi niya itong ginagawa. Kaya nga takot akong gumalaw para 'di siya magising.

"Is it?" Leo asked. "We just get fucked by our supposed to be partners for life."

"Pero nasa atin ang bata," sagot ko. "Being alone is kinda peaceful."

"I hate being alone," sagot ni Leo kaya ko siya hinarap. Nakatitig din siya sa malayo habang hawak ang beer niya. "I know it's pathetic, but I want to be with someone." He then looks at my direction. "Being alone isn't easy for me. I am so fucking lonely."

I nodded. "I understand." Tumitig ako sa sahig at dinama ko ang balahibo ni Tatsu sa balat ko. Kasi sa totoo lang, it is indeed lonely being alone. Yes, I have my son and I have a cat who loves to climb at anywhere he likes, but sometimes, you just can't help but feel lonely.

Natahimik kaming dalawa. Tanging naririnig ko nalang ay ang pagtama ng hangin sa mga puno at ang mahinang tunog na ginagawa ni Tatsu--purring.

"Ah, I have an idea," biglang sambit ng lalaking halatang may tama na. Kunot-noong nilingon ko siya and he's smiling like a total idiot. Beer lang naman iyang nilaklak niya, pero bakit mukhang lasing na?

"What idea?"

Nilinga niya muli ako. "Dude, let's fucking date."

Huh?

"Do you need a fucking therapist?" asar na lintaya ko. Ngunit tinawanan niya lang ako na para bang wala siyang pakialam sa tanong ko.

"I mean, I am also afraid of dying alone. Hindi mo ba manlang naisip na kapag matanda ka na, magkaka-pamilya na si Maximus, hihiwalay na siya ng tirahan sa 'yo and unti-unti na hindi na siya makakabisita sa 'yo kasi busy na siya sa sarili niyang family..."

"O, tapos?" tanong ko saka napairap. "Of course, mangyayari talaga iyon. It's the reality."

"See? Aware ka rin," excited na ewan na sambit niya. "We're going to die alone, dimwit. At ayokong mamatay na walang nakakaalam," aniya saka namumulang sinimangutan ako. "Imagine it, just--just imagine it. Gusto mo bang mamatay habang nakaupo sa sofa? Last time, nakapanood ako ng true crime, iyong babae nag-fuse sa sofa niya sa sobrang tagal niya nang patay. I hate it. Para na siyang naging part ng sofa, it's disgusting."

Kunot-noong tinitigan ko siya. "Aware ka rin na connected sa Psychology ang trabaho ko, 'di ba?"

Tumango siya. "Yeah?"

"Just tell me if you like me, my guy."

Natigilan siya at matagal na napatitig sa akin.

I mean, it's damn obvious. You can tell it by how a person looks at you.

Hanggang sa kumunot na ang noo niya at mukhang naiinis siya. "Sumagot ka nalang din ng oo kung gusto mo nga ng date, sinisira mo segwey ko." Tumungga siya sa boteng hawak niya. "Kapag alam mo na kung anong ibig sabihin ng tao, 'wag mo na i-expose."

"Putsa, parang kasalanan ko pa," anas ko sa sarili ko sabay tungga rin sa beer ko.

God, he's insufferable.

"You're the Psychologist pero hindi ka understanding, tsk."

The fuck?

Nagpatuloy siya. "But isn't it weird? Ikaw pa nakaisip na may gusto ako sa 'yo, meaning may gusto ka rin sa 'kin?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 25 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now