Chapter 16: I Love Prison

745 82 27
                                    


I Love Prison

Ayoko siyang tingnan. Ayoko siyang makita. Hindi ko gustong makita ang mukha niya. Nasasaktan ako. Sobra. Parang pini-piga ang puso ko. Hindi ko alam kung maba-bawasan pa ba ang sakit, at hindi ko alam kung makakalimot pa ba ako.

Nilingon ko ang kaniyang puwesto. Naka-upo lamang siya sa sofa at tulad ko ay paniguradong naguguluhan din siya.

Grie.

Anong nagawa ko? Anong nagawa ko sa iyo? Sa inyo?

Ikinulong ko ang mga tuhod ko sa aking mga bisig. Yakap-yakap ko ang sarili ko. Nilalamig ako ng sobra dahil basang-basa ako tulad niya. Pero hindi ko na iyon iniinda. Wala na akong pakialam kung gaano kalamig ang nararamdaman ko. Sana nga ay ikamatay ko na ito.

"Kumain ka na ba?" halos bulong na tanong niya sa akin, pero hindi ako kumibo. Nanatili ako sa puwesto ko sa couch niya.

At oo, narito na ako sa condo niya. Nostalgia. Bumabalik sa akin ang lahat. Dahil dito lang naman kami nag-simula noon. Dito ko siya minahal. Dito niya ako pinag-silbihan. Dito... Dito kami...

Hindi ko namalayang naka-tulala na naman pala ako sa kawalan. Hanggang sa sunud-sunod na tumulo na ang mga luha ko. Napa-hikbi ako at isinandal ang aking noo sa tuhod ko para takpan ang pag-iyak ko.

But I know, this is no use. Dinig na dinig niya ang mga hikbi ko. Dinig niya ang bawat pag-iyak ko. At ayokong marinig niya ako--- ayoko sana. Ayoko-- pero anong magagawa ko? Hindi ko kayang pigilan.

"G-Grie!" Napa-tili ako nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Agad akong napa-atras at napa-suksok sa pinaka-sulok ng couch. Kahit na wala na akong ma-aatrasan ay pilit pa rin akong lumalayo sa kaniya.

Ayokong hawakan niya ako. I can't take it!

Hanggang sa ako nalang din ang kusang tumigil. Napatitig ako sa kaniya. Naka-luhod siya sa harapan ko, and he's looking at me intently. Pagod na pagod ang hitsura niya-- tulad ko. Pero hindng-hindi ko siya mapapatawad. Hinding-hindi ko sila mapapatawad, Kahit... kahit anong mangyari... kahit...

"Please..." bulong niya. "Please... eat something first," aniya. "Before I go, please eat something first."

G-Go?

"W-Why?" namamaos na tanong ko. "What's the fucking point, Grie?"

Kamuntik na akong mapatalon sa gulat nang hawakan niya ang kamay ko. He's shaking, at ang lamig-lamig niya. Hinalikan niya ang likod ng palad ko, then he whispered. "Just eat something... please."

Wala sa sarili akong tumango. Agad na hinugot ko ang kamay ko palayo sa kaniya, saka ko iniwas ang paningin ko sa mukha niya.

Hindi lumipas ang ilang segundo nang tumayo siya at nag-tungo sa kusina. Hindi ko alam kung gaano siya ka-tagal doon. Basta may naaamoy akong mabango. At nang bumalik siya ay may bitbit na siyang bowl. Hinila niya ang lamesa at itinapat iyon sa akin. Ipinatong niya sa ibabaw nito ang bowl.

Soup.

Nakagat ko ang labi ko dahil gusto ko na namang humagulhol. Ngunit natigilan ako nang yumuko siya sa gawi ko at humalik sa noo ko. "I'm sorry," bulong niya. "Please, kumain ka."

Tapos ay humiwalay na siya sa akin. Dumiretso siya sa silid niya. At nang lumabas siya ay maayos na ang hitsura niya. May dala-dala rin siyang mga damit, ipinatong niya iyon sa sofa na puwesto niya kanina.

Alam ko naman... pamalit ko iyon...

Nang mag-tagpo ang paningin namin ay mas lalong kumirot ang puso ko. Those baby blue eyes... God, bakit kailangan ko pa siyang makilala? Bakit siya pa? Sana hindi nalang. Sana hindi nalang talaga.

"Aalis ako," aniya. "Stay here."

Dumiretso siya sa pinto. At sa huling pagkakaton ay nilingon niya ako. Hanggang sa tuluyan na siyang lumabas. Naiwan akong kasama ang katahimikan.

Tinitigan ko ang pagkain sa harapan ko. Hindi ko iyon ginalaw. Nanatili ako sa puwesto ko. I'm fucked. Hindi ko na yata alam kung ano ang tama. Naguguluhan na ako. Gulong-gulo ang isip ko. Idagdag pa ang puso ko-- ang sakit-sakit!

Si ate Saica... Hindi ko na alam kung sino ang malalapitan ko... siya lang ang alam kong.. alam kong makakapitan ko... pero--- mawawala siya sa akin. Mawawala na siya sa akin.

Wala na akong kahit ano sa buhay. Wala kaming kamag-anak ni ate. Patay na ang papa namin. Ang mama ko, hindi namin alam kung nasaan dahil iniwan kami nito noong bata pa kami. I have nothing. At mas lalo akong mawawalan kapag nawala pa ang kapatid ko.

Si Ginger--- Si Ginger...

Bakit ngayon pa? Ang tagal na namin! Ang tagal-tagal na namin! Pero bakit nagawa niya pa akong gaguhin?! Talaga bang nabuhay lang ako sa mundo para maranasan lahat nang 'to?

Nanghihina man ang mga tuhod ko ay pinilit kong tumayo dahil nanginginig na ako sa lamig. Kahit ayaw ng sistema ko ay napilitan akong kunin ang damit na iniwan ni Grie. Nagpalit ako. Itinupi ko ang basa kong damit at underwear saka itinabi ito sa gilid.

Nang matapos ako ay sa sofa na rin ako umupo. Hanggang sa humiga na ako habang yakap ang sarili ko.

Hindi ko mapigilang umiyak. Na naman. Pero hindi ko na pinigilan ang sarili ko. Umiyak ako nang umiyak. Hindi ko na alam kung anong oras akong nag-simula at kung anong oras din akong tumigil.

Gusto kong magpahinga, but I couldn't sleep.

Hanggang sa nakita ko nalang na may pumapasok na liwanag mula sa naka-sarang bintana. Hindi pa rin bumabalik si Grie, and the hell I fucking care! Wala akong pakialam kung anong mangyari sa kaniya.

Pagkatapos ng ginawa niya sa akin--- pagkatapos niya akong babuyin--- hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya!

At alam kong hinding-hindi na. Hinding-hindi ko na siya mapapatawad hanggang sa mamatay ako.

Hindi nagtagal ay nag-ring ang cellphone kong nakapatong sa basa kong damit. Hindik ko alam kung bakit gumagana pa ito. Kaya naman kinuha ko ang phone ko at binuksan ito para tingnan kung sino ang tumatawag.

Soren.

At ang oras ay alas-otcho na ng umaga.

Kahit nanghihina ay sinagot ko ito at ipinatong sa tapat ng aking tainga.

"H-Hello?" nanlalantang bungad ko.

"Saki?" Si Soren. "Ikaw nga. Good news... sumuko na si kuya. Siya na ang pumunta sa mga pulis."

Napa-pikit ako ng mariin.

"Sila kuya, sila na ang bahala. We'll make sure... na... na hindi siya makakalabas doon." I heard her voice cracked. Mukhang nasasaktan siya sa nangyayari sa kapatid niya.

Naiintindihan ko siya.

Masakit. Sobrang sakit.

Pero nang mag-sink in sa akin ang lahat ng sinabi niya ay para akong nabunutan ng tinik. Hawak ko lamang ang phone ko habang tahimik akong lumuluha.

Hindi ko alam kung masaya ako.

Pero gumaan ng kaunti ang bigat na nararamdaman ko.

_________________________

A/N: Rason kung bakit napaka-tagal ng usad nito? Kasi rapist si Grie. Umpisa palang, alam ko nang hindi maganda ang kalalabasan nito. Heck, I can't write a happy ending for this, haler? Rapist siya, kaya tangina, pakasalan niya ang selda. Sa storya ni Soren, hindi niya lang matanggap sa sarili niya na nagustuhan niyang makipag-sex sa lalaki kasi tombits siya kaya naman "rape" ang tawag niya ro'n kahit hindi naman talaga. Pero kay Saki? Hindi ko kayang isulat POV niya, punyemas.

Ewan ko lang sa ibang author, ah? Iyong mga nagsusulat ng rape tapos magkaka-tuluyan pa sa dulo? Ewan ko lang, ah? Ambot, ah?

Tapos sumabay pa na nakita ko mga posts sa Facebook tungkol sa issue na 'yan. Hindi ko mai-share kasi may frends akong writerist din na nagsu-sulat ng rapist na naka-tuluyan iyong ni-rape nila, eh. Baka awayin ako. Hahahahaha tzarot.

Saka ano iyon? Porke guwapo na may abs na umiigting ang panga, eh, pwede na maging rapist? Ulol hahahahahaha.

# Spreadlove
# Wagniyoakoawayin

I Like PotatoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon