Chapter 24: Mother Figure

360 38 4
                                    

 SAKI

"Just shut up, come on," asik ko kay Soren. "I know you don't like animals, pero wala akong ride ngayon."

Umirap ang asul niyang mga mata. "Kita mo nang inaantok 'yung tao, eh," aniya saka sumimangot. Napangisi nalang ako nang paandarin niya rin naman ang sasakyan. Inistorbo ko ba naman kasi ang tulog niya just to ask her to drive me to a nearby pet shop.

Tahimik na sumilip ako sa labas ng bintana.

It's been... years. And I would be lying if I'll tell everyone that Maximus doesn't ask me everyday about his father. Ni mukha ni Grie ay hindi niya pa nakikita-- unbeknownst to him na kamukhang-kamukha niya ang ama niya. Kahit ang pag-ngiti niya ay kuhang-kuha niya kay Grie. Papasa na silang mag-kambal kung ipagtatabi ang mga pictures nila na parehas sila ng edad.

I don't know. Hindi ko alam kung galit pa rin ba ako sa kaniya sa lahat ng ginawa niya sa akin pero...

"How's Grie?" tanong ko.

Saglit na hindi nagsalita si Soren. Pero kalaunan ay napabuga siya ng hangin. "Ayun, pogi pa rin parang ako. And I fucking hate his cat."

"Why?" agad na tanong ko at kunot-noong nilingon si Soren. "I mean, cats are cute."

"Sungit, parang amo niya," ani Soren saka napasimangot. "But well, kuya's fine. Siya ang nagha-handle ng ibang business nila papa. Boring job, but at least, he's not being a toxic brother anymore. He changed, you know. At nagpa-therapy na siya FOR REAL this time." Napahalakhak siya. "Oh, god, how ironic."

Mahina akong natawa. "Yeah. How ironic."

"Hey, that's the pet shop?" tanong niya kaya naman nabalin ang paningin ko sa labas.

"Yeah, 'yan na 'yun."

Bumaba kami parehas matapos niyang pumarada. At nang makapasok kami sa loob ng shop ay agad na nakita ko ang mga itinitinda nilang supplies at--

Nilapitan ko ang malaking kulungan kung nasaan ang mga rabbit. Hinayaan ko lang si Soren na pinapanood ang mga hamsters na tumatakbo sa wheels--I thought she hates animals? I mean, she's now talking to those hamsters.

Binalik ko ang paningin ko sa mga rabbit na abala sa pag-kain. Maliit akong napangiti-- these rabbits are so cute. I'm actually tempted to get myself one, kaso, may pusa ako. Matanda na rin ang pusa ko kaya mainitin na ang ulo. And well, Tatsu is a murderous freak.

Nag-ikot-ikot ako sa loob ng shop. Bumili ako ng kulungan at supplies para sa rabbit, bumili na rin ako ng catfood ni Tatsu.

Bumalik din ako sa kulungan ng mga rabbits at itinuro ko ang isang rabbit na kanina ko pa napapansin na kain lang nang kain. "I'll take this one, please." May brown siyang kulay sa ibang parte ng katawan n'ya, the rest ay puti na ang kulay.

"Para kanino ba kasi 'yang kuneho?" tanong ni Soren nang makapasok na kaming dalawa sa sasakyan.

"Sa anak ng kapitbahay ko. Kinain kasi ni Tatsu 'yung ulo no'ng kuneho ng bata."

Binuhay niya ang sasakyan at agad na nagmaneho siya. "Oh, you mean the dude?" tanong niya. "That guy na sa tabi niyong bahay? 'Yung may anak na cute din?"

I nodded. "Yeah, that guy."

"Geez, why don't you just fuck him already para naman magka-asawa ka na?"

Asar na nilingon ko siya. "Oh, shut up. 'Wag mo akong itulad sa'yo na iba-iba ang babae."

Napangisi si Soren at saglit na nilinga ako. "Noon 'yun. Loyal na ako ngayon."

Tss.

I know, I know. I shouldn't be saying this-- pero minsan nanghihinayang ako sa ganda ni Soren. She's really, really gorgeous. Idagdag pa ang pagiging rebelde niya na nagco-contribute sa personality niya-- she's hot as hell. At ang swerte ng girlfriend niya.

I Like PotatoesWhere stories live. Discover now