PILYO 1

22K 332 54
                                    

Pilyo man ako at saksakan ng kalokohan ang utak, may prinsipyo naman akong sinusunod pagdating sa lovelife. Kung di niyo natatanong, pamilya kasi kami ng mga Kristiyano kaya - I am a rare catch!

RHINO'S RULE sa LOVELIFE:

1. Hindi umiinom ng alak;

2. Hindii naninigarilyo;

3. Hindi matalak (mas gugustuhin ko ng maging single forever kaysa makasama ang nonstop nagger);

4. First Girlfriend (real hindi acquaintance) must be my Wife;

5. Lastly, I'll remain virgin until I get married.

Oo mukhang impossible lalo na't biniyayaan ako ng good looks. Salamat daw sa namayapa kong Erpats sabi ni Nanay.

Mabalik tayo, Nabuksan ko na ang computer at kasalukuyang maglolog-in sa skype.

Username: sinogwapo

Password : syempreako

Kaunting segundo lang nakita ko na ang poging profile picture ko. Scroll...Scroll..medyo madami akong contacts sa skype eh...scroll...Hayun! Online si Mama tsaka call!

"Hello Anak!" kumaway si Ermats sa screen.

"Hello Ma!" ngumiti ako ngunit agad napangiwi. Masakit talaga yung pisngi ko. Nanlaki naman ang mga mata ni Mama kaya linapit nito ang mukha sa screen.

"Naglagay ka ba ng blush on?" tinaas pa niya ang isang kilay nito.

"Huh?" napanganga ako. Aray! Sumakit ulit.

"Anong nangyari sa mukha mo?" awang-awa ang itsura ni Mama.

"Wala po. Bakit niyo pala ako gustong kausapin?" Inilayo ko na ang topic. Tinatamad kasi akong magpaliwanag.

Umayos ng upo si Mama "Kilala mo si Keandra?" excited na tanong ni Mama. Ang laki nga ng pagkakangiti.

Napatingin ako sa taas. Nagka-memory gap na naman ako. Keandra? Hmmm...Keandra? Hinimas-himas ko ang baba ko. Keandra? Ah! Si Andeng Bansot!

"Si Andeng Bansot!" tinuro ko pa yung screen sabay tawa. "Oo naalala ko naman yung kababata kong iyon. Sila yung dati nating kapitbahay at close family friend ng pamilya natin."

"Oo!" umayos ulit sa pagkakaupo si Mama "Sinabi kasi ng Tita Analyn mo na babalik na sila sa Pinas at bukas nandiyan na sila." excited talaga si Mama, as if naman makikita niya ang mga ito ngayon.

"Ngayon?" nag-pout ako.

Humagikgik si Mama.

"Anong iniisip mong masama Rolinda Silvers!" sumigaw ako napahawak pa nga ako sa monitor, na-ground tuloy ako. Shake shake ng wrist.

"Naalala ko lang kasi na may gusto sa iyo noon si Keandra" kinilig ulit si Mama.

"Syempre gwapo ang anak niyo eh!" chin-up ko.

"Mas gwapo tatay mo!" seryosong buwelta ni mama.

"Kayo talaga Ma, hindi kayo maka-get over sa kagwapuhan ni Erpats. Namayapa na nga eh!" tsk tsk.

"Basta! Mas guwapo tatay mo!" nag-pout ulit si Mama

"Oh ano na ngayon Ma?" naiinip na ako.

"Ligawan mo kaya anak?" ngumisi si Mama.

"Ma! Alam niyo naman yung paninindigan ko kay Lord-" turo sa kisame "na hindi muna ako mag-gigirlfriend hangga't nahanap ko na yung the one!"

"Tumigil ka nga Rhino!" sumimangot si Mama.

"Dapat nga matuwa kayo na wala pa akong nabuntis na sampung babae" pabulong kong himutok.

"Sya sya, bukas pagdating nila Tita Analyn mo eh i-welcome mo sila huh. Let them feel welcome."

"Oo na po! Hindi naman sila titira sa bahay natin kasi may bahay naman sila diyan nga lang sa tabi eh."

"Kahit na!" firm ang pagkakautos ni Mama.

"Sige na po! Kakain na ako! Out na Ma!" panlalambing ko.

"Sige na nga, bukas balitaan mo ako sa Skype huh."

"Oo na!"

"Rhino balita ko pa gumanda pa lalo si Keandra!" hayun eh, may dagdag pa. Ganyan talaga si Mama hindi nauubusan ng sasabihin.

"Sawa na ako sa maganda." monotonous kong sagot

"Tsinita?" napalakas ang pagkakarinig ko nun. Tsinita? Eh mahilig ako sa tsinita. Liningon ko si Mama. Ngumisi naman si Mama.

"Ikaw talagang bata ka masabi lang na tsinita, ginaganahan ka tuloy." Nilibot na kasi ako ni Mama sa Singapore kung saan siya nagtratrabaho at agad nitong napansin na panay ang lingon ko tuwing nakakakita ako ng tsinitang maganda.

"Sige na Ma! Balitaan ko na lang kayo! Bye in five, four, three, two, one!" sabay cut ng call.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now