PILYO 28

7.5K 91 15
                                    

Kukutusan ko na ba ang batang ito? Kanina pa matalim ang titig sa akin huh. Binagsak ko na sa kabilang kama ang bag ko sabay tinanguan si Bugoy.

"Ano bang problema mo sa akin huh?" maangas kong tanong tsaka naman huminga ng malalim ang bata at mukhang madami-dami din ang alburoto nito.

"Basta hindi kayo pwedeng magkatuluyan ni ate dahil inlove ako kay Ate Milo" kinutusan ko na nga "Aray!" reklamo niya

"Ang bata bata mo pa, inlove ka na agad?" singhal ko

"Eh bakit, ikaw nga sinabi mong papakasalan mo si ate nung seven years old ka pa lang" natigilan ako ng kaunti, paano niya nalaman yun?

"Paano mo nalaman yan?" pinanlakihan ko siya ng mata

"Parating pinapanood ni ate kaya yung video na yun, nakakasawa na nga" kinulikot ni Bugoy yung tenga niya. Kung ganun matagal na akong gusto ni Andeng? Natuwa naman ako sa narinig ko nang tumawag si Port at sinabing kailangan ko ng sumama sa lakad namin. Dali-dali kong kinuha yung isa kong backpack at palabas na sana ng kuwarto nang hinarang ako ni Bugoy.

"Saan ka pupunta?" mukhang pinagdududahan ako ng batang ito kung makatingin

"Lakad ng mga matatanda ito" iritado kong sagot

"Baka naman may number two ka, isusumbong kita kay ate" hayun at nawala na ako ng timpi

"Magbihis ka!" utos ko

"Ba-ba-bakit?" gulat niyang tanong

"magdududa-duda ka eh di sumama ka!" singhal ko. Nag-aatubili namang nagpalit si Bugoy at sa huli ay sinama ko nga siya sa lakad namin.

***** 

"Anong ginagawa ng dwendeng yan dito?" reklamo ni Jhax pagkakita pa lang kay Bugoy na pasipol-sipol naman

"Pinagdududahan akong nambababae eh kaya sinama ko na" sagot ko. Tumingkayad si Jhax kay Bugoy at tinitigan siya ng mariin sa mata na parang nagbabanta

"Kung anuman ang makikita mo rito ay atin-atin lang ito. Walang lalabas kundi lagot ka sa akin!" nagbanta na nga ang mokong at mukhang natakot naman ang bata

"Mag-shashabu ba kayo? o di kaya ay may illegal na ginagawa?" mukhang iiyak na ang nagpupumiglas na bata samantalang natatawa naman ako sa dalawang mokong na ito. Binitbit na ni Jhax si Bugoy at hinatak ito papasok sa gusali. Isa itong pangkarinawang restaurant na may di pangkariniwang gawain.

"Magbihis na kayo!" utos agad sa amin ng may-ari pagkakita sa amin kaya naman nagbihis na kami syempre kasali rin si Port hindi lang umiimik.

"Kuya Rhino para saan yang pinggan na pagkadami-dami?" tanong ni Bugoy. Napakamatanong naman nito. Siguro nasa labing limang plato rin ang hawak hawak ko lahat gawa sa babasaging materyales.

"Part-time job namin ito" sagot ko

"Tagabitbit ng pinggan?" hindi na ako sumagot at may lumapit ng customer. Mukhang bouncer ito. Pumulot na siya ng isang pinggan at buong lakas nitong binato sa pader. Ka-prang! Napaigti kaming apat. Hanggang ngayon talaga ay hindi pa ako nasasanay sa part time job kong ito.

"Ku-kuya nagwawala oh...uwi na tayo" nanginginig at pautal-utal na sabi ni Bugoy

"Tumahimik ka nga, hindi yan nag-aamok. Gawain talaga yan sa restaurant na ito" bulong ko kay Bugoy. Pumulot na naman yung lalake at sabay nagmumura pang pinagbabato niya ang mga pinggan. Ito lang naman ang walang kwenta naming part time job.

***** 

"Heto ang bayad niyo sa araw na ito" sabay abot sa amin ng may-ari ng sahod namin

"Akala ko ba may malaki kayong sikreto..." nang-aasar na sambit ni Bugoy nang nakalayo na ang may-ari

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now