PILYO 20

9.4K 117 7
                                    

"Bro kumusta naman yung pagdiskarte mo?" tanong sakin ni Jhax habang naglalakad kami sa hallway

"Okay naman pero naiinip na ako ng kaunti, parang gusto ko ng tanungin kung pwedeng maging kami" pag-aamin ko

"Santong paspasan gusto mo?" napangisi si Jhax. Eh kung sa natatagalan na talaga ako sa pagpapakita lang ng mga hints. Gusto ko sapul! Straight to the point.

"Port!" sigaw ng isang babae sa likod namin kaya napalingon kaming tatlo. Halos tumakbo yung babae at pamilyar yung mukha niya. Si Mina! Para ngang may lalabas na puting usok sa ilong at tenga nito sa galit. Nang nasa harapan na namin siya ay humihingal itong inirapan kaming tatlo.

"Ui sino itong hot girl na ito? Hi! My name is Jhax" sabay lahad ng kamay ni Jhax ngunit hindi man lang ito pinansin ni Mina kundi pinagduduro kami ni Port.

"Aminin niyo...huff huff...kayo ang nag-hack ng mga online accounts ko?" Napakagat ako sa labi ko at pasimpleng tinignan ang reaksyon ni Port. Ayos! Kalmado pa rin siya samantalang halos mabasa na ako ng sarili kong pawis dahil alam kong kami nga ang may gawa nun.

"Bakit naman namin gagawin yun?" seryosong sagot ni Port

"Sino pa ba ang gagawa nun kung hindi ikaw! Portuges MAITIM!" halatadong diniinan ni Mina yung apilyedo ni Port. Yung kalmadong Port kanina ay nakita ko ng nagkuyom ng palad at napakagat na rin sa ibaba ng labi, nagtitimpi.

"Teka teka, parang pamilyar yung mukha mo huh" pampuputol ni Jhax habang turo-turo si Mina. Dahil dun eh pinagmasdan ko rin yung mukha ni Mina. Parang tama nga si Jhax, parang nakita ko na yung mukha ni Mina kung saan man maliban sa bahay nila Andeng. Isip-isip muna.

"Ahuh! Ikaw nga" napapalakpak si Jhax at napatingin kami lahat sa kanya "Port di ba siya yung may picture na nakadikit sa dartboard mo sa bahay niyo?"

"Oo nga! Siya yun" dagdag ko sabay lingon kay Port na halos mamuti na sa takot. Bakit siya matatakot? Ah...Binanggit lang naman namin na yung picture ni Mina yung pinagprapractisan sa darts ni Port. No big deal.

"Portuges..." mabigat ang paghinga ni Mina at dumilim din ang aura sa paligid niya "Huwag kang magpapahuli sa akin kundi patay ka!" sigaw niya pero nakakaripas na ng takbo si Port. Ang bilis nga niya dahil nasa kabilang dulo na siya ng hallway. Tumakbo na rin si Mina at napatawa kami ni Jhax dahil dun kaso biglang tumigil sa pagtakbo si Mina at bumalik sa amin.

"Hindi mo hahabulin si Port?" nakangusong tanong ni Jhax

"May nakalimutan lang ako" singhal ni Mina at walang pakundangang sinipa niya ang mga tuhod namin bago ulit siya tumakbo papunta sa direksyon ni Port.

"Aray!" reklamo naming dalawa habang hawak-hawak ang mga tuhod namin

"Amazona yung babaeng iyon" komento ko habang patalon-talon pa rin kami ni Jhax

"No wonder na halos gustong patayin ni Port yun" dagdag ni Jhax

"Anong ginagawa niyo?" napatigil ako ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Andeng kaya umayos kaagad ako na parang walang nangyari. Fresh na fresh talaga ang itsura ni Andeng, nakakawala ng sakit ng tuhod.

"Good morning Keandra!" bati ko at binigay niya sa akin ang isang plastic container

"Ano ito?" tanong ko

"Blueberry cheesecake, pasasalamat ko sa tulong mo" nakangiting sagot ni Andeng. Naexcite naman ako dahil favorite ko ito.

"Ui cheesecake! pahingi!" nagtangkang hahablutin ni Jhax sa akin yung container pero naiiwas ko kaagad. Narinig ko ngang napatawa si Andeng sa amin.

"Salamat Keandra, syanga pala pwede ba tayong magkita mamaya?"

"Saan?"

"Sa may park na lang siguro mga alas siete pwede ba?"

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now