PILYO SPECIAL 2

9K 110 15
                                    

Nagawa ko na ata ang lahat para lang mapansin ako ng taong gusto ko kaso mas malamig pa siya sa yelo. Nanggaling ata siya sa mga lahi ng eskimo at grabe ang kamanhidan. Nasubukan ko ng mag-cartwheel sa harapan niya, tumulay sa alambre, mag-ala clown, bumuga ng apoy, mag sexy dance, magpa-makeover at kung ano-ano pang kabaliwan ngunit sa huli ay walang reaksyon man lang akong nakikita sa gwapo niyang pagmumukha.

Isang araw, ay kinapalan ko na ang matagal ko ng makapal na pagmumukha at kinomprunta siya.

"Athan, gusto talaga kita!" sigaw ko at napatingin ang lahat sa akin na may halong pandidiri. Ganun ba ako kapangit? Sa huling tingin ko sa salamin eh may itsura naman ako huh, sa salamin ko lang ewan ko sa ibang salamin baka pangit nga ako dun. Nakatitig lang siya sa akin, isang minuto, limang minuto, sampu hanggang isang oras na kaming nakatayo doon at wala pa siyang sinagot sa akin.

"A-athan? gising ka pa ba?" kumaway-kaway ako sa mukha niya at mas lalo niya lang ako tinitigan ng seryoso "Sabi ko gusto kita, mahal kita!" pang-uulit ko

"Ngayon?" di man lang siya naapektuhan? Parang nadurog yung puso ko at hindi ko na napigilang tumulo ang luha sa mga mata ko kaya napatakbo na lang ako palayo at umiyak ng umiyak sa isang sulok. Sa katangahan ko ay napili ko pang umiyak sa tabi ng basurahan.

"Ang baho naman huhuhu" sininghot ko pa ang hangin ngunit wala na akong pakialam kung mabaho man yung pinag-upuan ko. Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko ngayon.

"Bro may umiiyak oh" tinaas ko ang ulo ko at ang tres guapitos pala ang nasa harapan ko. Sikat sila sa school dahil madami silang mga paandar na activity at silang tatlo ay saksakan ng gwapo talaga.

"Tao pala yan?" ngumisi si Rhino, inirapan ko lang sila. Panira sila ng moment eh.

"Ano bang problema mo miss?" tanong nung si Jhax, may pagka-playboy ang itsura niya ngunit balita ko eh saksakan siya ng talino. Hindi ko naman kayang snobin ang kagwapuhan nila kaya kahit nagsisimula ng tumulo yung sipon ko ay sumagot na rin ako

"Yung si-" singhot "Athan kasi" singhot ulit

"Ah yung malakas sa mga chicks na taga engineering department?" magiliw na dugtong nung Jhax

"Kilala mo yun?" bakas ang pagkamangha sa mukha ni Rhino

"Syempre bro, kailangan mo din malaman yung mga possible na maging karibal mo sa babae kaya kilala ko yun" Nakatingin lang ako sa kanilang tatlo, yung isa nilang kasama na kung hindi ako nagkakamali eh Port ang pangalan ay walang pakialam sa mundo at naglalaro lang sa psp niya

"Mabalik ako sa iyo miss, so anong problema mo kay Athan?"

"Kasi-" hindi pa rin ako sigurado kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi

"Malay mo matutulungan ka namin" suhol ulit ni Jhax at parang nadala naman ako sa ngiti niya kaya sinabi ko na rin

"Nagtapat kasi ako kanina at nagawa ko na rin lahat kaso parang balewala lang ako sa kanya" pag-aamin ko, yung tatlo naman ay panay ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa tapos tatango-tango pa sila. Parang nakakainsulto din kung paano ako tignan nung tatlo.

"Ano! sasabihin niyo din na huwag na akong mangarap?!" singhal ko ngunit nagbulungan lang yung tatlo at mukhang seryoso sila sa pinag-uusapan

"Ano bang pinagbubulungan niyo huh" dugtong ko

Tumingin sa akin ng diretso si Jhax at medyo nahiya ako ng kaunti "Ano na nga pangalan mo miss?"

"Sarah" nahihiya kong sagot

"We can be your three fairy god brother at tutulungan ka namin sa lovelife mo" masayang anunsyo niya

"Talaga? Ba-bakit niyo naman ako tutulungan?"

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon