PILYO SPECIAL 1

9.1K 116 9
                                    

Ako si Port at ito ang kuwento ko at ng tinik ng buhay ko

"Ayoko nga sa iyo! Kapag ikaw napangasawa ko eh magiging Maitim na rin apilyedo ko, duhh! that's so gross!" mahabang litanya ni Mina sa panliligaw ko sa kanya. Maganda kasi si Mina, mestisa kaso ubod lang ng arte sa katawan. May itsura naman ako kaso parang may sumpa ang dala kong apilyedo. Parang walang gustong pumatol sakin dahil sa apilyedo ko kaya tinutuon ko na lang sa paglalaro ng computer games hindi pa ako masasaktan.

*****

"Mahuli lang kita Portuges!" sigaw ni Mina habang kinakaway niya ang nakakuyom niyang palad samantalang hindi pa rin ako tumitigil sa pagtakbo.

"Manigas ka!" pabalang kong sagot nang biglang may nakabangga ako. "Sorry, sorry pero kailangan kong tumakbo" ilang beses akong nag-bow at aakmang tatakbo na sana nang hinawakan ako sa braso nung taong nakabanggaan ko.

"Please let go of -" natigilan ako nang makita ko ang maamo at mala-anghel na mukha nung nakabanggaan kong babae. Nakatitig lang siya sa akin at sa di malamang rason ay natameme na rin ako.

"Di ba ikaw si Port? Kaibigan mo si Jhax di ba?" nakangiti niyang tanong sa akin, tumango naman ako

"Hi! I'm Leana his cousin, nice to meet you" nakangiti niyang linahad yung kamay niya. Ang sama talaga ni Jhax at hindi man lang niya sinabi sa amin na may maganda siyang pinsan. Nanginginig man yung kamay ko ay nakipagkamayan na rin ako.

"Portuges!" tatakbo pa sana ako nang makitang malapit na si Mina kaso naabutan na niya ako at agad niyang piningot yung tenga ko.

"Aray! aray! da-han da- aray ko!" halos mapahiga na ako sa sahig sa sakit ng pingot ni Mina

"Excuse me" pampuputol ni Leana kay Mina kaya medyo lumuwag yung pagkakapingot niya sa tenga ko at kinuha ko yung pagkakataon na yun para makawala ng tuluyan at nagtago ako agad sa likod ni Leana.

"And who are you?" nagkibit-balikat si Mina

"I'm just the girlfriend of Port na sinasaktan mo" seryosong pagsisiwalat ni Leana. Nanlaki yung mata ko at pati na rin yung mata ni Mina. Girlfriend ko? Kelan? Halos matameme nga si Mina dahil doon at nakabuka lang yung bibig niya sa pagkagulat. Tinignan ko si Leana at pasikreto siyang kumindat sa akin. Dahil doon alam ko na tinutulungan niya lang ako.

"To-too Port?" tumingin sa akin si Mina at medyo natagalan akong tumango. Sa hindi malamang rason ay parang mas nagalit pa si Mina at maya't maya'y umalis na ng tuluyan.

"Salamat dun Leana huh" pasasalamat ko kay Leana

"No problem pero from what I see that girl likes you" nakangiting sagot ni Leana

"Si mina? binasted nga ako nun noon kaya galit ako doon"

"Ewan ko lang" makahulugan yung ngiti niya "Sige at hahanapin ko pa yung makulit kong pinsan" nagpaalam na si Leana at kumaway naman ako sa kanya.

Kinagabihan ay nagpunta kami sa isang party na sa huli ay nalaman naming gay party pala kaya naman nabugbog kaming tatlo. Paika-ika pa nga ako na pauwi.

"Nandito na ako Ma" bati ko pagpasok ko ng pintuan. Hindi ko na hinintay yung sagot ni Mama at dumiretso na ako sa kuwarto ko. Gaya ng dati pagsara ko pa lang ay hinubad ko na yung shirt ko at yung pantalon ko. Itatapon ko na sana kung saan-saan yung mga damit ko nang napansin kong maayos yung kuwarto ko. Hindi ko tuloy naibato yung mga damit ko.

"Ma! Naglinis ka ba sa kuwarto ko?" sigaw ko kaso hindi sumagot si Mama. Uulitin ko pa sana nang biglang lumabas si Mina sa banyo ko na naka-apron at naka-gloves at may hawak-hawak pang brush at panlinis.

"Aaaaaaaahhh!" napasigaw si Mina habang nagtakip siya ng mga mata. Doon ko lang narealize na nakaboxer shorts lang pala ako kaya dali-dali kong sinuot yung pantalon ko. Nagtatatalon ako habang sinusuot yun at mabilis ko ding binalik yung shirt ko.

"Pwede ka ng tumingin" hingal kong pinaalam kay Mina at dahan-dahan niya namang tinaggal ng isa-isa yung mga daliri niya sa kanyang mata "Ano ba kasing ginagawa mo sa kuwarto ko?"

"Naglinis! hindi mo ba nakikita? Ang dumi kasi ng kuwarto mo at tinanggal ko na rin yung picture ko sa dartboard mo" agad kong liningon yung dartboard at natawa ako nang makitang picture na ni Leana yung nandoon. Paano niya nakuha? Yung ang hindi ko alam.

"Gaya ka pa rin ng dati, mabilis umaksyon" sambit ko habang umupo na ako sa computer ko at binuksan ito. Nagulat ako nang lumapit si Mina at yung ulo niya ay malapit sa balikat ko kaya nararamdaman ko yung hininga niya.

"Ano ba? Lumayo ka nga!" pantataboy ko sa kanya ngunit hindi siya lumayo. Tumayo ako at hinarap siya. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Girlfriend mo ba talaga yung Leana na yun?" naka-pout niyang tanong. Ewan ko ba kung matatawa ako sa itsura niya kasi napaka-childish niyang tignan.

"Bakit nagseselos ka?" ngumisi ako at tumalikod na para harapin ulit yung computer ko "Yes!" malakas na sambit ni Mina kaya napalingon ako bigla

"A-ano?"

"I said I am jealous!"

"Binasted mo nga ako tapos magseselos ka ngayon? Iba ka rin ano" umismid ako dahil malabo din ang babaeng ito

"Binasted nga kita pero hindi ibig sabihin na pwede ka ng manligaw ng iba"

"Anong gusto mo? Maging manong lang ako habang-buhay? katulad ni Rhino?" napakibit-balikat na ako

"Eh kung sabihin ko sa iyo na pwede mo ako ulit ligawan?" natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?

"Talaga?" tanong ko

"Biro lang noh! Asa ka pa! Ayokong maging si Mrs. Maitim! Bleh!" nag-belat pa siya sa akin bago humahagikgik na tumakbo paalis ng kuwarto ko. Naloko na naman ako ng babaeng iyon pero yun naman yung gusto ko sa kanya dahil hindi siya boring kasama at para na rin ako naglalaro ng video games. Hindi ko nga namalayan na tumatawa na lang ako mag-isa sa kuwarto ko pagkatapos nun ay linabas ko ulit yung picture ni Mina at dinikit iyon sa punching bag sabay tumatawang pinagsusuntok iyon.

Hindi ko yun ginagawa dahil galit ako sa kanya, pinagtritripan ko lang kung naaasar ako.

PILYO (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin