PILYO 33

6.7K 97 10
                                    

Agad akong tumakbo papalapit kay Andeng kaso nang makita niyang papalapit ako ay tsaka siya nagsisigaw na para bang takot siya sa akin kaya napahinto ako. Mas lalong nadurog ang aking puso, gusto ko siyang yakapin at sabihin na okay na ang lahat ngunit mukhang pati sa akin ay natatakot siya. Nagsimula ng tumulo ang luha ko habang sinubukan kong unti-unting lumapit sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko na pilit siyang inaabot.

"Keandra si-si Rhino ito" gumaralgal na rin yung boses ko sabay hakbang papalapit kaso nagsisisigaw pa rin si Andeng at napaatras pa ito. Nagsimula na akong humagulgol, tinatawag ko ang kanyang pangalan ngunit tanging iling at paghikbi ang naisagot niya sa akin. Ano bang nangyari kay Andeng? Linibot ko ang aking mata at nakita ko sa di kalayuan si Timothy na nakahalindusay at mukhang walang malay.

"A-anak tatay mo ito" si Tito naman ang nagtangkang lumapit ngunit nagsisisigaw pa rin si Andeng. Doon ko nasiguro na wala ng makilala sa amin si Andeng. Naibunton ko ang galit ko sa walang malay na si hito. Lalapitan ko na sana ito at pagbubuntunan ng galit kahit ito'y walang malay.

"Bro, nakatulog si Timothy" singit ni Jhax hawak-hawak yung spray na binigay ko kay Andeng. Pinunasan ko yung luha ko. Maaring ginamit ito ni Andeng para protektahan ang kanyang sarili.

"Jhax ibato mo sa akin" sigaw ko at binato niya naman sa akin. Mabilis akong tumakbo kay Andeng kahit na nagsisigaw ito at tatakbo pa sana. Pinilit akong pigilan ni Tito Jose ngunit nagawa kong magpumiglas at nang nakalapit na ako ng tuluyan kay Andeng ay tsaka ko ginamit yung spray kaya naman nakatulog na rin si Andeng. Agad ko siyang yinakap pagkatapos, yakap na napakahigpit. Hinaplos ko ang kanyang buhok habang walang malay siyang nakasandal sa aking mga bisig.

"Ano bang ginawa ng lalakeng iyon sa iyo?" tuloy pa rin ang aking pagluha pagkatapos ko siyang akayin. Lumapit na rin sa amin si Tito Jose at buo ng pag-ibig ang pagmumukha niyang inagaw sa akin si Andeng tsaka yinakap siya kasabay ng pagtulo ng luha sa kanyang mga mata.

"Parating na ang mga pulis" singit ni Port na hinawakan ang aking mga braso. Maya't maya nga ay dumating na ang mga pulis at agad na binuhat ang walang malay na si hito. Naiwan sa opisina ng mga pulis sina Port at Jhax para magbigay ng statement samantalang dumiretso kami sa hospital ni Tito Jose. Mabilis din na nagsidatingan sina Tita Analyn kasama ang aking pamilya.

"Anong nangyari sa anak natin Jose?!" humahagulgol na tanong ni Tita Analyn

"Mare" inaaalalayan naman ni Mama si Tita dahil mukhang babagsak na ito at hindi man lang kayang makatayo ng tuwid. Namangha ako kay Tito Jose dahil di tulad ng ibang lalake ay nagsimula na siyang umiyak, hindi niya pinakita na okay lang siya dahil ang nakita ko ay isang nasasaktang ama.

"Kasalukuyan siyang inoobserbahan sa loob at may tsansa raw na-" natigilan si Tito sa sasambitin

"May tsansang ano?!" hikbi ni Tita

"Ma-may tsansang siya'y nagahasa" nagulat din ako sa aking narinig. Lumuwa ang mata ko na nakatitig lang kay Tito Jose. Halos mawala ako sa aking kinatatayuan, ang tanging naramdaman ko ay ang mainit na pagpatak ng aking mga luha. Humagulgol na rin si Tita Analyn ganun na rin sina Mama, Lola at si Ate na hindi na rin naitago ang emosyon. Linapitan ako ni ate at binigyan ng isang mahigpit na yakap, hindi siya nagsalita ngunit alam kong gusto niya lang akong komportahin.

"Rhino, alam kong masakit" bulong niya sa akin "ngunit ngayon ka mas kailangan ni Keandra" hindi ko na rin naitago ang mabigat na aking nararamdaman at humagulgol na ako sa balikat ni ate. Hindi ko matanggap na wala man lang akong nagawa para protektahan si Andeng.

Ilang minuto rin kaming nakatunganga lang sa labas habang hinihintay na lumabas ang doktor at isiwalat sa amin ang kondisyon ni Andeng. Dumating na rin sina Port at Jhax kasama na nila si Mina na O.A man sa pag-iyak at paghagulgol ay hindi ko na nagawang mainis sa kanya.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now