PILYO 4

17K 233 29
                                    

Handa na akong pumunta sa gym para magpaganda ng katawan. Sinuot ko yung favorite kong light brown na sleeveless shirt at red billabong shorts. Paglabas, hayun! nasira kaagad ang umaga ko. Si Apolinario nasa tindahan ni Aling Myrna at kakaway-kaway pa sa akin with matching ng flipping of hair.

"Rhiiiiiiiiiiiii-noooooo!" mahaba at maarteng pagtawag niya sa akin.

Pinilit kong ngumiti tapos nakita ko ang kahoy na humahawak sa window ng store ni Aling Myrna "sana mapatid yung kahoy" bulong ko sa sarili. Patuloy naman sa pagpapacute ang bakla nang sa kagagalaw ay napatid niya nga ang kahoy.

Blag!

Sapul ang window na gawa sa yero at kahoy sa makapal na mukha ni Apolinario.

"Ah-raaaaaayyyy! Ah-ray! ARAY!" sigaw ni Apolinario habang hinahaplos ang noo. Natawa naman ako dahil mabilis na nagkaroon ng bukol ito.

Tinaas ko ang damit ko para takpan ang bibig ko. kinagat ko ang kuwelyo nito para mapigilan pa ang pagtawa ko. Nagkamali pala ako ng sinabi kong sinira ni Apolinario ang araw ko dahil he just made my day! Eh kung araw-araw sana itong nadidisgrasya eh di matutuwa pa ako hahaha.

Pagdating sa gym ay medyo marami ng nagwowork-out. Tango dito tango doon. Ganyan ang paraan ng pagbati, tatango din naman sila sa iyo. Kahit di mo na kakilala tanguan mo lang close na kayo.

Linapag ko na ang bag ko sabay naghubad na at linabas ang manipis kong sando at ginawa lang ang nakasanayang program na tinuro sa akin.

Habang nagbebenchpress ay napatingin ako sa maskuladong todo ang pagrampa sa harapan ng salamin. Kung maka-flex akala mo sasali ng bodybuilding contest pero agad kong napansin ang kakaiba nitong kembot at ang pagpilantik ng kanyang mga daliri.

Bumulong ako sa katabi ko na hindi ko rin kakilala.

"Bro pustahan tayo bading yan" tinaas ko ng isang beses ang isa kong kilay. Linapit niya naman yung mukha niya sa akin at mukhang may ibubulong rin.

"Paano mo nalaman?" maarte nitong sabi. Linakihan ko nga mata ko, bading din ba ito? "bading ka rin ba?" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at may pagkadismaya sa mukha niya.

"Hi-hindi ah!" nauutal kong depensa

"hay! buti na lang type pa naman kita!" malandi nitong sagot

"Huh?!" dahil dun minadali ko ng matapos ang program ko tsaka na ako nagpalit at lumabas.

Grabe talaga ang init ng panahon kulang na lang magprito ka ng itlog sa labas ng bahay. Tapos naalala ko yung nangyari sa loob. Malakas talaga ang dating ko kahit na sa mga bading...tsk tsk I am really hot sabi ko sa isip ko.

Tumango-tango ako tapos napatingin sa paligid, walang tao oh! may masubukan nga " I -am -hot!" medyo malakas na sambit ko at ilang segundo lang humangin. Ui! successful yung experiment ko!

Inulit ko ulit "I am hot!" mas malakas ngayon ang pagkakasigaw ko. Humangin ulit at mas malakas pa ang ihip. Napangiti ako, effective talaga ang magyabang kung gusto mong humangin lalo na kung mainit ang panahon.

Isa pa...isa pa "I AM REALLY REALLY HOT!" sigaw ko nang may biglang bumatok sa akin "Aray! sino ba yan?!" sabay lingon eh si Jhax pala yun.

"Anong kabaliwan na naman ang naisip mo huh?" natatawang tanong nito

"Kung makapagsalita ito parang hindi ka naman baliw, syanga pala bro may bading palang nakakasabayan natin diyan sa loob?" nginuso ko yung sa loob ng gym

"Ngayon mo lang alam?" nakapout si Jhax

"matagal mo ng alam?!" napataas nga boses ko

"Matagal nga, type ka nga ng mga yun kaya nga parati kitang sinasabihan na hinay hinay lang sa paghuhubad sa harap ng lahat. Eh parati mo pa namang gustong ipagmayabang ang katawan mo!"

Napakagat ako sa labi ko sabay kuyom ng palad. Alam na palang pinagpiyepiyestahan na ng mga mata ng bading ang katawan ko ay wala pa itong sinabi sa akin "naku! kung hindi lang kita kaibigan eh ikaw ng pinalapa ko sa kanila!" panggigigil ko

Tumawa lang ito. Sa sobrang badtrip ko eh nagdabog na akong pumunta sa palengke kung saan nakita ko naman si Tita Analyn at si Bug. Nanay at lalakeng kapatid ni Andeng bansot.

Lumapit ako...

"Tita gusto niyong tulungan ko na kayong magbuhat?" nakangiti kong alok. Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Tita sabay irap at di ako pinansin. Akala siguro sa akin ay ibang tao o snatcher.

"Tita! ako po si Rhino! Rhino Silvers anak ni Rolinda!" sigaw ko tapos lumingon siya naman agad. Umaliwalas ang mukha niya.

"Ah ikaw ba yan!" tumango-tango ako

"Ay! Ang gwapo mo na!" pumalakpak pa si Tita sabay hinampas ako ng medyo malakas sa balikat

"Ako pa Tita!" tawa ko naman tapos biglang lumakas ang ihip ng hangin. Ang hangin talaga oh!

"Dahil nag-alok ka na magbuhat pakibuhat na yung isang sako ng bigas na binili ko!" nakangiti si Tita. Ako naman ay napako ang pagkakangiti ko sabay dahan-dahang tinignan ang isang sako ng bigas sa di kalayuan. Tinuro ko ito, tumango naman si Tita.

Buhay nga naman oh! Kung matulungin ka eh aabusuhin ka! Naalala ko tuloy na mahilig mag-utos pala itong si Tita Analyn. Di mo pa nagagawa yung naunang utos niya ay may utos na naman itong dalawa na susunod.

Linapitan ko na yung sako. Buti na lang naggygym ako lately. Huminga ako ng malalim at in the count of three ay binuhat ang sako.

"Uhhhhhh!" I grunt. Medyo palpak ang unang try kasi hindi ko naitaas ang sako. Another try, 1, 2, 3!

Binuhat ko ulit at sa tulong ng paa ko naitaas ko din sa may balikat ko ang sako ng bigas.

"Sa-saan ba yung tricy Ti---------tA!" nahirapan na akong nagsalita dahil sa sobrang bigat ng bigas. Mabilis ngang tumagaktak ang pawis ko. Daig pa nito ang workout ko.

"Ay! wala pa! kukuha pa lang ako! hawakan mo muna babalik ako!" tapos nagmadali na si Tita at naiwan akong parang si Atlas ngunit ang buhat-buhat ay bigas hindi ang mundo.

"heavy right?" parang nang-aasar itong si Bug. Kinagat ko na lang labi ko sa pagtitimpi.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now