PILYO SPECIAL 3

9.2K 89 3
                                    

Minsan hindi ko na alam kung babatukan ko na ba ang kaibigan kong si Rhino. Hayun siya ngayon, nakikipagpatayan para lang makuha ang ribbon para kay Keandra.

"Jhax, alis na tayo" siniksik pa nang kaakbay kong babae papalapit sa akin ang buo niyang katawan. Sasagot na sana ako nang tumunog ang cellphone ko kaya linabas ko muna ito mula sa aking bulsa.

Tumatawag si Babaeng Pinya. Bigla akong kinilabutan at tinulak palayo kaagad ang kaakbay kong babae sabay lumingon-lingon sa paligid.

"Ano ba?" malandi at asar na tanong nung babae ngunit hindi ko na nagawang pansinin siya. Ninenerbiyos kong sinagot yung tawag.

"Masarap ba ang may kayakap?" nasa tono niya ang pagka-sarkastiko. Hindi na ako nakasagot dahil agad niyang pinatay yung tawag. Paano niyang nalaman na may kayakap ako? Lalapitan ulit sana ako nung babae kaso tumakbo na ako at pilit na hinanap kung nasa venue din ng kasal si babaeng pinya. Daig niya talaga ang pinya na halos na lahat ng ginagawa ko ay alam niya kaya hindi tuloy ako makapagloko. Nalibot ko na ata ang buong lugar kaso hindi ko talaga siya mahanap.

***** 

Ilang araw ang nakalipas, at nasa laboratoryo na ako at kasalukuyang abala sa pag-eeksperimento nang bigla kong narinig na bumukas ang pinto.

"Hindi ako gutom ma" sambit ko na hindi tumitingin sa may pintuan

"You look sexy with that lab gown" pamilyar sa akin yung sexy na boses na iyon. Paano siya nakapasok sa bahay? Lumingon ako sa pintuan at si babaeng pinya nga! Nakita ko pang sinara niya ang pintuan tsaka ako kinindatan. Biglang naramdaman ko tuloy na nag-init ang paligid na parang nauuhaw ba ako kaya napalunok na lang ako.

"Le-leana, pa-paano ka nakapasok?" pautal-utal na tanong ko. Hindi niya ako sinagot kundi lumibot lang siya sa paligid at nang nakuntento na ata siya sa mga nakita ay tsaka niya tinanggal ang jacket na suot niya. Nakasuot na lang siya ngayon ng puting sando kung saan maaaninag mo ang panloob na suot niya. Napalunok na naman ako. Malagkit niya akong tinignan at dahan-dahan siyang lumapit sa akin at sa nerbiyos ko ay naihulog ko ang hawak-hawak kong test tube.

"Nakilala ko pala yung kaibigan mong si Port" bulong niya sa tenga ko "He's cute, but I like your face better" sabay hinaplos niya ang pisngi ko at pinunas ng hinlalaki niya ang labi ko. Para akong nakuryente sa kanyang ginawa.

"A-anong sinabi mo kay Port?"

Tinalikuran niya ako "Nagpakilala akong pinsan mo kaya huwag kang mag-alala, our secret is still a secret" nginitian niya ako, yung ngiting ginawa akong baliw para sa kanya. Si Leana ay ang nag-iisa kong girlfriend ngunit isa siya sa mga babaeng hindi ko kayang kontrolin lalo na't may pagka-playgirl siya tapos kung makapagbantay naman sa akin ay daig pa ang paparazzi.

"Ku-kung ganon, bakit ka pumunta dito?"

"Tinatanong pa ba yan? I want to see your handsome face" tanga na kung tanga pero nadadala talaga ako sa mga pambobola ng babaeng ito kaya di ko naiwasang mapangiti na rin.

"Pero syempre mas gwapo sa iyo si Leon, si Thomas at si Trex" seryosong pang-aasar niya

"Sino-sino yung mga yun!" singhal ko

"Mga nakilala ko this week, they are really hot!"

"Hot mo sarili mo!" asar na bulyaw ko. Sunod kong naramdaman ang pagdampi ng labi niya sa pisngi ko at para akong dinala nito sa langit. Nakakatulala.

"You want more?" seductive na tanong ni Leana, Tumango-tango naman ako na parang asong ulol nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama na may dalang meryenda. Liningon ko kaagad si Leana at mabilis na nakapagtago na siya sa ilalim ng table sa bandang harapan ko.

"Ma?!" halos pumiyok yung boses ko, napakunot ng noo si Mama.

"Bakit parang nagulat ka Jhax?" pinilit ko lang ngumiti "Siya ito meryenda mo" sabay lapag ni Mama ng tray sa mesa nang may naramdaman akong kamay na humawak sa hita ko. Napatalon ako dahil doon at pasikretong sumilip sa ilalim ng mesa. Walang ingay na humahagikgik si Leana.

"What's wrong hijo? May daga ba sa ilalim ng table mo?" sisilipin na sana ni Mama yung table nang mabilis ko siyang linapitan at inalalayan palapit sa pintuan.

"Na-excite lang ako sa meryenda ma, kakainin ko na siya kaya huwag ka ng mag-alala" nakita ko pang liningon ulit ni Mama yung table kaya dali-dali kong binuksan yung pintuan at tinulak na siyang palabas. "Thank you ma!" sigaw ko bago ako napasandal sa pintuan.

"You're funny" nakalabas na sa ilalim ng mesa si Leana na ngayoy humagikgik na ng tuluyan

"Papatayin mo ako sa highblood nito"

"But that what makes you attractive" pambawi agad ni Leana na lumalapit na naman sa akin. Napako na ako sa kinatatayuan ko dahil tinititigan na naman ako ng malagkit ni Leana. Nang makalapit na siya sa akin ay tsaka niya linapit ang mukha niya sa akin. Halos magkalapit na ang mga labi namin at naaamoy ko ang matamis niyang pabango. Ang mga labi niya na nakakabaliw ay parang tinutukso ako na dakmain na lang siya at hindi ko na nga napigilan ang sarili ko na ilapit ang mukha ko sa kanya kaso pinigilan niya ako gamit ang palad niya.

"Nah-uh" nakataas ang kilay niya na tinignan ako

"Ano?" reklamo ko "Bahala ka! Break na tayo!"

"Eh di break" mabilis niyang sagot

"Huh?" this girl is making me crazy! Yung iba nga halos mabaliw na sa akin tapos pagdating sa kanya ako talaga ang naghahabol?

"Ano game?" pangsusuhol pa niya

"Te-teka lang" hinawakan ko yung kamay niya "nagbibiro lang ako" panunuyo ko

"Yun pala eh, pag ayaw mo ng break up dapat sundin mo ako palagi" tumango naman ako

"Tsaka walang nakikipaglandian sa iba" pambabanta niya

"Teka ikaw nga yung nakikipaglandian eh" tinignan niya lang ako ng matalim "Oo na, hindi na ako makikipaglandian"

"Good, that's my boy" tsaka niya ginulo yung buhok ko at mabilis na hinalikan ako sa labi kaya natulala na naman ako. Yun yung first kiss namin! Matagal na kaming mag-on pero ngayon lang niya ako hinalikan. Natuwa naman ako dahil akala ko ay matutulad na ako sa mga hopeless romantic na kaibigan ko. Ngayon ay masasabi ko ng, I am the King of the world!

"I-isa pa!" eh kung gusto ko pa, umiling si Leana

"Sige na" pampipilit ko

"Gusto mo ng break?" napakagat ako sa labi ko

"Sabi ko nga okay na yung isa" ngumiti na naman siya. Pagkatapos nun ay pinulot na niya ang kanyang jacket tsaka binuksan ang aking bintana at doon na siya lumabas. Alam ko, she's really different, more like a wild maiden pero yun yung nagustuhan ko sa kanya. Hindi siya mahinhin pero malakas ang personality niya. Hindi niya ako kailangan parati sa tabi niya kaya naman mas gugustuhin kong parating nasa tabi niya. Isa siya sa mga rason kung bakit hanggang ngayon ay hindi ko pa tinatanggap ang imbitasyon ng pag-aaral sa ibang bansa.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now