PILYO 9

12.6K 154 9
                                    

Fashion Monday!

"Kuya tapos ka na bang magbihis!" sigaw ni Rina sa may pintuan ko habang inaayos ko ang buhok ko. Tumingin ako ulit sa salamin at kuntento naman ako sa japorms ko. Bagong bili ko lang ng kulay green na plaid longsleeve shirt na tinupi ko hanggang sa may siko. Samantalang nagsuot ako ng faded na jeans tapos ilang accessories tulad ng necklace at ang bigay ni Mama na swatch na relo and I am done for my Monday Fashion get up! Parte pa rin ito ng activity naming magkakaibigan. Kailangan naming maging maporma pag monday kung sino ang mas maganda ang ayos siya ang may pagkakataon na humingi ng favor sa natalo syempre si Jhax na naman nakaisip ng rules niyan.

Ilang huling tingin pa sa salamin sabay kinindatan ko sarili ko at lamabas na ako ng kuwarto. Sinalubong naman ako ng flash ng camera. Napasangga ako sa nakakasilaw na ilaw.

"Wow! kuya gwapo mo ngayon!" pagmamangha ni Rina. Nakaabang din si Lola at ang dalawa ko pang pinsan. Actually every monday yan. Inaabangan nila kung ano ang bago kong japorms.

"O sya sya nakita na natin ang suot ng kuya niyo...balik na sa ating mga gawain" at nagsialisan na silang lahat maliban kay Rina.

"O ba't hindi ka pa naliligo?"

"Kuya may alam ako tungkol sa iyo" pabulong niyang sinabi. Medyo kinabahan naman ako ng konti kasi alam kong malakas ang radar ng batang ito. Malapit na yang maging permanent resident kasi sa kabilang-kabilang kanto.

"A-anong alam mo?" lumapit ako na bumulong din.

"Nakita ko yung picture na tinatago ni Ate Keandra sa kuwarto mo" may kislap sa mga mata nito. Mas naging interesado naman ako ng marinig na si Keandra nga nagtago ng picture ko.

"So si Keandra talaga nagtago nito?" nanlaki ang mga mata ko

"Hindi!" nag-pout si Rina

"Ang gulo mo rin huh!" binatukan ko nga. Magulong kausap eh

"Basta ang alam ko si Tita Analyn nagsulat niyan tapos binigay niya kay Ate Keandra para asarin siya." panlilinaw naman ni Rina

So ibig sabihin wala talagang gusto sa akin si Andeng. Hmmm...Nakaramdam ako ng kaunting panghihinayang pero mas okay na rin siguro yun. 

"Syanga pala Rina bakit mo ba parati akong kinukuhanan ng picture huh?" tanong ko since na-curious na rin ako.

"Business kuya!" ang laki ng pagkakangiti nito.

"So binebenta mo sa mga nagkakagusto sa akin na mga babae yung litrato ko?" Iba na talaga pag gwapo.

"Oo at hindi!" Binatukan ko na naman. Magulo talaga eh.

"Ano ba kuya!" naasar naman na ito habang hinaplos-haplos niya ang ulo "Oo binebenta ko! Pero hindi sa mga babae!" pabalang nitong sagot

"Eh kanino?" napakunot ako. Eh kung hindi si mga babae eh kanino?

"Kay Apolinario! 500 nga isang picture eh"

"Ano?!" kailangang maturuan ito ng leksyon kaso kumaripas na ito sa pagtakbo. Kaya siguro ako nakakaramdam kalimitan ng di magandang pakiramdam dahil hinahalikan na siguro ni Apolinario ang litrato ko! Eeeewww! Para tuloy akong masusuka. Tsaka naman ako nakareceive ng text kay Jhax, dalian ko daw.

*****

Nagmadali nga akong pumunta sa school at hanep ang porma ni Jhax naka coat and tie ito at mas lalo naman si Port na naka-cosplay. May dala-dala itong sword at ginaya ang costume ng mga shinigami sa anime na Bleach. Iiling-iling ako na pinipigilan ang sarili na tumawa habang papalapit ako sa dalawang mokong na ito. Naka set-up na rin ang board kung saan magdidikit ng mga stars ang mga gustong bumotong istudyante kung sino sa aming tatlo ang pinakamaporma.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now