PILYO 8

13.3K 178 15
                                    

God's Sunday!

Sama-sama kaming nagpunta ng pamilya ko at ang pamilya nila Tita Analyn para magsimba.

"Isipin niyo lahat ng ginawa sa inyo ng Diyos at pasalamatan siya" sabi ni Pastor. Napapikit naman ako tsaka ko napaiyak. Eh mababaw lang talaga luha ko at oo umiiyak ako.

"Salamat Lord" mahinang sabi ko nang dinilat ko ang mata ko ay nakatitig si Andeng sa akin na katabi ko sa upuan. Mukhang hindi ito makapaniwala na nakita akong nagdadasal ng taimtim.

"Bakit?" tanong ko habang suminghot pa ako at pinunasan ko ang luha ko sa pisngi.

"Am I dreaming?!" umismid pa ito halatang hindi nga naniniwala. Inirapan ko nga. Pilyo nga ako pero malapit naman ako sa Diyos kaya nga may prinsipyo ako sa lovelife eh. Di ko na lang siya pinansin at pumikit na lang ako sabay nagdasal ngunit ngayon linakasan ko na.

"Panginoon! Pinapatawad ko na po yung mga taong hindi naniniwala na seryoso ako sa pagdadasal!" binuksan ko na ang mata ko at si Andeng eh sobra ang lukot ang mukha. Nakapameywang pa nga bago nag smirk. Buti nga sa iyo!

Pagkatapos ng misa ay nagawa na naman akong utusan ni Tita na samahan ko daw si Andeng sa palengke para bumili ng ice cream. Di na ako pumalag lalo na nung narinig ko yung malamig na salitang ice cream.

"Hindi ba tayo papara ng sasakyan?" tanong ni Andeng. Pagurin ko kaya ito? Lumingon ako at binigyan siya ng pekeng ngiti.

"Malapit lang ang palengke dito ilang kanto lang. tsk tsk Tumira lang ng ilang taon sa ibang bansa eh hindi na alam maglakad?" sinigurado kong maririnig niya ang komento ko. Naglakad na ako at palihim na sinilip kung sumunod ito. Nakita ko pa nga kinuyom nito ang palad at mukhang may balak pa akong batukan ngunit di nito tinuloy tsaka siya sumunod sa akin. Hayun ang kawawang bansot nakasimangot na naglalakad.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad ay nakarating na din kami sa mataong palengke. Liningon ko kung nakasunod pa rin sa akin si Andeng at himalang nakasurvive ito. Nakita kong minasamasahe nito ang mga legs niya halatadong hindi sanay maglakad. Tatawid na sana ako nang may kumalabit sa akin. Lumingo-lingon ako sa paligid wala naman akong nakita.

"Palimos po" nagmamakaawa yung boses at napayuko ako sa gusgusing bata na punong puno ng grasa ang mukha. Napangisi ako. Kinalabit ulit niya ako sabay lahad ng palad niya. Kinalabit ko nga din. Nagtaka naman yung bata. Kinalabit niya ulit ako, eh di kinalabit ko din. Bakit mga namamalimos lang ba ang pwedeng mangalabit.

"Humihingi ng limos yang bata!" asar na putol ni Andeng. Inirapan niya ako sabay linipat niya yung tingin sa bata at naawa naman ito sa kanya.

"Pasensya ka na sa lalakeng iyan. Madasalin nga hindi naman alam tumulong sa mahirap" sarkastikong sabi ni Andeng na alam ko naman na ako yung pinaparinggan. Nagpantig nga yung tenga ko.

"Bata saan ka ba nagsusuot at puno ng grasa ang mukha mo?" sarkastikong tanong ko sa bata

"Ano ka ba!" sigaw ni Andeng

"Halatado naman kasi na siya lang naglagay sa mukha niya ng grasa. Tignan mo yung daliri niya may grasa!" tinuro ko yung daliri niya at agad naman nitong tinago sa likod ang mga kamay. I smirk.

"Don't you have a heart?!" kumunot ang noo ni Andeng at halatang dismayado ito sa akin. Mapakita nga sa kanya kung ano yung sinasabi ko. Lumapit ako sa bata sabay lumuhod. Hinawakan ko ang magkabilang balikat nito.

"Bata, astig ni Nyx Assassin sa DOTA noh?" ngumiti ako at linagyan ko ng excitement yung mukha ko.

"Mas magaling si Pudge!" nagniningning na sagot naman ng bata.

"Ahuh! Adik ka sa DOTA noh?!" napasingkit ang mata ko. Napakamot naman sa ulo ang napahiyang bata bago siya umalis na iiling -iling.

"See?" ngumisi ako kay Andeng pero iiling-iling pa rin ito "Pag binigyan mo yan ng pera didiretso yan sa Computer shop at maaadik lang sa DOTA!" pangangaral ko kay Andeng.

Galit talaga si Andeng at tumawid na. Naiwan naman ako. Oo hindi ko nga binigyan ng pera yung bata pero hindi naman bato ang puso ko. Hinintay ko talaga na umalis si Andeng bago ako bumili ng banana cue at palamig tsaka ko hinanap yung bata. Hayun, nangangalabit na naman ng isang Ale na hindi man lang siya pinapansin kundi hinawi pa nito ng pagalit ang kamay ng bata. Nang lumingon ang bata ay tsaka naman siya sumimangot. Nginitian ko nga sabay lapit.

"Ano?!" galit na bungad sa akin nung bata "Panira ka naman sa raket ko!" kakamot kamot ulit ito sa ulo. Binatukan ko nga.

"Aray!" sabay inirapan ako nung bata.

"Heto!" sabay alok sa bata nung banana cue at palamig. Kumunot ang noo nung bata na nakatingin lang sa mga hawak hawak kong meryenda bago niya tinuro yung sarili niya.

"Oo para sa iyo yan!" pangungulit ko at dali-dali niyang kinuha yung binibigay ko "Thank you kuya!" ang laki ng pagkakangiti nito at kumagat na ito ng pagkalaki-laki sa banana cue.

"Eh kung sa pagkain mo kasi binibili yung pera mo!" binatukan ko ulit. Inirapan lang ako nung bata at pinagpatuloy niya yung pagkain. "Geh lamon lang" sabi ko dito bago ako tumayo nagulat na lang ako nang nasa harapan ko na pala si Andeng.

"Whoa!" nagkibit balikat lang si Andeng sabay tumingin ito sa batang kumakain at parang ngumiti ito "Bakit ba pasulpot sulpot ka na lang!" sigaw ko dito habang minamasahe yung dibdib ko. Para kasing mahuhulog yung puso ko sa gulat.

"Nandito ka lang pala and I see you really have a good heart" ngumisi ito habang tinignan niya ulit yung bata. Ako pa! Syempre mabait ako, pilyo nga lang pero mabait!

"Bata kain ka lang huh at hihiramin ko lang ang kuyang ito" hinawakan ako sa braso ni Andeng. Aba kung makahawak parang may ibig sabihin.

"Sige po Miss Ganda!" ang laki kung makangiti ang batang ito huh. At miss Ganda daw?

"Hoy! bata ka pa lang eh alam mo ng lumandi?!" bulyaw ko sa bat

"Bakit girlfriend mo ba siya?" buwelta nung bata. Tumawa lang ako at agad namang binatukan ako ni Andeng. Inirapan ko ulit pero tumalikod lang ito at pinagpatuloy ang paglalakad. Anong problema nun? 

Pagkatapos nun ay di na kami nagpansinan ni Andeng habang bumibili ng ice cream at dahil hindi ko na rin siya kayang biruin na maglakad ulit pauwi ay sumakay na kami ng tricycle at wala din siyang kaimik-imik. Boring pala pag ganun?

Pagbaba sa tricy ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hindi magsalita.

"Andeng tapatin mo nga ako" pasimula ko at nagkibit-balikat pa ako. Liningon naman ako ni Andeng

"May gusto ka ba sa akin?" tanong ko at napansin kong namula si Andeng at tila nangingig ang mga labi nito na hindi makapagsalita. Tama nga ba ang hinala ko?

"Hi-hindi noh! may mataas akong standards!" nauutal na sigaw nito

"At mas lalo ako!" buwelta ko sabay enumerate ng mga qualities na gusto ko sa babae "Gusto ko ng singkit, maganda, may mahabang buhok, seksi, di umiinom, di naninigarilyo, hindi nagger, matalino, may takot sa Diyos at yung hindi malandi!" hindi ako huminga hanggat hindi ko natapos yung mga hinahanap ko sa babae.

 Kumukurap-kurap lang pagkatapos si Andeng. Parang natulala sa pinagsasabi ko.

"Is-is that me?" tinuro nito ang sarili niya. Anong pinagsasabi nito. Singkit ka ba? tinignan ko mata niya, singkit nga. Mahaba ba ang buhok niya? Mahaba nga. Maganda ba siya? May itsura naman. Seksi? Napalunok na ako kasi habang ineenumerate ko sa utak ko yung criteria ko eh mas dumadami yung check ni Andeng. Ni hindi ko nga ito nakitang uminom ng alak at manigarilyo lalo naman ang lumandi ito katulad ng mga ibang babae na parang hindi nakakita ng lalake sa tanang ng buhay nila. Salamat na lang sa mga bakla at dahil sa kanila malapit ng ma-extinct ang lahi ng mga lalake siguro ganun na lang makapag-celebrate ang ilang mga babae kapag alam na straight ka.

Naramdaman ko namang nag-init din ang pisngi ko. Nag-blush ako? No! Never! Dahil hindi ko ulit alam ang gagawin ay naglakad na ako papunta sa bahay nila Andeng at naiwan sa may gate si Andeng, tulala pa rin. Kung makikita siguro ito ng mama ko at ni Tita Analyn ay todo ang selebrasyon ng mga ito ngayon. Para ngang naiimagine kong ang kinikilig na ngiti ni Mama. Hindi pwede! Hindi pwede!

PILYO (COMPLETED)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz