PILYO 6

15.4K 203 31
                                    

"Kuya eto oh!" sabay abot sakin ni Rina ang isang picture. Mga nakailang photo album na rin ako ngunit wala pa akong nahanap na nakakahiyang picture ng Andeng Bansot na yun. Hinablot ko kay Rina yung picture.

Nakasuot ng pink tutu si Andeng at naka-ballerina shoes pa.

"Hindi pwede ito! Dapat yung pangit siya!" binato ko ulit kay Rina yung picture sabay marahas kong inilipat yung pahina ng photo album.

Wala ba yung pangit na picture niya? Yun bang tumutulo yung mala-kremang likido sa ilong niya o yung natanggalan siya ng front teeth?

"Ano bang hinahanap mo kasi Apo?" nagkibit-balikat si Lola

"Yung nakakatawang picture ni Andeng Bansot!" naasar kong sagot sabay lagapak ng photo album.

"Ah yun ba!" parang may alam tong si Lola tapos bigla siyang tumalikod papunta sa kuwarto niya at ilang saglit lang ay nagbalik na at may hawak-hawak na siyang litrato.

"Eto oh Apo!" nakangiti niyang sabi. Agad ko namang kinuha sa kanya yung litrato habang nakalawit yung dila ko. Heto na, heto na!

Pagtingin ko sa Litrato...

"Di pwede ito!" sigaw ko

"Bakit apo? nakakatawa naman yan!" humagikgik pa si Lola at kinikilig

"Sabi ko yung nakakatawang picture ni Andeng eh kasali ako dito" paano ba naman yung binigay ni Lola na picture eh yung umiiyak ako tapos hinalikan ako ni Andeng sa may pisngi. Hindi ko pwedeng ipost yan sa FB kasi mas lalong kikiligin si Mama.

"Ganun ba?" aakmang kukunin na sana ni Lola yung picture nang nagbago ang isip ko. 

"Itatago ko muna ito" tinago ko yung picture sa palad ko. Malay mo magagamit ko itong picture na ito sa future.

*****

TGIF!

Humihikab-hikab na naman akong lumabas ng kuwarto nang nasa salas na naman namin si Andeng Bansot at nakadala pa ito. Nagkibit-balikat ako tapos kumunot ang noo ko. Masama din naman yung tingin niya sa akin. Ganun lang kami, kung sino ang iiwas ng tingin siya ang talo.

Aba! ayaw magpatalo!

"Apo!" hinawakan ni Lola ang balikat ko tsaka naman niya binigay sa akin ang baso ng kape "Samahan mo nga si Keandra mag-enroll sa school niyo"

"Ano? mag-aaral siya sa school ko?" nakita kong may tumalsik na dalawang maliliit na butil ng laway. Tumango naman si Lola sabay alis, halatang kinikilig ito. Mga matatanda nga naman so old fashion. Halata namang gusto nilang maging kami ni Andeng.

Linapitan ko si Andeng syempre hubad pa rin ako at naka boxer shorts lang. Nakita kong tumingin siya sa may bandang tiyan ko. tsk tsk

"Matutunaw ang abs ko!" 

"As if meron ka naman?" sumimangot ito

Tumingin ako sa tiyan ko, kahit papaano may shape din tiyan ko. Napakagat ako sa labi ko. Ganun pala huh. Umupo ako sa tabi niya hawak-hawak yung kape. Umatras naman ito papunta sa gilid ng sofa.

Evil smile! Patay ka sa akin.

Linapitan ko pa siya, sumingkit mata ko na parang nagseseduce sabay inom sa kape then pinaikot ko ang dila ko sa labi ko ng dahan-dahan. Wet lips ika nga.

Umatras pa rin siya tsaka ko naman liniyad pa papalapit yung mukha ko sa kanya tapos pinapout ko pa yung lips ko.

Nang biglang hinawakan niya mukha ko. Nanlaki mata ko at ninerbiyos ako aakma pa itong ikiss ako. Tinulak ko nga siya at dahil dun natapon ang kape sa hot body ko.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now