PILYO 22

9K 97 5
                                    

"Kuya takutin natin yung mga babae" suhestiyon ni Pacquiao habang kinukumutan ko siya

"Hindi pwede, matulog na kayo at kapag nalaman ni Ma'am Lucy yan, tiyak magagalit siya sa atin" mukhang nadismaya si Pacquaio sa sinabi ko. Pero kung tutuusin mukhang masaya yung naisip ni Pacquiao. Napag-isip tuloy ako. Ano kaya kung takutin ko sila Andeng? Sa ganong paraan para na rin akong nakabawi sa kanya. Tumingin ako sa mga boys at tulog na sila. Nagdadalawang isip pa ako nung una pero maya't maya ay naghanap na ako ng pulbos at pinuno ang mukha ko nito tsaka ginulo yung buhok ko tulad nung mga baliw na nakikita ko sa palengke. Sumilip ako sa labas at mukhang nasa kuwarto na sila Andeng. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kinaroroonan nila. Patay na ang ilaw at buti na lang nakabukas pa yung pintuan. Para akong isang magnanakaw na pumasok sa kuwarto nila at ang destinasyon ko ay ang kasalukuyang nakakumot sa isang higaan.

Dinig na dinig ko ang excitement sa aking puso habang linalapit ko ang kamay ko sa laylayan ng kumot. Tatanggalin ko na sana ang kumot nang biglang bumukas ang pinto ng c.r at laking gulat ko nang may lumabas na babaeng puting-puti ang mukha.

"Wahhhhhh!" napasigaw ako sa takot at napaupo sa kinaroroonan ko

"kyaaaaa!" sigaw din nung babae pagkatapos ay bumangon yung nasa higaan at puting-puti din yung mukha niya. Mas nakakatakot pa ang itsura niya, mahaba yung baba niya at nanlilisik yung mga mata niya na nakatingin sa akin.

"Multo!" sigaw nang nakakumot na babae nang biglang may bumukas ng ilaw at nakita ko si Andeng sa may pintuan na gulat na gulat at pinalipat-lipat ang tingin sa aming tatlo. Si Mina pala yung kakalabas sa c.r at si Loyola naman yung nakahiga at nakasuot sila ng facial mask.

"Rhino? Anong ginagawa mo dito?" naguguluhan na tanong ni Andeng

"Ah-eh naglakad siguro ako habang tulog" palusot ko

"Na ganyan ang itsura mo?" bakas ang pagdududa sa tinig ni Loyola. Kontrabida talaga yan sa buhay ko kahit nung bagong volounteer pa ako sa orphanage. Parati na lang niyan ako binabara lalo na't parati ko rin siyang napapagtripan. Saktong sakto kasi pangalan niya na Loyola sa haba ng baba niya ganun din kalayo ng Loyola sa amin.

"Tumingin ka nga sa salamin at ng makita mo itsura mo" buwelta ko kay Loyola at nadinig ko siyang bumuntong hininga. Mukhang gusto pa akong sapakin.

"Don't tell me you are trying to scare us?" sulpot ni Mina. Medyo hindi pa ako nakarecover sa takot na dinulot sa akin ng mga naka-facial mask na mga babae at kinikilabutan pa rin ako pag napapatingin sa kanila.

"Ako? mananakot? Hindi ah!" tinaasan lang ako ng kilay ni Mina.

"Ano nga bang ginagawa mo talaga dito Rhino?" dagdag pa ni Andeng. Feeling ko tuloy isa akong kriminal na nahuli sa gitna ng krimen. Dahil wala na akong ibang maisip na palusot ay dali-dali akong tumayo at tumakbo palabas kaso sinundan pala ako ni Andeng.

"Rhino! Mag-usap tayo" liningon ko si Andeng at seryoso ang itsura niya

"Anong pag-uusapan natin?" sinimangutan ko siya

"Tungkol sa nangyari sa park" mahinang sagot niya. Ipapamukha ba na naman niya na basted talaga ako?

"Hindi mo na kailangan na ipaalala sa akin na binasted mo ako" tunog bitter kong sagot

"Huh?" huh? yun lang sagot niya?

"Maiwan na kita" tumalikod na ako kaso nahawakan na ni Andeng yung braso ko at kinaladkad na niya ako papunta sa labas ng orphanage hanggang sa makarating kami sa may duyan. Nagulat ako at malakas din pala si Andeng.

"Upo!" utos ni Andeng at ewan ba na napasunod niya agad ako. Parang nakikita ko tuloy ang sarili ko na magiging under de saya kay Andeng sakaling maging kami. Nakatitig lang ako sa kanya at parang nagulat naman siya na napasunod niya ako. Umiling siya sabay bumuntong hininga bago nagsalita.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon