PILYO 17

10.2K 130 9
                                    

Pinagpilitan ko talaga na makapasok ako habang panay ang lingon ko sa paligid. Pilit na minumukhaan ang lahat ng taong lumalabas ngunit sadyang walang bakas ng Andeng o nung lumpiang hito. Kaya naman parang tambol na ang tibok ng aking puso na may halong pagkatakot na baka may nangyari na ngang masama sa kanila. Hindi ko na pinansin ang sakit ng katawan ko dahil ang tanging nasa isip ko ay ang makita si Andeng. Nang sa wakas ay nakapasok na rin ako, pagod man ay agad kong hinanap si Andeng at salamat naman sa Diyos at sila ay nakatayo sa kanilang upuan habang nakatingin sa kung saan. Tumakbo ako papalapit at agad hinatak si Andeng palabas ngunit parang ayaw naman nitong sumunod. Ano bang problema ng babaeng ito? Mamatay na nga, ayaw pang magpaligtas.

"Kailangan na nating umalis dito!" bulyaw ko at hinatak ko siya ulit ngunit hinawakan ni hito yung isa pa niyang braso. Pinandilatan ko nga siya. "Ano bang problema niyo? Gusto niyo bang magpakamatay?" napakunot na ang noo ko. Nakatitig lang naman sa akin si Andeng ngunit wala siyang sinasabi. Si hito naman ay matalim din ang pagkakatingin sa akin na para bang nanghahamon.

"Eh kung gusto niyo palang magpakamatay di sana hindi na lang ako nagsayang ng oras para balikan kayo" kaasar talaga, nagmukha lang akong tanga. Inalis ko na ang pagkakahawak ko kay Andeng at aakmang aalis na sana nang may tinuro si Andeng sa bandang harapan. Sinundan ko ng tingin yung tinuro niya at may isang lalakeng pinosasan nung guwardiya ng sinehan na may kasamang mga mangilan-ngilan na lalakeng empleyado ng sinehan.

"Anong nangyayari dun?" naguguluhan na ako

"Nagpaputok kasi ng labentador yung lalakeng iyon kaya napagkamalan ng mga tao na may pumutok" sagot ni hito at natiklo ko pang ngumisi ito na para talagang nang-aasar

"Kung-kung ganon?" tinignan ko sa mata si Andeng habang naghihintay ako ng isasagot niya

"Walang pumutok at walang mamamatay" nakangiting sagot ni Andeng. Bad trip naman oh. Sa kahihiyan eh medyo pasimple kong binotones yung polo ko baka mamaya mapansin nila na naka-superman shirt pa ako. Kung kelan naman kasi na magiging parang superhero ako eh tsaka pa napurnada.

Pagkatapos nun ay pinanood pa namin kung paano kinaladkad nung guwardiya yung lalake papasok sa isang kuwarto bago namin naisipang lumabas na rin. Agad naman kaming sinalubong ng ilaw ng camera at biglang may lumapit sa amin na mga reporter. Ang bilis talaga ng mga reporter oh! Teka, kung may reporter ibig sabihin mapapanood ito sa t.v. at kung mapapanood ito sa t.v eh di makikita nila akong kasama si Andeng. Hindi pwede! Agad akong nagtakip ng mukha gamit ang dalawa kong kamay habang nakayuko. SIniksik ko ang sarili ko sa likod ni Andeng habang kami'y naglalakad.

"Ngayon po ay makakapanayam natin ang isang magkasintahan" narinig kong sabi nung reporter. Magkasintahan? Sinong magkasintahan? Inangat ko yung ulo ko at nakita kong nakatapat yung mikropono kay hito. Kumulo agad ang dugo ko.

"Hindi sila magkasintahan noh!" bulyaw ko at napaigtad naman yung reporter. Napatingin din sa akin si Andeng at si hito.

"Kung-kung ganon ikaw ang bf niya?" nauutal na tanong nung reporter. Eh? Ako? Tinuro ko ang sarili ko at natameme ako dahil hindi ko alam ang isasagot.

"Hindi ko siya boyfriend" si Andeng na ang sumagot at kung makailing naman ito eh todo tanggi.

"Kung ganon..." Tinignan ako ulit nung reporter tapos linipat niya yung tingin niya kay hito na para bang may nais siyang sabihin. Napaisip lang ako ng konti.

"Hindi noh!" sabay na bulyaw namin ni hito

"Pasensya na" kakamot kamot yung reporter

"Ginawa mo pa kaming katulad nung my husbands lover?" naasar na talaga ako. Si Andeng naman humahagikgik na.

"Kung gusto niyong magtanong tungkol sa nangyari, sa mga empleyado ka ng sinehan magtanong" kalmadong sagot ni hito. Ang bilis nitong maibalik ang composure nito huh. Pagkatapos nun ay dali-dali na kaming naglakad paalis at baka mamaya ay mapagkamalan na naman kami.

PILYO (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin