PILYO 30

7.1K 99 10
                                    

Sumunod sa amin si Avan pauwi. Ilang beses ko ring pinagmasdan si Avan at mas nasisigurado ko na tiba-tiba si Ate sa kanyang nabingwit na mayaman.

"Dito na tayo" walang kabuhay-buhay na paglalahad ko nang nasa tapat na kami ng bahay. Tumango lang si Avan at pasilip-silip sa loob ng bahay

"Mukhang walang tao?" singit ni Andeng kaya sinilip ko na rin at tama nga siya. Walang tao. Saan naman kaya nagpunta yung mga yun? Papasukin ko na sana yung bahay nang marinig ko ang hagikgik ni Mama sa kabilang bakod.

"Tara!" at hinawakan ko sa braso si Andeng. Pinandilatan lang ako nung dalawa

"Where are we going?" tanong ni Avan. Hindi ko ba alam kung sasabunutan ko yung sarili ko nang mag-ingles na naman ito. Sa tuwing may naririnig akong nag-iingles ang unang pumapasok sa utak ko ay si lumpiang hito buti nga at hindi ko nababato ang english instructor namin sa school. Minsan nga tinanong ako ng instructor ko kung galit ako sa kanya dahil ang sama raw ng titig ko sa kanya. Ang resulta tuloy, ayoko na sa english.

"Pwede ba itigil mo na yang english mo" gigil na sagot ko "Nandiyan sa bahay niyo sila Mama" baling ko naman kay Andeng at binigyan lang ako ng dalawa ng 'aaaaahhhhh'. Naglakad na kami papasok nang natigilan ako.

"Avan!" liningon ko si utol. Oo tanggap ko na na magiging bayaw ko siya.

"What?"

"Siguradong mahihirapan kang suyuin ang ate ko" sarkastikong sambit ko

"Bakit?" yun oh! Mabait na bata at dahil doon tinuro ko ang mga barakong kasalukuyang inaayos ang garden nila Tita Analyn. Bumisita na naman pala ang ka-team ni Port sa football at syempre kasama yung dalawang mokong kong kaibigan pati na rin Bugoy ay busy sa pagbubuhat.

"Yan oh! Mga karibal mo lahat yan sa ate ko" nguso ko sa mga barako

"Hanggang dito ba naman?" maktol naman ni Avan. Sa itsura nito mukhang sanay na itong makakita ng ganitong sitwasyon.

"Pasok na tayo?" yaya ni Andeng. Medyo prinoproseso ko pa yung reaksyon ni Avan. Ganun ba ka-hot ng ate ko? Tingin ko sa kanya eh witch with matching eerie shake. Naiimagine ko tuloy yung nakakatakot na ate ko.

Pagpasok, bumungad sa amin ang dalawang Donya na nakaupo sa may porch. At naka-sumbrerong mayaman pa si Mama with matching shades. Isali mo pa yung paraan ng paghawak niya ng baso na nakapilantik yung hinliliit. Feeling sosyal talaga ang ermats kong ito.

Kung makapagpahinga ang magkumare ay parang hindi abala ang mga kawawang barako na nagpapa-impress.

"Ma, si ate?" tanong ko. Binabaan ako ng sunglass ni Mama. Pati attitude mala-donya lang si ermats. Tinaasan pa ako ng kilay sabay lipat ng tingin sa kasama kong si Avan at dahan-dahang napa "O" ang bibig niya.

"Anak, sino yang gwapong kasama mo?" napabuntong-hininga na lang ako.

"ex ni ate na gustong tanggalin yung ex" monotonous na sagot ko

"Ikaw!" tili ni Mama habang turo-turo si Avan

"Mare, anong meron?"

"Nasaan na si Milo?!" parang timang lang si Mama at grabe sa reaksyon. Mukhang gustong patayin si Ate sa itsura.

"Anong nangyayari sa iyo Ma?"

"Kung alam ko lang na ganyan ka-gwapo yung hiniwalayan ng ate mo eh pinapako ko na siya sa krus" madiin na sagot niya sa akin. Ganyan talaga si Mama, mahilig sa gwapo kaya nga maganda ang genes namin dahil gwapo si Papa.

"Milo! Nasaan ka na! Lumabas ka dali!" at nagsisigaw na si ermats habang patuloy na linilingon si Avan. Parang baliw nga at kung napapalingon siya kay Avan ay nginingitian siya ni Mama tapos pag sinigawan si ate tsaka naman nagpuputukan yung mga ugat nito.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon