PILYO 11

12.1K 151 10
                                    

"Apo! malelate ka na!" panggigising ni Luveydubs sa akin. Nagpagulong-gulong ako sa higaan sabay umungol ng pareklamo. Wala ako sa mood na pumasok sa school at hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi. Determinado na akong huwag gumalaw nang biglang hinatak ako ni Lola paibaba sa kama.

"Aray ko La!" napasigaw ako ng kaunti lalo na at masakit ang puwet ko sa pagbagsak

"Huwag ka ngang magsenti-senti diyan at maligo ka na!" bulyaw ni Lola. Nakakabingi man ay pinilit ko na lang na sundin ang utos nito at dumiretso na ako sa banyo. Humihikab at papungay-pungay pa ang aking mga mata habang naghuhubad na sa loob.

1, 2, 3 at sabay linusong ko ang malamig na shower. Brrrrr! Ang laaaamiiig! Sabon dito, shampoo doon at magbabanlaw na sana ako nang may biglang tumakbo papunta sa akin na kasing laki ng pusa. Pumasok ito mula sa butas ng banyo. Waah! Dambuhalang Daga?! Napatalon ako at napasigaw sa takot lalo na nang dumaan ito sa paanan ko. Aakma akong bubuksan yung pinto sana ngunit dumaan din ang daga doon kaya napaatras ako. Sabay sinundan ulit ako kaya napatalon ulit ako. Sa taas nga ng pagkakatalon ko ay halos dumikit na ang tuhod sa dibdib ko.

"Anong nangyayari sa loob?!" narinig kong tanong ni Lola. Hindi ko naman siya masagot dahil busy akong ilagan ang parang nang-aasar na daga.

"Ahhhh!" sige sigaw ko pa. Umalis ka na please. Yun na lang ang naisip ko at buti na lang naisipan ng dugyuting daga na bumalik sa butas na pinanggalingan niya. Whew! Sa sobrang takot ay parang sasabog na ang puso ko. Nakiramdam muna ako ng ilang saglit at bago pa maisipang bumalik nung daga ay minadali ko na ang pagbabanlaw, pagkatapos ay nagtapis na ako sabay takbo palabas.

"Anong nangyari sa iyo?" takang-taka ang  mukha ni Lola

"Da-da-daga!" medyo pumiyok pa ako ng kaunti habang tinuro ko yung banyo. Narinig ko pa ngang tumawa si Rina pero di ko na pinatulan kundi nagtungo na ako sa kuwarto at nagpalit.

*****

Pagdating sa school ay hindi ko alam kung paano ko haharapin ang dalawang mokong na yun. Oo bad trip ako kagabi kaso hindi ko kayang magalit sa dalawang iyon. Mag-iisip pa lang sana ako ng dialogue nang makuha ng pansin ko si Jhax at Port na may hawak na cartolina at nakasulat ang 'We are Sorry'. Na-touch naman ako.

"Anong kalokohan na naman ito?" natatawa akong linapitan ang dalawang unggoy na may paawa effect pa sa mukha nila.

"Sorry bro dun sa nangyari kagabi" nauna na si Jhax. Nginitian ko na lang sabay binatukan para kahit kaunti ay makaresbak ako. Hindi naman nito ininda, lumapit na rin si Port.

"Pero wala ka ba talagang gusto kay Keandra?" akala ko pa naman eh mag-sosorry ito, mang-iintriga pa ata. nag-akma nga akong babatukan ko rin ito bago ako sumagot.

"Ewan" ewan?! bakit yun yung singot ko?

"Oo nga Rhi!" second demotion ni Jhax "Maganda naman siya at singkit eh ang pagkakaalam ko yun yung mga qualities na hinahanap mo huh"

"Aba akala ko ba magsosorry kayo eh bakit daig niyo pa si Boy Abunda kung mang-hot seat?" Agad naman akong yinakap ni Jhax sabay halik ulit sa pisngi ko ng maraming beses.

"Ikaw naman para kang may dalaw ngayon" panlalambing nito. Tinulak ko nga yung mukha nito palayo.

"Mapagkakamalan tayong bakla nito eh!" sabay lumingon-lingon ako sa paligid.

Nagkibit-balikat si Jhax sabay tinignan ako pataas at pababa at nakakunot pa ang noo nito "Rhi tapatin mo nga ako?" seryoso ang tono nito

"Ano?" medyo hindi na naman maganda ang kutob ko sa tatanungin nito

"Bakla ka ba? Kasi ngayon ko lang napagtanto na masyado kang pihikan baka naman isa sa amin ang gusto mo?" Hayun binatukan ko ng pagkalakas-lakas para magising sa delusyon ang mokong na ito.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now