PILYO 26

8.1K 100 3
                                    

Bakit kaya ang ingay-ingay sa labas? Umagang-umaga at parang may construction site sa bahay. Sa asar ay di ko na naiwasang lumabas at nagulat na lang ako sa aking nakita.

"Good morning bro!" magiliw na bati ni Jhax na agad binaba ang binubuhat para lumapit sa akin at ako'y buhatin "Yan!"

"Good morning!" bati rin ni Port na kasalukuyang hinahalo ang linuluto. Linibot ko pa ang aking mata at present din ang football team na busy sa pagpunas ng bintana, pagwawalis at kung ano-ano pa. Halos bumagsak ang panga ko kakatitig lang sa kanila.

"Good morning Kuya Rhino!" bati ni Bugoy na nag-aayos ng mesa

"Pa-pati ikaw rin ba?" utal kong tanong kay Bugoy. Kabata-bata eh alam ng magpa-impress

"Kuya ilakad mo ako kay Ate Milo huh" that's it! Punong-puno na ako sa mga nangyayari at dahil lang yan sa ate ko. Nasaan na ba yun? Hinagilap ko siya sa bahay ngunit wala siya.

"Gising na pala ang prinsipe?" natigilan ako nang marinig ko ang sarkastikong tono ni Ate. Liningon ko siya at aakmang sisimulan na ang sangkaterba kong reklamo nang sinara niya ang bunganga ko gamit ang kamay niya. "Mamaya na yan at kakain muna tayo" Nakakanerbiyos! Mukhang puputok na ang mga ugat sa leeg ko sa panggagalaiti.

"Guys! salamat sa tulong" magiliw na pasasalamat ni ate sa mga lalake at parang mga bata naman ang mga ito na nagsikamutan ng mga batok. "Bye!" at kinawayan ni ate sila kaya dahan-dahan silang nagsialisan maliban kina Port, Jhax at Bugoy.

"Pinalayas mo lang sila ng ganun ganun lang?" tanong ko

"Ahuh"

"Ahuh?" tinaasan ko siya ng kilay

"Hindi mo ba alam ang ahuh? Ibig sabihin nun ay Oo" Feeling ko nagsisiputukan na ang mga ugat sa utak ko. Pagdating talaga kay ate ay madali akong mapikon lalo na't mukhang hindi ko maaasahan na kakampi sa akin ang dalawang mokong na kaibigan ko. "Oh siya upo na at kakain na tayo" Pagkasabi ni ate nun ay nagsiunahan ang tatlo para makaupo sa tabi ni Ate syempre natalo ang bata na si Bugoy kaya tumabi na lang siya kay Jhax, si Port ang nasa kaliwa naman ni Ate. Maya't maya ay nagsilabasan na rin sina Luveydubs at mga pinsan ko.

"Apo bakit ka pala biglang umuwi?" tanong ni Lola kay Ate. Buti nga tinanong na rin ni Lola at nagtataka rin ako kung bakit bigla-biglang sumusulpot ang energy drink na ito. Nakatitig lang ako kay ate na mahinhing sumubo at medyo matagal pa bago siya nakapagsalita.

"Namiss na kasi kita Lola" nakangiti niyang sagot. Sinungaling! Sabi ko sa isip ko. May hindi ako alam na nangyayari dito.

"Lalabas po pala ako mamaya La" paalam ko naman kay Luveydubs. Naalala ko kasing may date kami ni Andeng ngayon syempre sikreto lang.

"At saan ka naman pupunta?" matalim ang tingin ni Ate na nakatitig sa akin.

"Bakit ko naman sasabihin sa iyo?" pabalang kong sagot

"Aba malay namin kung nagdrudrugs ka o di kaya ay may kababalaghang gagawin"

"Ganun ba talaga ang pagtingin mo sa akin?"

"Ewan, unless may sikreto kang ayaw sabihin sa amin?" bakas ang pang-aasar sa tono ni Ate. Hindi ko na lang pinansin at hindi na rin ako sumagot. Yung dalawang mokong kasi pahalata dahil sabay pa silang nasamid. Nahahalata tuloy na may tinatago kami.

Sinadya kong umalis nang hindi namamalayan ni Ate kaso feeling ko parang pinagmamasdan niya pa rin ako. Habang naglalakad ay parang baliw ako na titingin-tingin sa likod para masigurado lang na hindi sumusunod si ate. Nang hindi talaga ako mapakali ay tumakbo ako sabay nagtago sa poste. Naghintay ako ng ilang minuto at nang walang Milo akong nakita ay pinagpatuloy ko na ang pagpunta sa mall kung saan naghihintay na pala si Andeng. Naka-jackpot talaga ako lalo na nang makita ko na magandang-maganda si Andeng sa kanyang suot. Naka-floral dress siya na hanggang tuhod ang taas.

PILYO (COMPLETED)Where stories live. Discover now