PILYO 24

8.3K 90 6
                                    

"Huh?" namimilog ang mga mata ni Andeng na nakatingin lang sa akin

"Sabi ko bawal ang kiss at sex hanggat hindi pa tayo kinakasal" inosenteng pang-uulit ko

"Huh?" tssss bingi na ba ang girlfriend ko?

"Gulat ka lang ba o dismayado?" biglang namula si Andeng at maya't mayay pinalo na ako sa may braso

"Aray!"

"Ako dapat magbawal niyan!" singhal niya

"eh mas nauna ako, tapatin mo nga ako...baka naman gusto mo na akong halikan?" kinindatan ko siya tapos ngumisi kaya nakatikim na naman ako ng mas malakas pang hampas sa braso "Aray! namumuro ka na huh"

"Ang kapal mo din ano?" nanlalaki yung mga mata niya at bakas sa mukha niya ang hiya kaya napahalakhak na lang ako

"Nakakatawa ka talaga hahahaha" nahampas na naman ako

"Huwag mo akong lalapitan! Dapat limang metro ang layo mo sa akin" tsaka lumayo ng kaunti si Andeng sa akin

"Ano?" singhal ko naman

"Di ba bawal ang kiss at sex kaya dapat hindi tayo magkadikit at baka sunggaban mo ako" ngayon siya naman ang nagbibiro. Sa lakas ng pagkakasabi ni Andeng ay nakuha na pala namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. Sa hallway ba naman naming naisipang pag-usapan ang rules sa kiss at sex. Dahil sa hiya ay namula ako.

"Huwag kang lalapit huh! at baka halayin mo ako!" sinasadya talaga ng babaeng ito na ipahiya ako. Hinabol ko siya kaso mabilis din siyang tumakbo. Patawa-tawa pa siya habang nagpapahabol sa akin nang marinig ko ang pamilyar na pito.

"Mr. Silvers!" napatigil ako sa pagtakbo at lumingon kay sir

"sa guidance office ngayon na! Isama mo na rin ang kahabulan mo" tinignan ko si Andeng, halos matulala siya sa kinalalagyan habang turo-turo ang sarili. Hindi nga niya namalayang nakalapit na ako sa kanya at nakahawak na sa kanyang kamay.

"Tara na sa ating date" pang-aasar ko

"Ako sa guidance office?" di pa rin siya maka-move on na maguguidance din siya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya at nagsimula na akong maglakad kaso parang hindi gumagalaw si Andeng. Liningon ko siya ulit at nakatingin lang siya sa magkahawak naming kamay.

"Bakit?" tanong ko

"Ho-holding hands?"

"Oo! kiss lang at sex ang bawal pero holding hands, hug at kiss sa forehead pwede naman" nginitian ko siya pagkatapos ay magkahawak ang aming kamay habang naglalakad sa may hallway. Panay ang tingin sa amin ng mga students samantalang masayang-masaya ako na pwede kong ipagmalaki si Andeng sa buong school.

***** 

"Punta ka dito sa bahay mamaya"

"Anong gagawin ko diyan?" sagot ni Andeng sa kabilang linya

"Gusto lang kitang makita tapos dito ka na rin kumain masarap yung linuto ni Lola"

"Paano kung magtaka ang Lola mo?"

"Di yan, sige na hihintayin kita" at pinatay ko na ang tawag. Maya't maya ay narinig ko na ang boses ni Lola na pinapapasok si Andeng. Hinarap ko muna ang salamin at siniguradong guwapo ako bago lumabas ng kuwarto at umarteng normal.

"Ba't nandito si Andeng Lola" nakasimangot kong nginuso si Andeng tapos pasikretong kinindatan siya

"Ganyan mo ba itrato ang bisita? Tsaka tigilan mo ng tawagan siyang Andeng" pangsesermon ni Lola

"Oo na" umupo na ako sa may mesa at pasikretong sinenyal kay Andeng na sa tabi ko siya umupo. Tinapik ko yung katabing upuan.

"Dito ka na sa tabi ko ate!" excited na kinawayan ni Rina si Andeng. Mabilis kong pinanlakihan ng mata si Andeng, tinakot ko siya sa tingin ngunit parang hindi ito natakot at sa tabi nga ni Rina siya umupo kaya kaharap ko siya. Pagkaupo niya ay sinipa ko ng mahina ang paa niya. Pinanlakihan niya lang ako ng mata.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon