PILYO SPECIAL 4

7.6K 93 11
                                    

"Ano na namang kalokohan yang inimbento mo?" tanong ni Rhino sa akin samantalang focus lang ako sa paglalagay ng mga ilang wire sa imbensyon ko.

"Time machine yan" sagot ni Port na abala sa paglalaro sa PSP. Nang matapos na ako sa ginagawa ay hinarap ko na sila.

"Bro's! Masasaksihan niyo ngayon ang pinakabago kong imbensyon ang Time Machine ni Jhax!" proklamasyon ko. Wala namang kwenta ang ekspresyon nung dalawa. Si Rhino parang hindi naniniwala, si Port naman syempre nakayuko lang. Kaya naman in-on ko na yung imbensyon ko at doon ko napukaw yung interes nila nang makita nila ang pagbukas ng isang portal.

"Wow! Bro totoo nga. Ano pasok na tayo diyan?" nakalapit na ang humahangang si Rhino

"Hindi pwede eh"

"Ano?!" sabay pa yung dalawa

"Yung pwede lang kasing dumaan diyan eh yung galing sa ibang oras, hindi tayo" panlilinaw ko

"Gaya ng dati, palpak!" dismayado si Rhino. Nagulat na lang kami nang may tumatakbong lumabas sa portal.

"Para sa kalayaan!" sigaw ni Manong na nakasuot ng kamesa de chino. hawak-hawak niya yung itak at parang may sinusugod. Nagkatinginan lang kaming tatlo. effective yung imbensyon ko? Lumingon naman ang puno ng pagtatakang si Manong.

"Nasaan ako?" Bakas ang pagtataka sa mukha niya

"Nasa laboratoryo ko kayo" sagot ko at lumingon si Manong sa akin. Bigla namang naging mas bahala yung mukha niya. Tinapat niya yung itak sa amin kaya naman nagsitaasan kami ng kamay.

"Mga banyaga!" sigaw niya. Nagkatinginan kaming tatlo ulit. Sabagay mukha nga kaming banyaga dahil mapuputi kami. Si Rhino may pagka-asean ang dating, si Port may lahing espanyol.

"Pi-pilipino kami!" nauutal na sagot ni Rhino

"Pilipino?"

"tol, sabihin mong Indio" bulong ni Port kay Rhino

"Indio! Indio kami" at kumalma naman si Manong

"Hindi niyo ako linoloko? eh bakit mapuputi kayo!"

"Teka, teka parang kilala ko siya" parang nakita ko na kasi kung saan yung taong ito. Medyo maliit, well compared sa heigth namin tapos may itak...hmmm...si Andres Bonifacio! "Andres Bonifacio?" turo-turo ko siya na para bang nanalo ako sa quiz bee

"Kilala mo ako?" namamanghang tanong ni Andres

"Syempre isa ka sa bayani kaya" sagot ko

"Bayani?"

"Oo, dumaan ka kasi sa time machine ni Jhax" putol ni Rhino

"Kung naaalala ko nga, tumatakbo ako tapos biglang parang dumaan ako sa isang bilog na daluyan" binaba na ni Andres yung itak niya kaya naman nakahinga na rin kami "Pero hindi talaga kayo Banyaga!" tinaas niya ulit yung itak kaya tinaas ulit namin yung kamay namin.

"tignan mo ito" binato ni Port sa kanya yung listahan ng mga bayani na nabibili sa Bookstore. Buti na lang parati kaming handa.

"Si Rizal ito!" tinuro niya yung litrato ni Rizal "hahahahahahaha...Pandak ito"

"Huh?" sabay na tanong naming tatlo

"Si Rizal mas maliit sa akin" panlilinaw niya sa amin "Kung ganon, anong nangyari sa rebolusyon namin?" seryosong tanong ni Andres. At dahil doon, kwinento namin sa kanya ang buong nangyari at para naman siyang bata na natuwa sa aming pinagkwekwento.

***** 

"Saan niyo ako dadalhin?" palag ni Andres nung sinakay namin siya sa kotse. Kulang na lang ay pagsisipain niya yung pintuan, buti na lang napaliwanag din namin sa huli kung ano ang kotse. Binihisan na rin namin siya ng modernong kasuotan at plano namin siyang ilibot sa mall. Nakakatuwa lang na makita siyang matakot sa escalator at elevator. Tinawag pa niya ang escalator na malaking ahas. Nang may makita siyang foreigner ay agad niya yung sinunggaban, buti na rin lang hindi niya dala yung itak niya at siguradong sa kulungan ang hantungan namin.

Natapos din ang araw at pagod kaming tatlo sa pagtotour kay Andres.

"Salamat sa inyo mga kaibigan" suot na ulit ni Andres yung kasuotan niya. Inayos ko na rin yung Time Machine para makabalik na si Andres sa panahon niya.

"Paalam na rin sa iyo" paalam ko sa kanya at maya't maya ay dumaan na siya sa Time Machine kasunod ang pagputok nito at pagkasira.

"Sabi na nga, palpak!" dismayado ulit si Rhino "Pero atleast nakilala natin si Andres Bonifacio"

"Jhax nakita mo ba yung nakasukbit sa tagiliran ni Andres?" tanong ni Port

"Hindi, ano ba yun" humagikgik lang si Port.

Kagabihan, sa news ay binalita naman ang isang nahukay nilang relika na pagmamay-ari daw ni Andres Bonifacio. Natawa na lang ako nang malaman na iyon pala yung binigay ni Port sa kanya na nabibili sa bookstore. Nagtataka tuloy yung mga historian kung may nagbebenta na ba ng ganoon nung panahon nila Andres. Mas natuwa pa ako nang may nakasulat daw sa likod nun at yun yung pangalan namin nila Rhino at Port kalakip ang salitang - Kaibigan.

PILYO (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon